LIL: Missing that

3.2K 47 2
                                    

LIL: Missing that



(Shyle's POV)




"Shyle support mo kami sa laban ha."sabi sa kin si Gael. Oo may laban sila, malungkot mang isipin pero wala na talaga ako, wala na akong pag-asa pang makabalik sa team namin.

"Syempre naman! Basta gagalingan nyo ha!"sagot ko sa kanya. Ngumiti sya tapos biglang napalitan ng lungkot. "Oh bakit ka nalungkot? Di ba dapat masaya ka kasi lalaban na kayo? Tapos live pa."sabi ko sa kanya.

"k-kasi, wala ka na, sabi nga nung bagong captain ball namin. Hindi daw nga deserve yun dahil mas magaling ka daw kesa sa kanya."sabi ni Gael "Ano ka ba, sabihin mo sa kanya, mahalin lang nya ang posisyon nya sa voleyball kasi maraming may gusto dun pero sya ang nakakuha."yun na lang ang nasabi ko pero deep inside gusto ko ako ang captain ball.

"Ms. Gael go to the training court now"sabi nung trainer namin. Oo namin kasi volleyball player ako dati. "oh sige bye na."sabi ni Gael tapos umalis.

Hayyss!! I really miss playing volleyball!!! Kainis naman kasi tong sakit na to eh! Sana di na lang ako nagkaroon ng ganitong sakit para masaya naman ako sa buhay ko. Ang hirap naman kasi itong severe asthma kasi ang hirap basta mahirap!

"Shyle!"

Hulaan nyo kung sino yung tumawag sakin, kung iniisip nyong si Gabriel, dyan kayo nagkakamali si Leo. Medyo ayos na nga ang utak nito pero miss ko yung mga kalokohan nya. nung may sapak pa sya sa utak.

"Bakit Leo?"tanong ko nung nakalapit na sya sakin. "Ahh wala lang."sabi nya tapos tumingin sa malayo. "Miss mo na sila no?"tanong nya sakin. Agad naman akong napatingin sa kanya. Oo namiss ko.

"Oo Leo miss ko na sila, ang maglaro ng volleyball kasama sila, magtetraining ng volleyball after class, makikipagharutan kila Gael habang water break."sabi ko nung biglang may luhang tumulo galing sa aking mga mata. "Tapos ng dahil sa pesteng sakit na ito! Bakit ba kasi napakasama ng Diyos? Sakin pa binigay ang sakit na ito? Minsan nga tinanong ko Sya kung mahal nya ba talaga ako? Kasi parang hindi naman nya---"

"Shyle, wag na wag mong tatanungin ang Diyos tungkol sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay mo, dahil lahat ng ito ay may dahilan, Sya lang ang nakakaalam lahat ng nangyayari ngayon dahil ginusto nya yun."putol nya sa sasabihin ko. 

Oo nga no, bakit ko ba sya sinisisi? Feeling ko ang sama sama ko kasi ginawa ko. Sinisisi ko sya sa mga bagay na may dahilan. 

"Sorry Leo, salamat din sa payo mo kasi naliwanagan ako na dapat hindi ko sya sinisisi sa mga bagay na ginagawa nya para sa ikagaganda ng buhay ko."sabi ko tapos niyakap ko sya.

"Walang anuman yun Shyle."sabi nya then hinug nya ako pabalik. Then kumawala sya sa aming yakap.

"Oo nga pala  nasan si Gabriel?"tanong nya sakin. Oo nga no, napansin ko na wala sya dito kasi usually nandito sya.

“Ahh wala pa.”yun na lang ang sagot ko sa kanya. Bumuntong hininga sya bago magsalita. “Shyle kahit anong mangyari mahalin mo si Gabriel huh? Alam kong sya ang first boyfriend mo, sana wag kang maniniwala sa sasabihin ng iba.”sabi nya tapos umalis.

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon