LIL: Bestfriend!

3.1K 48 0
                                    

LIL: Bestfriend!

>>>Leo on multimedia<<< 

(Shyle’s POV)

“Shyle, pupuntahan lang naming si Amanda sa ospital.”sabi ni tito Gino sakin.

Alam nyo na naman siguro ang nangyari diba? 3 days nang unconscious si mommy sa hospital. Simula nung first date k okay Gabriel. Parang nagsisisi ako na sinagot ko si mommy. Hindi ako hinahayaan nila tito na bumisita kay mommy dahil baka daw may mangyaring masama ulit sa kanya.

 "Di po ba talaga akong pwedeng makabisita kay mommy?"tanong ko. Baka kasi sakaling pwede na. Si kuya nga dun na natutulog mabantayan din si mommy para sakin.

"Shyle, sana narealize mo yan, bago ka gumawa ng mali. Sana nakakasama mo ang mommy mo dito."pangongonsensya sakin ni Tito. And it's like stabbing me a samurai sword trillions of times. Tama naman kasi si tito eh, sana hindi ko na lang sinagot ng ganun si mommy. Alam ko naman na kapakanan ko lang ang kanyang iniisip. Siguro nga selfish ako.

But... it's my first time being inlove with someone. Ganito pala kahirap pag may boyfriend na, kaya pala hindi pinapayagan ng mga magulang ang kanilang anak na magboyfriend ng maaga dahil mahirap, ibalance ito. Totoo naman eh, ang hirap nyang ibalance.

(Amanda's POV)

"Nasan si Shyle?"tanong ko kay kuya kahit kakapasok pa lang nya sa kwarto.

Tatlong araw na akong nandito sa ospital at ngayon lang ako nagising. Hinanap ko agad si Shyle dahil gusto kong magsorry. Iiwan ko na lang sila dito, ako na lang muna ang pupunta sa Japan. Sila kuya Gino na lang muna bahala kila Shyle at Sean.

"Nasa bahay, baka kasi mag-away na naman kayo pag nandito sya eh."sabi sakin ni Kuya. Siguro baka awayin na naman nya ako -___-

"Ahh Amanda, about sa baby mo, you should be careful on your moves. Gusto mo kila Raymond ka muna para mabantayan ka nya."sabi ni Ate Katrina sakin.

"No need cause i can take care of my self."sabi ko 

(Kyle's POV)

"Kyle!"napatingin ako sa tumawag sakin..

Mark.

"Mark.. kamusta ka na?"tanong ko. 

"Ito ok lang, ah pre may tatanong ako sa'yo. Bakit nasa ospital si Amanda?"tanong nya sakin. Parang feeling ko nasa loob ako ng freezer at -0 ang temperature sa narinig ko. Gusto ko syang puntahan pero hindi pwede dahil ayoko na ng connection sa kanya.

"Pakialam ko sa kanya. At di ba may anak na ako at asawa, so ano pang pakialam ko sa babaeng yun?"tanong ko sa kanya. Alam kong nagsisinungaling ako pero kailangan ko ito.

"Pre, Hindi ko inisip na magiging ganyan ka. Sana marealize mo ang totoo."sabi nya tapos umalis.

Ano bang nangyayari sa mundo? LAgi na lang nila akong pinapatamaan. 

(Shyle's POV)

*boomm!!*

*boom!*

Takte naman! ang ingay eh! Minulat ko ang aking mga mata at nkita na parang may party sa loob ng kwarto ko. Tinignan ko ang computer ko. 

Sabi ko na nga ba, sya yun eh..

"Leo!"sigaw ko sa kanya.

"Hi, Qingren!"sabi nya tapos niyakap nya ako. Grabe di na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap nya sakin. Naku namiss siguro ako nitong lalaking to!

"Sweetheart alam mo, miss na miss na miss na miss na miss na miss na kita! =3="sabi sakin ni Sweetheart Leo.

"Sweetheart ako din naman eh!"sabi ko.

Si Leo Franz Ramos, ang one and only sweetheart ko! Wait hndi ako nagtataksil kay Gabriel ha! Bestfriend ko kaya si Leo. Since nung nasa China pa kami 1 year older sya sakin eh.

"Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka, sana nasundo kita sa airport."sabi ko sa kanya tapos humiga ulit.

"Kasi ayokong mapagod ka, sweetheart! Teka asan sila Tita Amanda, tito Gino, Tita KAtrina at Tita Frida?"tanong nya sakin.

"Nasa ospital si mommy kasama sila Tito Gino at tita Katrina. Then si Tita Frida nasa Japan naman kasama si Miss Mikaela."sabi ko naman.

"Eh si Michael?"tanong nya.

"Ewan ko! Sabi ni Tito Gino wala daw sa ospital si Kuya eh."

_____________________________

updated!

New character po! Sa tingin nyo po kontrabida o suporting si Leo?

vote.comment.fan

<3MissLeeCath

_________________________________

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon