LIL: Sean and Jane

3.6K 52 3
                                    

LIL: Sean and Jane

>>>Sean and Jane on the multimedia<<<

 (Sean's POV)

"Kuya! Totoo yung sinabi mo sakin!"sabi ni Shyle sakin tapos humiga sa kama ko. Anong totoo? Wala akong natatandaan sa mga sinabi ko dito eh! Diba nga makakalimutin ako????

"Ano bang sinabi ko?"tnong ko ng di na ako nag-iisip, nakakabagot lang kung mag-iisip pa ako ng walang kwenta kong sinabi sa kanya.

"Na buntis si mommy, confirmed na! Si mommy mismo nagsabi sakin kanina!"sabi nya tapos nagtatalon sa kama ko -__-. Isip bata talaga to kahit kelan.

Buntis si mommy? Ibig sabihin, magkakababy na kmi dito sa bahay? Teka sino naman ang daddy? Baka naman si tito Raymond!

"Kuya, kung iniisip mo na si Tito Raymond and daddy, mali ka... ang daddy kasi nung baby ay yung daddy din ntin."sabi nya ng nakatingin sa mga mata ko. Daddy din namin ang daddy ng bago naming kapatid? Napakawalanghiya nya! Ginamit na naman nya ang katawan ni mommy tapos ngayong buntis si mommy wala sya. Hindi na nga nya kami inalagaan tapos ganito pa.

"Kuya wag kang magalit kay Mommy, alam ko nagsisisi sya na binigay nya yung katawan nya sa daddy natin. Pati wala na tayong magagawa kasi nandyan na yan, pati diba gusto natin ng bagong kapatid?"sabi sakin ni Shyle. Tama naman sya anong karapatan kong magalit kung si mommy ang nagdesisyon nun. 

"Kuya, pumunta ka kila Jane tapos kunin mo yung guitar ko dun, may gagawin lang kasi akong mahalaga."sabi ni Shyle tapos umalis.

Pupunta ako kila Jane? Eh ni hindi ko nga alam yung address ng bahay nung babaeng yun eh. Kahit kelan talaga may pagkamakitid ang utak ng babaeng yun. Mana kay Tito Gino.

Nagbihis muna ako tapos pumunta sa kwarto ni Shyle. Hindi na ako kumatok, medyo may pagkabastos ako ngayon xD

"Yung address ni Jane kuya, nakadikit dyan sa things to do board ko."sabi nya habang nakatutok sa computer nya. Busy ata sa pagspazz nya, ewan ko ba dito kung anong ginagawa lagi sa computer.

Kinuha ko yung isang sticky note dun sa things to do board nya at umalis na.

~~~

Grabe nakakahilo naman tong village nato! Hindi ko makita yung address na to dito. Buti hindi nahihirapan ang mga nakatira dito, halos pare parehas ang mga bahay dito eh. Buti na lang hindi kami nakatira dito kundi nako! Lagi akong maliligaw dito.

Magtatanong na lng ako, may nakita akong isang guard kaya dun na lang ako magtatanong. 

"San po ba to?"tanong ko tapos ipinakita ko yung sticky note na may nakasulat na address.

"Ah ayan lang po yan, yang green."turo nya sa bahay na nasa gilid lang.

"Salamat po."sabi ko.

Walanghiya mo yon! Pa-ikot ikot na ako dito tapos biglang malapit lang pala to sa may entrance ng subdivision na to?

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon