SC: Chealsea and Ronney

4.5K 71 13
                                    

SC: Chealsea and Ronney

(Chealsea’s POV)

“Magandang araw binibini!”tanghaling tapat nanggugulo tong lalaking ito, nabubwisit na ako sa kanya napakakapal pa ng mukha pumunta dito. Akala nya welcome sya dito.

“Anong ginagawa mo dito?”mataray kong pagtatanong sa kanya. Naiinis ako sa pagmumukha nya at gusto ko na syang palayasin sa bahay na ito.

“Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito eh, si Jane.”nung narinig ko iyon, para akong nalungkot. Baki ba ako malulungkot kung si Jane ang hinahanap nya? “Wala dito si Jane.”sabi ko. Kadate ni Jane si Sean. “Ahh buti naman kasi ikaw talaga ang gusto ko. Hinahanap ko lang naman si Jane kasi gusto kita makita.”sabi nya tapos kumindat sakin. KAdiri! Hindi bagay sa kanya mukha syang baliw!

“Chealsea bakit na kabusangot yang mukha mo? Anong nangyari?”tanong ni daddy Jacob. Nakakainis naman kasi talaga si Ronney eh! At di ko nga napansin na nakaalis na pala si Ronney.

“Kasi naman eh! Basta!”di ko alam kung sasabihin ko ba kay daddy ang dahilan kung bakit ako ganito kainis. Baka kasi pagtawanan ako ni daddy pag nalaman nya. “Ahh daddy, I thought will pay a visit kay mommy.”sabi ko. Kasi ang alam ko pupunta kaming sementeryo ngayon ni daddy para bisitahin si mommy. Patay na kasi si mommy, and I understand kung bakit ganun ang action nya sakin and towards daddy Kyle. Nakakainis naman kasi yang aids na yan!

“Of course! Let’s go na.”sabi nya. I really love my dad, kahit na ngayon ko lang sya nakilala. And I thank him kasi nagbabago na ako, from bitchy and a bad girl malapit na ako maging good girl. At si Jane naman ay stepsister ko, tapos may ampon pala si daddy si Leo. Sya yung rival ni Gabriel kay Shyle noon.

Ang dami kong narealize nung nabangga ako, sana pala matagal na ako binangga para mas mabilis kong narealize. Narealize ko na bakit kailangan kong kunin si Gabriel kay Shyle kung marami pa namang lalaki syan, narealize ko rin na hindi mo kailangan maghiganti sa taong akala mo kinuha ang sa’yo dahil sa kanila na iyon simula palang. Mas masaya pala kapag nagmamahalan lahat ng tao, walang galit basta love lang. Ako? Single parin dahil ayaw ko na muna magka-boyfriend. Kailangan ko pang makasama si daddy bago ako mag-asawa. Nagpunta na kami sa sementeryo at doon na kami nananghalian. Pagkatapos namin doon ay umuwi na kami.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil ang daming petals ng roses ang nakakalat. Nilingon ko si daddy pero ang nakita ko lang ay nakangiting mukha ni daddy. Alam nya ba ang lahat ng ito? “Pumasok ka na Chealsea.”malambing nyang sabi sakin. Medyo mga hapon na rin kasi. Pagpasok ko ay puro bulaklak ang bawat sulok ng aking bahay. Sinong lapastangan ang gumawa nito? Ginawang flower shop yung bahay namin.

Biglang may nagstrum ng gitara, napatingin ako sa nagstrum. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o hindi eh. Paano ba naman ang gwapo nya tapos nag-gitara pala sya, akalain nyo yun. Pero hindi ko alam kung bakit pero feeling ko may feelings ako para sa kanya pero hindi ko lang ina-admit dahil ayoko munang magmahal.

Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko... 

I found him cute kapag nakanta, he's so cute kahit na naiinis ako sa kanya basta maggitara lang sya feeling ko ayos na ako. Kahit nagkakilala lang kami sa bar noon.

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon