LIL: Jealous

3.3K 53 1
                                    

LIL: Jealous

(Shyle's POV)

"Shyle, hindi ka ba kakain?"tanong sakin ni mommy.

3 araw na akong hindi kumakain dahil hindi ko pa din tanggap ang nangyari sakin. May sakit ako tapos kailangan ko ng magquit sa voleyball team. Then ayokong malaman ni mommy na may sakit ako.

Hindi lang naman basta basta ang sakit kong ito. Sakit to sa kalusugan ko, severe asthma na nakuha ko kay mommy. Hindi ko sinisisi si mommy kung bakit ako nagkaroon ng ganitong sakit dahil hindi naman nya kasalanan na magkahika. 

Tumayo ako mula sa kama at pumunta sa balcony ko. Nakita ko ang mga batang malayang naglalaro. Masaya sila, walang problema at walang sakit. Samantalang ako, ito pwedeng sumpungin ng asthma anytime.

Feeling ko, wala na akong silbi, mas lalo ko lang papahirapan si mommy. Buntis na nga sya, maselan pa sya at may hika pa. Ang hirap noon para sa akin. Dahil sa pesteng sakit na ito.

*ring*

Tinignan ko ang tumatawag sakin si Gael, nagdadalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko ba o hindi eh. Pero sinagot ko din sa huli.

“Hello”

[Shyle, pasok ka na. Miss ka na namin]

“Tinatamad akong pumasok.”

[Bakit ka ba kasi absent? Pati si Jane, wala. Ako lang mag-isa dito]

“PAg sinipag ako.”

[Sige bye!]

“Bye din!”

*toottoot*

Hindi alam nila Jane at Gael ang tungkol sa sakit ko. Dahil ayoko rin naman silang mag-alala pa sa sakit ko. May sarili rin silang buhay kaya mind my own sickness.

“SWEETHEART!”nagulat ako sa sigaw nya. Sino pa ba edi si Leo. Paano sya nakapasok sa kwarto ko? Eh nakalock yun ah!

“Kaya ako nakapasok dito kasi may duplicate ako sa susi ng kwarto mo!”sabi nya tapos hinila ako papasok ng kwarto.

O_O

O-mo!!!

Ang daming Chinese cuisine dito sa harapan ko! Sigurado akong si Leo ang naghanda lahat nito kasi sya lang ang nakakaalam ng mga pagkain na gusto ko. Bukod kila mommy.

May hawak syang isang mp3 tapos sinalpak nya sa speaker. Ewan ko ba kung anong gagawin nito. Ano na naman kaya ang gagawin nito.

Nagulat ako sa nagplay, ang favorite song ko! Thunder by Boys like girls.

 

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon