Chapter 7

12.7K 204 3
                                    

Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapagsalita. Si Jeremy? Nandito? 

"Allie. Nalaman ko nanganak ka. Kaya bumalik agad ako dito. Para samahan ka," sabi niya sa akin. Pero bakit ngayon lang? Bakit parang hindi naman siya nagsisisi iniwan lang ako ng ganun ganun lang?

"Bakit ka nandito? I mean, bakit ngayon ka lang? Kailangan kita tapos iniwan mo lang ako ng walang pasabi? Ano akala mo sa akin? Manhid? Parang wala lang nangyari?!" galit kong sinabi sa kanya. Galit ako. Galit na galit.

Hinawakan niya ako sa balikat, "Maniwala ka sa akin. Hindi kita iniwan! Pinilit lang niya ako! Si mommy may pakana ito."

Gusto kong maniwala. Pero iba na sakit nararamdaman ko.

Dinikit niya noo niya sa noo ko at humingi siya ng patawad. Tiningnan ko mga mata niya. Naalala ko nung una ako nagkagusto sa kanya. Kung paano ako nahulog sa mga tingin niya sa akin. Looking at his eyes brings so much memories. Both bad and good. 

"Hindi ko alam... Kung kaya kita patawarin, Jeremy. Sobra ang ginawa mo sa akin. Alam mo naman madaming paraan para ma-contact mo ako. Kausapin. Kamustahin. Pero di mo ginawa."

"Kaya gusto ko na bumawi. Mahal kita, Allie. At mahal ko din anak natin." Binitawan niya ako at lumapit siya kay Jenny.

"Anak ko. Ang ganda ganda niya. Ano pangalan niya?" tanong niya sa akin.

"Jennifer pangalan niya," sagot ko. Hinayaan ko na si Jeremy hawakan ang anak namin. Kahit masakit ginawa niya sa akin. Sobrang saya ko nagkita sila mag-ama.

Kalong kalong niya. Hinalikan niya sa noo at tumingin siya sa akin.

"Magumpisa tayo ulit. Please. Alam ko naging masama ako dahil iniwan kita. Mali ako. Pero hayaan mo ko ngayon bumawi sa inyo ng anak natin. Hindi ulit kita iiwan pa."

Napaluha ako. Mahal na mahal ko pa rin si Jeremy at wala na ako ibang gusto kundi mabuo ang pamilya namin. Bumuka bibig ko para magsalita pero walang boses lumabas. Unti-unti lumalayo si Jeremy. Ano nangyayari? Bakit nagkakaganito?



Biglang dumilat na ako. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ko. Ako at si Jenny lang tao. Panaginip lang pala lahat. Wala si Jeremy dito. Napatingin ako kay Jenny na natutulog lang. 

Hanggang sa panaginip umaasa ako kay Jeremy.


The next day I was able to go home since normal delivery lang ako. Pero kahit isang araw lang nakalipas parang ang dami na nagbago sa bahay. Sinabi ko daddy ang napansin ko at napangiti lang siya.

"Ang bilis ng mata mo makakita ng bago. Halika anak, may ipapakita ako sayo." Sumunod ako kay daddy at mommy at guest room na bihira lang namin gamitin. Pagbukas ni daddy ng pinto nakita ko bagong nursery ng anak ko. Kulay yellow ang kwarto dahil hindi namin alam noon kung babae o lalaki si Jenny. May Winnie the Pooh design, may crib na may ilang stuffed toys. Meron din isang rocking chair at diaper changing table. Napaluha ako. Ginawa ni mommy at daddy ito para sa apo nila.

"Daddy! Mommy! I love it!" Niyakap ko sila. "Feeling ko tuloy di ko deserve ng lahat na ito dahil isa akong disappointment sa inyo."
"Allie! Wag mong isipin yan. Oo, masyado kang bata maging ina pero nandyan na. Mahal ka namin at ni Jen Jen at gagawin namin lahat para maging maayos buhay niyo."

Sobrang blessed ako sa mga magulang ko. Kahit wala ang ama ni Jen Jen sa tabi ko. At least nandyan sina mommy at daddy para sa akin.

~

Nung gabi narinig ko umiyak si Jen Jen. Tumingin ako sa oras at past 2 am na. Inooras-orasahan ko pagdedede niya. Mukhang gutom ulit siya. 

Bumangon ako para timplahin ang gatas niya. Unfortunately wala akong gatas. Pero may stock kami ng formula para sa kanya. Binuhat ko siya at sinubukan ko siya pa-dedehin. Umiiling siya. Mukhang ayaw niya ng gatas. Kaya tinapik-tapik ko likod niya para tumahan. Pero di parin siya tumitigil sa kakaiyak.

Giving My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now