LIL: Reply

3.5K 56 1
                                    

LIL: Reply

 >>>Shyle on the multimedia<<<

(Shyle’s POV)

“Anak bakit ka naiyak?”tanong sakin ni mommy nung nakita nya ako sa garden ng bahay naming na umiiyak.

“Mommy, sa tingin ko mahal ko na sya.”sabi ko tapos humarap kay mommy.

“Huh? Sino?”tanong nya, mukhang naguguluhan naman sya sakin.

“Si Gabriel, yung ex ni Chealsea.”sagot ko

“Oh, anung problema ngayon?”tanong nya tapos isinandal ang ulo ko sa balikat nya.

“Kasi, mommy nanligaw sya sakin, pero hindi pa ako sigurado kung mahal nya ba talaga ako, o niloloko lang, baka din kasi inutusan lang sya ni Chealsea na ligawan ako.”iyak k okay mommy. Yun lang ang nararamdaman ko ngayon.

“Alam mo anak, ikaw na ang nagsabi ex ni Chealsea si Gabriel, eh ano naman ngayon kung niligawan ka ni Gabriel? Alam mo anak gawin mo kung anong magpapasaya sa’yo, wag mong sayangin ang pagkakataon na binigay sa’yo ng Diyos, sige ka baka magaya ka sakin.”sabi nya sakin.

Naisip ko, oo nga no. Break na sila ano pang pinoproblema ko? At hindi rin yun inutos ni Chealsea dahil nakipagbreak si Gabriel sa kanya sa maraming tao. Nasaktan ata ng sobra si Chealsea nun eh, kahit naman si Gabriel—

“Mommy panu kung gawin nya akong panakip butas?”tanong ko, what if ganun naman talaga? Gagawin nya lang akong rebound para makalimutan si Chealsea.

“Alam mo anak, never think about negative things, eh ano naman ngayon kung gawin ka nyang rebound? Kung katapat naman nya rebound ng katawan sa amin? Alam mo kung masasaktan ka nya anak tandaan mo andito kami nila kuya Gino, Ate Katrina, Ate Frida, Miss Mikaela, Kuya Joshua at ate Hannah mo dagdag mo pa sila Raymond at ang kuya mo.”sabi ni mommy. Hindi ko rin yun naisip na marami pala akong kaibigan at karamay dito

“Shyle andyan yung mga kaibigan mo sa sala.”sabi ni Tito Gino sakin. Tumayo ako tapos nagpunta sa living room ng bahay para puntahan yung mga kaibigan ko.

“Shyle!”sabay nilang sabi, sila Gael at Jane. Tapos niyakap nila ako. Ako na din ang unang kumawala sa yakap namin.

“Jane at Gael sorry sa nagawa ko kahapon kay Gabriel ha, ngayon nakapag-isip na ako, mahal ko talaga si Gabriel.”sabi ko tapos umupo then umupo sila.

“What? OMO! Sasagutin mo si Gabriel?”tanong agad ni Gael sa kin.

“Oo… pero gusto ko tulungan nyo ako!”sabi ko.

“Teka, sasagutin mo lang si Gabriel hindi ka manliligaw -__-“sabi ni Jane. Panira talaga tong kontrang bruhang to!

“Oo nga Jane pero ang naisip ko, mas gagawin kong memorable ang pagsagot ko sa kanya para meron akong ikukwento sa mga anak namin”sabi ko

“SHYLE HINDI PA AKO HANDA MAGING LOLA!”sigaw ni mommy bago umakyat sa may hagdanan. Patay narinig.

“Mommy! Wag po kayong sumigaw makakasama sa inyo yan, matulog na lang po kayo.”sabi ko tapos humarap kila Jane at Gael.

“Sige, ano bang bulok mong plano?”tanong ni Jane. Masasapak ko tong bestfriend ko! Nakakainis na eh -__- Masyadong kontra sa mga plano ko,at minamaliit!

“Wala na akong plano.”sabi ko tapos tumayo at pumunta ng kusina para ipaghanda sila ng pagkain, pero andun pala si Tito Gino umiinom ng tubig.

“Shyle mas romantic kapag sa sunset mo sinagot yung nanliligaw sa’yo.”sabi ni tito Gino tapos umalis.

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon