LIL: Birthday + Bad news = Revelations

3.7K 60 2
                                    

LIL: Birthday + Bad news = Revelations

(Shyle’s POV)

“Shyle panu bayan! Birthday mo na bukas!”sabi sakin ni Jane.

“Haha!! Oo nga eh, medyo kabado na excited ako bukas sa party nila mommy para sakin.”yun na lang ang nasagot ko kay Jane.

“At bakit ka naman kinakabahan?”biglang sulpot ni Gael sa gitna naming ni Jane.

“Syempre maraming tao, maraming pagkain at higit sa lahat sa hotel na lang daw yun gaganapin.”sagot ko kay Gael.

“adsfghjk”bulong ni Jane, di ko tuloy naintindihan T^T . Kainis! Lagi na lang kasi syang bumubulong.

“Shyle!” tawag ni kuya. Pero si Jane ang unang niyakap kesa sakin L(. Nakakainis ka kuya! Birthday na natin bukas lagot ka sakin.

Teka, oo nga pala birthday naming bukas pero hindi ko parin nabibili yung gitarang gusto kong iregalo kay kuya.

“Jane tara na.”tumango naman si Jane tapos umalis na. Well hindi na ako magtataka kung bakit crush na cruh ni kuya si Jane. Ang kyot nya kasi kapag nagsasalita. Sabi nga nila nawawalang kapatid ko daw si Jane kasi medyo magkahawig daw kami.

“Grabe ano nabang status ng kuya mo at ni Jane?”tanong sakin ni Gael. “Ewan ko.”sagot ko. Di mo naman talaga malalaman ang status nila kase lagi nilang dinedeny na sila pero kung maka-act yung dalawa parang sila na.

“Alam mo ang gulo nung dalawang yun!”sabi ni Gael tapos nagsimula na kaming maglakad. “Bakit naman?”tanong ko.

“Kasi, tignan mo yung dalawa, lalo na pag magkasama. Parang tuko si Sean at ayaw ng mahiwalay kay Jane. Tapos si Jane naman, ngingiti ngiti mag-isa tapos biglang wala pala silang relasyon?!”pasigaw na medyo malambing na tanong sakin ni Gael.

“-__- tanungin mo sila wag ako.”sagot ko. Wala naman akong kaalam alam sa chemistry nilang dalawa eh. =.=

*ring*

“May tumatawag! Sandali lang ha.”Sabi ni Gael sakin tapos medyo lumayo. Hays. Akala ko pa naman sakin. Ineexpect ko yung call nila mommy.

Si daddy kyle kaya aattend? Sana umattend sya tapos papakilala ko sya kay mommy para may pagpipilian si mommy na gawin daddy chos!

“Shyle! Uwi na tayo.”yaya sakin ni Gael, tumango na lang ako bilang sagot. Waaahhh!! Kinakabahan talaga ako para bukas! Birthday ko nap o bukas I mean naming ni Kuya.

“Teka pala Gael, samahan mo ako sa mall bibili lang akong regalo kay kuya!.”pigil ko sa kanya. Tumango naman sya bilang sagot din sakin. Tapos tinahak na namin ang daan papuntang mall.

~~~

“Ano bang ireregalo mo kay Sean?”Tanong nya kasi kanina pa kami paikot-ikot dito sa mall pero di ko pa din makita yung shop na gusto kong bilhan.

“Secret! Malalaman mo din.”sagot ko.

Ay Shemay! Second floor nga pala yun! Hinila ko si Gael papunta sa escalator patungong second floor. Naglakad lakad kami kasi medyo alam ko na kung san ko nakita yung gitarang yun.

“Waahh!!! Shyle si ano! Si Nichkhun!!!”sigaw ni Gael na nakatingin sa isang poster ng bench. Gwapo yung lalaking yun. Pero di ko kilala.

“Shyle! Ito si Nichkhun! Thai sya. Member ng 2pm!!!!”sigaw nya. Grabe nakakabingi at nakakahiya syang kasama -__-.

“Oo na, tara na!”sabi ko tapos hinila na sya palayo sa poster.

“Bye Nichkhun my labs…”sabi nya tapos nagflying kiss pa. -__- patay na patay to kay kanino nga ulit? Ahh basta! Baliw sya sa poster!

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon