LIL: Serenade

3.6K 52 2
                                    

LIL: Serenade

 >>>Gabriel on the multimedia<<<

(Gabriel's POV)

"Mommy, liligawan ko na po yung lagi kong kinukwento sa inyo si Shyle."sabi ko kay mommy habang nag-aayos ng mga gamit ko.

"Talaga? Sana hindi sya kagaya ni Chealsea na heaven lang ang gusto."sabi ni mommy sakin. Dati kasi si Chealsea mabait nung hindi pa kami pero nung naging kami na tsaka lumabas yung tunay nyang ugali

"Mommy hindi sya kagaya ni Chealsea, kasi si Shyle tinuruan nya ako sa buhay na, hindi ako pwedeng gumamit ng ibang tao para lang maging masaya kasama si Chealsea."sabi ko kay mommy. Totoo naman yun kasi nung humingi ako ng favor kay Shyle na maging Fake girlfriend ko hindi nya inaccept instead tinuruan nya pa ako.

"Sana lang anak, hindi ka mabigo."sabi sakin ni mommy tapos nagpunta na ng kusina.

Goodluck na lang sakin sana hindi ako mabusted sa gagawin ko, liligawan ko sya sa buong university. Hindi ko naman minamadali ang oo nya pero mag-aantay ako sa oo nya para sakin.

"Mommy alis na po ako."sabi ko tapos dinala ko na yung gitara ko.

"Sige anak ingat ka, at Godbless sa liligawan mo ah!"pahabol ni mommy sakin bago ako lumabas ng bahay namin. Kinakabahan ako grabe! Bahala na. Sigurado na naman ako sa feelings ko sa kanya.

Pagkapasok ko sa university ay hinanap ko agad si Jane para tulungan ako sa pag set-up ng assembly area. Kaya nga pala laging si Jane ang hinahanap ko kapag dating sa assembly area dahil pamangkin sya ng may-ari ng university.

"Jane!"tawag ko sa kanya, actually hindi si Shyle ang kasama nya ngayon eh, isang babae may hitsura rin.

"Bakit Gabriel?"tanong nya nung lumapit sya sakin.

"Liligawan ko kasi si Shyle kaya pwede mo ba akong tulungan sa assembly area?"tanong ko, sumimangot sya sa sinabi ko.

"Jane, hindi ko gagawing panakip butas si Shyle, matagal na din ang break up namin ni Chealsea then feeling ko ang saya ko kapag kausap ko sya."paliwanag ko, nawala naman yung simangot nya pero yung kasama nya yung sumagot. "Gabriel tama? Gabriel, masaya ako kung liligawan mo si Shyle, pero sana wag mong sasaktan sya ha! Kasi wala pa syang nagiging boyfriend."tumango ako sa sinabi nya sakin.

"Hindi ko man maipapangako na hindi ko sasaktan si Shyle pero asahan nyo papasayahin ko si Shyle. Ngumiti naman si Jane sakin at sinabing; "Tara!"sya pa ang nauna sa pagpunta sa assembly area.

"Teka! Yung favorite flower ni Shyle ay daisies, ayaw nya ng mga roses."Sabi ni Jane tapos kumuha ng pera sa bag nya. "Gael bumili ka ng daisies bilisan mo ha."tumango naman yung Gael tapos umalis.

"Gabriel, kung mabusted ka man ni Shyle ngayon, don't worry mag-antay ka lang dahil feeling ko mamahalin ka rin ni Shyle."sabi sakin ni Jane tapos ngumiti ako. 

"Buti naman at nakamove on ka na kay Chealsea."sabi nya sakin.

"Oo, narealize ko na bakit ako maghahabol sa kanya kung in the first place sya ang nanloko sakin. Tapos pipigilan nya akong makipagbreak sa kanya, The hell no! Siguro time na rin para sakin na magmahal muli ng iba hindi kagaya ni Chealsea na puro pasarap lang ang alam. Alam mo natutuwa nga ako sa inyo ni Shyle eh."sabi ko

"Bakit naman?"tanong nya

"Kasi madami kayong natutulungan sa pamamagitan lang ng pagsasalita nyo sa iba."sabi ko.

"Words of wisdom yun, dapat kasi bago ka gumawa ng mga bagay isipin mo muna."sabi nya tapos inakyat sa stage ang microphone.

"Jane ito na yung Daisies oh!"sabi ni Gael na hingal na hingal 

"Yan Gabriel, tatawagin ko lang si Shyle ha!"sabi ni Jane tapos bumaba ng stage.

"Teka ako na lang may naisip ako."sabi ni Gael tapos umalis.

"Ano naman kaya ang naisip ni Gael?"

(Shyle's POV)

Asan sila Jane at Gael? Bakit iniwan nila ako? Nag-iisa lang po ako sa classroom ngayon T_T.

"Shyle, si Jane may kaaway sa assembly area!"sabi sakin ni Gael na hingal na hingal pa.

"Ano?!"sigaw ko at nagmadaling pumunta sa assembly area, ang daming tao, ang sikip pa. Nung mapunta ako sa gitna ay umilaw yung spotlight sa gitna ng stage, si Gabriel ba yun? Nagsimula syang mag-strum ng guitar at kumanta.

Today is a winding road that's taking me to places that I didn't want to go

Whoa (whoa, whoa, whoa)

Today in the blink of an eye I'm holding on to something and I do not know why

I tried

Ano bang ginagawa nya sa stage bakit sya kumakanta?

I tried to read between the lines

I tried to look in your eyes

I want a simple explanation

For what I'm feeling inside

I gotta find a way out

Maybe there's a way out

"Shyle, nililigawan ka nga pala ni Gabriel."sabi sakin ni Gael na nasa kaliwa ko. "Sagutin mo ha."sabi ni Jane na nasa kanan ko. Bali pinag-gigitnaan nila ako.

Your voice was the soundtrack of my summer

Do you know you're unlike any other?

You'll always be my thunder, and I said

Your eyes are the brightest of all the colors

I don't wanna ever love another

You'll always be my thunder

So bring on the rain

And bring on the thunder

Panu kung lokohin nya ako? Paano kung gawin nya lang akong panakip butas? Paano kung hindi nya talaga ako mahal pinagtitripan nya lang ako? Paano kung inutusan lang sya ni Chealsea na ligawan ako?

Today is a winding road

Tell me where to start and tell me something I don't know

Whoa (whoa, whoa, whoa)

Today I'm on my own

I can't move a muscle and I can't pick up the phone

I don't know (I don't know, I don't know, I don't know)

Di ko na napigilan kusang gumalaw yung mga paa ko paalis sa assembly area.

(Gabriel's POV)

Umalis sya, siguro hindi pa sya handa dahil baka akalain nya isa lang tong trip o kaya inutusan ako ni Chealsea. Mag-aantay ako kay Shyle, hindi man ngayon nya ako sagutin, baka bukas o makalawa sagutin na nya ako.

_______________________________

updated!!!!

Note: 3rd year high school palang po ako, kaya hindi ko po alam ang totoong hitsura ng Ateneo, basta imagination ko lang po lahat ng places dyan sa Ateneo:)

Next chapter po ay ang sagot ni Shyle.

vote.comment.fan

<3MissLeeCath

___________________________________

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon