LIL: Epic fail

3.2K 53 0
                                    

LIL: Epic fail

(Victoria’s POV)

“Victoria bakit mo naman sineset-up silang dalawa? May balak ka no?”tanong sakin ni Pinky. Isip bata pa rin tong babaeng to.

“Victoria, bakit ikaw pa? Why don’t fate do this?”tanong naman sakin ni Bianca.

“Victoria ang helpful mo na talaga.”sabi naman sakin ni Paula.

Ano nga ba ang ginagawa ko? Iseset-up ko yung dalawang hinayupak. Kahit may asawa nayang si Kyle wapakels! Alam kong si Amanda ang mahal nya. Tapos naman si Amanda, kahit itanggi pa nya, alam kong mahal nya pa rin si Kyle. Ano ba tong dalawang to? Korean drama ang peg ng love story.

“Alam nyo sa halip na magdadaldal kayo. Magpareserve na kayo ng table sa restaurant.”sabi ko. Satsat ng satsat wala naman ginagawa.

“Ako na lang may restaurant ang tito ko, baka makadiscount dun.”sabi ni Bianca

“Sige.”sabi ko tapos umalis na si Bianca.

“Kayo anong gagawin nyo?”tanong ko sa dalawa na nakahiga lang at kumakain sa kama ko.

“Kakain lang nakakagutom eh.”sabi ni Pinky.

*ring*

Hinanap ko yung cellphone ko, tapos naalala ko hindi nga pala yun yung ringtone ko. Kay Pinky lang pala yun.

“Hello honey…no problem!...sige uwi na ako… bye!”sabi ni Pinky tapos binaba yung phone nya. “Aalis na ako, pinapauwi na ako ni Honeypie Arvin ko eh!”sabi ni Pinky tapos umalis.

Mag-asawa na sila ni Arvin, may isa silang anak pangalan Aisha, ewan ko ba kung bakit ganun ang pangalan nun. Si Pinky daw ang nag-isip eh. Itong dalawa naman, sila Bianca at Paula, ayaw pang mag-asawa dahil subsob sa work. At ako naman may asawa na at may dalawang anak. Ang panganay ko ay 10 years old then yung bunso ko 2 years old.

“Sana maging successful ang plan slash set up mo.”sabi ni Paula tapos kinain yung cake ko  O_O. “PAULA BAKIT MO KINAIN ANG PAGKAIN KO?!”sigaw ko sa kanya. Sasapakin ko sya sana pero dumating na si Bianca.

“Ayos na, may table reserve na sa kanilang dalawa.”sabi ni Bianca tapos humiga sa kama ko.

(Pinky’s POV)

“Anong sabi mo?”tanong sakin ni Diana.

“I-se-set-up po ni Victoria sila Kyle at Amanda.”sabi ko sa kanya.

“Talaga yung babaeng yun! Ito P100k”sabi sakin ni Diana tapos bingyan ako ng 100k.

"Ganito gagawin mo, lagyan mo ng pampatulog ang inumin nya tapos iwanan mo na sya dun, ako ng bahala kay Kyle."sabi nya. Tumango naman ako. Binigyan nya ako ng pampatulog na powder mix.

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon