LIL: Long time no see Keith

3.5K 60 1
                                    

LIL: Long time no see Keith

>>>Keith on multimedia<<<

(Amanda’s POV)

“Shyle at Sean, ako na lang ang pupunta ng Japan, tapos dito na lang kayo. Si kuya na ang bahala sa inyo”sabi ko sa kanilang dalawa. Sana maging tama ang desisyon kong iwan sila dito.

“No, mommy sasama ako sa iyo. Di ba sabi ko sa inyo na ayos lang sakin.”sabi ni Sean. Payag kasi si Sean na sumama sakin sa Japan.

“I remember that. Pero dito na lang kayo. Baka mahirapan kang mag-adjust sa universities doon pag doon ka nag-aral.”sabi ko. Ayoko na kasing mamilit. Pati kelangan ko ng makaalis after this semester.

“Ok lang naman po yun sakin eh! Basta kasama ko kayo. Mommy baka pag nandun ka may mangyaring masama sa’yo.”sabi ni Sean. Buti pa si Sean kahit hindi alam ang totoong reason kung bakit kami pupunta ng Japan ay naiintindihan ako pero si Shyle, ang iniisip nya ilalayo ko sya kay Gabriel.

“Amanda, ang sabo no Miss Mikaela, kelangan by the end of semester nandun ka na sa Japan.”sabi sakin ni Ate Katrina. Tumango naman ako bilang sagot.

Napansin kong ang tahimik ni Shyle, ni hindi sya nagsasalita sa mga sinabi ko. Gusto ko syang tanungin pero naisip ko baka masigawan lang nya ako dahil ayaw nyang sumama sa Japan.

Biglang pumasok sa isip ko ang birthday nilang dalawa. Next month na nga pala yun. At kinabukasan nun ang pagpunta ko sa Japan.

“Sean at Shyle. Malapit na ang birthday nyong dalawa. Anong balak nyo?”tanong ko. Gusto ko na din maiba ang atmosphere dito eh.

“Mommy… salamat po, salamat sa bago nyong desisyon na ikaw na lang ang pupunta ng Japan. Makakasama ko pa si Gabriel.”sabi ni Shyle. Nung naranig ko yun, parang may samurai na tumusok sa puso ko. Hindi na sya si Shyle na marunong magsikripisyo, hindi na sya si Shyle na handing gawin ang lahat makasama lang kami at higit sa lahat, hindi na rin sya ang Shyle na pinalaki ko.

Pero kahit ganun, I manage to put a fake smile on my face, kahit sobrang sakit. Ayoko ipakita sa kanya na nasasaktan na ako sa ugali nya simula nung nagboyfriend sya.

“Wala yun, oh ano anung balak nyo sa birthday nyo?”pag-iiba ko ng topic. Ewan ko ba, kung bakit nakakaisip pa din ako ng paraan para maiba yung mood ko.

“Gusto ko po yung magarbo para bago kayo umalis, eh Masaya kayo.”suggest ni Shyle. Natahimik ako dun. Ganun nab a sya ka-excited na umalis ako?

“S-sige, ikaw Sean anong gusto mong birthday celebration?”tanong ko sa kanya.

“Kahit ano po basta yung magiging Masaya po tayo.”sagot ni Sean sakin. Halata sa boses nya na nagpipigil sya ng galit. Pero para kanino ang galit na yun?

“Sige ako na lang bahala.”sabi ko tapos pumasok na ng kwarto. Nahiga ako sa kama tapos pumikit. Grabe di ko akalain na maisasagot nya sakin yun.

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon