LIL: Positive

3.4K 52 5
                                    

LIL: Positive

(Shyle’s POV)

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang isang bubong na gawa sa damo. Siguro kubo lang ito, hindi nga ako nagkamali dahil kubo ang bahay na ito.

“Miss ayos na po kayo?”tanong nung babaeng medyo matanda na. “Ah.. opo.”sagot ko. Biglang pumasok sa isip ko ang mga nalaman ko kagabi, nag-una-unahan sa pagtulo ang aking mga luha. Si Gabriel niloko ako, mahal pa pala nya si Chealsea, ginawa lang nya akong panakip butas.

Paano nga ba ako napadpad dito?

>>>Flashback<<<

“Shyle!”tumakbo ako ng tumakbo paalis doon sa hotel na yon, ganito pala yung feeling na nag-assume ka, tapos rebound lang pala ako.

“Shyle so—“hindi ko na pinansin si Ronney dahil gusto kong makaalis dito. Tumigil muna ako sa pagtakbo at tinanggal ang heels na suot ko at nagpatuloy sa pagtakbo.

“Shyle!”tumawid ako sa kabilang kalsada at tumigil panandali dahil hapung hapo na ako. Umupo muna ako sandali at nakita kong may pares ng paa sa unahan ko. Kilala ko na kung sino iyon.

“Shyle let me explain.”sabi nya tapos umupo para ka-level nya ako.  “No need to explain.”sabi ko tapos tumayo “Coz’ I already understand.”sabi ko tapos tumakbo ulit pero hindi natinag si Gabriel sinundan parin ako. Hanggang sa mapunta ako sa damuhan, talahib ata ang tawag dito. Nagtago ako.

“Shyle! Nasan ka na? Magpakita ka naman oh!”sigaw ni Gabriel tapos tumakbo ulit. Biglang tumulo ang luha ko, mahal na mahal kita Gabriel pero sinayang mo. Bigla na lang ako napahawak sa dibdib ko dahil hindi ako makahinga, o nga pala ang tanga ko, may asthma ako pero tumakbo parin ako.

“Nako Ineng anong ginagawa mo dyan?”tanong ng isang babae. Tinignan ko sya at…

*blackout*

>>>End of Flashback<<<

“Ahmm. Manang pwede po bang makahiram ng cellphone?”tanong ko. Agad namang kinuha nung matandang babae ang kanyang 3310 na cellphone. Kinuha ko naman sa kanya.

“Hello.”

[Anak, *sob* nasaan ka na ba?]

“Mommy wag na po kayong umiyak dahil ayos lang po ako.”

[Anak, nasaan ka? Susunduin ka namin ng tito Raymond mo.]

“Wait lang po,”

“Ano po ba address nito?”

“Ahh Sabihin mo nalang, yung kubo sa tabi ng Reyes Mansion sa ***** street.”

“Ah mommy yung kubo sa tabi ng Reyes Mansion sa ***** steet.”

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon