Chapter 20

9.1K 161 3
                                    

"Malay mo, friend. Baka totoo sinasabi ni Jeremy sayo. Hindi nga siya naka-buntis sa babaeng yun. Di ba obsessed yung Chelsea na yun sa kanya?" tanong sa akin ni Dianne.

Mula yung nangyari pag-harap namin ulit ni Jeremy kahapon, dinamayan ako ng mga kaibigan ko.

"Gusto ko maniwala sa kanya. Pero masyado na ako nasasaktan, naiipit. Mas tahimik buhay namin nung wala si Jeremy. Siguro single na lang ako forever," sabi ko naman.

"Hay naku. The things that guy does to you. I guess the best thing to do is forget about him. Dadating din yung tamang lalaki para sayo. Wag mo na lang isipin. Si Jenny na lang muna," sabi naman ni Inggo.

Umoo ako. Tama naman, kahit si Jenny naapektuhan sa mga nangyayari. Kailangan ko maging matatag para sa kanya.

"Mahirap lang kasi eh." Naiyak ako. "He was my first love, first boyfriend, I had my first kiss from him, I gave him all. Binalewala niya lahat."

"Para mawala sa isip mo lahat ng problema mo sis, let's go shopping tomorrow! Treat ko kayo ng inaanak ko!" sagot ni Inggo.

Napangiti ako.

~

Buong araw ginala kami ni Inggo at Dianne sa mall. Medyo nawala na rin sa isip ko si Jeremy at sa bagong pamilya niya. Pero may instances naalala ko siya. Pero ayoko masira araw ko dahil sa kanya.

"Mama, naiihi po ako," ipit ni Jenny. Natawa ako sa itsura ng anak ko. "Sige, samahan kita sa CR."
"Ako na lang sasama sayo, Jenny. Naiihi din ako," sabi ni Dianne.
"Oh, sige. Maghihintay na lang kami dito ni Inggo."

Habang naghihintay lang kami sa labas ng CR, may nakitang store si Inggo. Yung mga damit para sa mga buntis.

"Uy, sis. Tingnan natin ung shop doon. Yung mga damit pang buntis."
"Oh sige. Dun ako tumitingin dati noong buntis pa ako kay Jenny."

Pumasok kami sa loob. Nasa tapat lang naman ng CR at medyo magtatagal si Jenny at Dianne dahil mahaba ang pila.

Habang tumitingin kami ng mga damit ni Inggo may isang babae bumangga sa akin. Medyo malakas. Nasaktan nga ako eh. Parang nananadya siya. Pagtingin ko, out of all people. Si Chelsea.

"Oops! Sorry! Oh, ikaw pala. Allie," and she gave the most evil smile. "Nice to see you here at a maternity store. Pero di ba, pang-buntis lang pwede dito?"

Tumingin ulit siya sa akin mula ulo hanggang paa, "Kung sa bagay, yung figure mo, medyo bigatin. Siguro kakasya din mga ganitong damit," at tumawa siya.

"Hoy, babaeng higad! Hindi mataba friend ko no!" sigaw ni Inggo.
"Shh, Inggo. Yung mga ganitong kababang tao, hindi dapat pinapatulan." Tinitigan ko siya ng masama.

"Kayo naman, masyadong HOT. Oh, siya. Since nandyan naman kayo, bagay ba to sa akin?" pinakita yung bistida pinili niya sa amin.

Bumulong si Inggo, "bagay sa mga ahas katulad mo."
"Ano sabi mo?" tanong ni Chelsea. Narinig yata.
"Wala! Hindi ikaw kausap ko! Chusera ka. Eh ano ba pake namin sa pinili mong bistida? Close ba tayo?"

Napangiti lang siya. As if hindi nakakaapekto mga sinasabi namin sa kanya. "Iniisip ko lang kasi ano magugustuhan ni Jeremy."

I rolled my eyes. "Ganun?"
"Oo ganun! Kasi ikakasal na kami next month. Alam mo naman kapag engaged love na love ninyo ang isa't isa, diba?" Tiningnan niya ako ng malungkot. "Oops, sorry. Di ako nagiisip. Baka na-offend ka sa akin. Wala ka pala lovelife." Ngumiti na naman sa akin. Nagtitimpi lang ako. Ayoko magkaroon ng gulo.

Binulungan ako ni Inggo. "Bes, pigilan mo ko. Malapit na masasabunutan ko na yang impaktang yan!"

Pinigilan ko siya at nagsalita ako kay Chelsea. "Oo, wala akong lovelife pero ayos lang kasi may anak naman ako. Di ko kailangan yung lalaki tinapon ko na."

Giving My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now