LIL: Mommy I'm sorry

3.3K 57 1
                                    

LIL: Mommy I’m sorry..

(Shyle’s POV)

“Shyle, I’m really sorry but the team needs you too but you have an illness. It can affect the team.”sabi sabi sakin ng coach ng volleyball.

Alam nyo yung feeling ng gusto ko ng umiyak dahil yung pangarap ko, unti unti ng nawawala ng dahil sa sakit ko. Pero pinipigilan ko yung sarili ko na umiyak dahil sa ayokong ipakita sa iba ng mahina ako. Lalong lalo na kay Chealsea. Ayaw kong maging mahina ako sa harapan nya.

“I understand… t-thank y-you for the experience.”sabi ko tapos tumalikod. Dun na nag-una unahan lumabas ang aking mga luha. Ang hirap sakin na mawala sa volleyball team dahil isa yun sa mga pangarap ko.

Tumakbo ako papuntang cr at pumasok sa cubicle at dun nilabas lahat ng iyak ko. Minsan gusto ko ng sisihin yung sakin ko. Dahil hadlang sya sa mga pangarap ko.

“Shyle ikaw ba yung nandyan sa cubicle?”tanong nung isang pamilyar na boses. Sa tingin ko si Jane yun. Pero apat yung paa kaya sa tingin ko si Gael pa yung isa.

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang mga hikbing lumalabas dito. Pero kahit anong gawin ko ay tila ito lumalabas sa aking bibig.

“Shyle, naiyak ka ba?”tanong ni Gael sakin.

“H-hindi ako naiyak, sadyang may sipon lang ako.”sagot ko sa kanya.

“Ahh sige.”sagot nya.

Narinig ko ang yabag ng mga paa nila paalis sac r kaya agad akong lumabas at naghugas ng mukha. Pero waepek talaga. Dahil sa mapula na at patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.

Wala na akong nagawa kaya lumabas na lang ako ng cr at naglakad sa hallway. Wala na rin akong ganang pumasok sa klase ko dahil nakakawalang gana naman talaga.

“Shyle!”tawag ni Gabriel sakin pero hindi ko sya nilingon. Hinawakan nya yung braso ko para pigilan nya ako sa paglalakad. “Shyle, alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon, kaya I’ll give you time and space. Kung naka-move on ka na sa pagkakatanggal mo sa volleyball team, nandito lang ako para sa’yo.”sabi nya tapos binitawan nya ang braso ko.

Buti pa sya medaling tanggapin ang mga iyon pero kung may severe asthma rin kaya sya madali lang ba nya yun matatanggap? Ang hirap naman maging Shyle Faith Penales. Wala na nga akong daddy, nahihirapan ang mommy ko ngayon tapos may sakit na ako. Hindi naman sa nagsisisi ako na naging Penales ako pero syempre, yung mga problema namin hindi ko kayang harapin.

Tanging si Leo lang ang nakakaalam na may sakit ako. Tiwala naman ako sa kanya dahil bestfriend ko sya simula nung bata pa kami.

Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa park, tinignan ko ang mga batang masayang naglalaro. Sana bata na lang ako na masayang naglalaro. Mas gusto ko pang maging bata na lang habangbuhay kesa sa teenage life na may sakit.

Bakit kasi ako pa yung nagkaroon ng ganitong sakit? Bakit pa ako nagkaroon nito? Ang dami daming tao na pwedeng magka-asthma sakin pa.

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon