LIL: Ingratiating her

3.2K 47 3
                                    

LIL: Ingratiating her

Previous happening:

Nalaman na ni Shyle ang nangyari kay Chealsea at kay Gabriel at ito ay nalaman nya sa mismong araw ng birthday nya. Hindi nya iyon matanggap kaya umalis sya ng hotel dahil ayaw nya na ring makita si Gabriel. Samantala, si Chealsea naman na humahabol kay Gabriel ay nasagasaan ng isang kotse pero tinulungan naman si Chealsea na makarating sa ospital. Nalaman ni Kyle na hindi pala nya tunay na anak si Chealsea at ang tunay na ama nito ay si Jacob. Nalaman na din ni Shyle na nagbunga ang nangyari sa kanila ni Gabriel…

(Amanda’s POV)

Dahil sa nangyari nung birthday ni Shyle at ni Sean ay hindi muna ako pupunta sa Japan dahil alam ko na kailangan ni Shyle ng karamay at she needs to be calm, alam kong sa loob nya ay gusto na nyang patayin si Gabriel at Chealsea.

“Tao po!!!”sigaw sa labas ng bahay namin. Kaya lumabas ako ng bahay para tignan kung sino ang tumatawag. Nagulat ako ng may nakita akong LBC motorcycle. “Ma’am kayo po ba si Amanda Faith Penales?”tanong nung lalaki. Tumango ako tapos sumagot. “Oo ako nga bakit?”tanong ko.

“Ah ito po para sa inyo.”sabay bigay sakin ng 1 boquet ng red rose at 3 box ng perrero. Nagulat ako tapos slow motion kong kinuha yun. Siguro galing to kay Raymond. “Galing po ito kay Michael Sy.”sabi nya. Michael Sy? Sino yun? Kyle MICHAEL SY?”

Nung ibabalik ko na yung binigay sakin ay kakaalis lang nung motor. Bakit sya magbibigay sakin? Wala na naman kaming connection ah! Ayos na nga sila ni Diana at Masaya na sila tapos guguluhin ako. Di kaya inutusan sya ni Diana?

“Tita Amanda~~”nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Leo. Napatingin naman ako sa kanya. “Bakit?”tanong ko.  “Si Shyle po?”Leo. “Nandun sa kwarto nya. Mukhang malaki galit sa mundo.”sabi ko.

“Tsk! Kung hindi kasi yun ginawa ni Gabriel edi sana masaya si Shyle.”bulong ni Leo, oo bulong na narinig ko. “Leo, hayaan mo na yun, nangyari na kaya mo bang balik ang nakaraan para baguhin ito?”tanong ko. “Hindi po.”sagot nya.

“A---“

“Amanda, pumunta ka sa hotel ngayon.”sabi ni Ate Katrina. Oo dito na sya natutulog ngayon, -__- nag-away ata sila ni Kuya Joshua. “Oo anong oras ba?”tanong ko. “now na!”sigaw nya tapos pumasok. Ang init ng ulo meron siguro to ngayon.

Pumasok muna ako ng bahay at napadaan ako sa kwarto ni Shyle. Ay nakapasok na nga pala si Leo kaya andun na sa kwarto ni Shyle. Mukhang bukas yung videoke nya eh. Kaya nilapit ko yung tenga ko at naring ko yung kinakanta nila.

“Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari

Ngunit ang pagtingin ay gaya pa rin ng

da-ra-ra-rat-da dati(3x)

Na gaya pa rin ng!!!!”

Pasigaw yung pagkanta ni Shyle, anyare sa golden voice nito? Hindi ko na  sila pinasok dahil pinapapunta ako ni Ate sa hotel. Naligo na ako tapos nagpunta sa garahe para kunin yung kotse ko. 3 months palang naman akong buntis at syempre kahit maselan, magdadrive pa rin ako dahil wala naman akong aasahan sa kanila xD.

Nagpunta na ako sa hotel at hindi ko inaasahang entrance palang may mga red roses na, wala akong natatandaan na nagpalagay ako ng red roses sa entrance nitong hotel. Baka naman sila Shyle or Sean ang nagrequest.

“Ma’am! May nag-aantay pos a office nyo.”sabi ng aking bagong sekretarya. Wala na kasi yung kaclose ko gawa ng namatay ang lola nya kaya kailangan nyang umuwi sa probinsya.

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon