Chapter 2

14.5K 221 0
                                    

Eto na araw pinakahihintay ng mga high school students. Ang graduation. As if this is just the beginning of our journey. A step closer to adulthood, getting into college and finally having your life plan laid out.

"Guys, this is it! Gagraduate na tayo! Ugh, mamimiss ko mga moments natin," sabi ni Dianne.
"Truth girl. Yung naglalakad lang tayo papasok, kakain tayo sa canteen kung anu-ano. Tapos etong si Allie, total lovey-dovey sa kanyang boylet!" sabi naman Inggo. Natawa lang ako.

"Hindi naman kami masyado ganun. Lalo nung, alam niyo na..."

"Si monster mom. Hay naku, Allie. Wag kang magalala, nakapasok ka sa Maddison University. Mga magagaling at matalino lang nakakapasok dun. Tapos gagraduate ka ng masters dun, magkakaroon ka ng magandang trabaho. Magiging mayaman ka, mas mayaman kesa dun sa bruhildang ina ni Jeremy. Yung tipong kaya mong ihampas ang salapi sa pagmumukha niya!" sabi ni Inggo.

"Bakla, di ka masyadong gigil no?" tanong ni Dianne. "Hindi! Slight lang."

"Girl, pero tama si Inggo. Mapapatunayan mo karapat-dapat ka para kay Jeremy. Ipakita mo na worth it ka. At hindi ka niya kaya ipatumba."

Tama nga mga kaibigan ko. Mula nung gabi binastos ako ng nanay ni Jeremy tinago lang namin relasyon namin. Iwas gulo, iwas din yung nangyari. Mahirap, pero kakayanin. Papatunayan ko na hindi ako yung tao iniisip niya.

Nakita ko si Jeremy na kasama nanay niya. Inaayos yung suot niya. Napakagwapo talaga boyfriend ko (sorry pero totoo naman talaga). Napatingin siya sa direction ko at low-key kumaway siya sa akin.

"Anak?"

"Mommy?" Naku, nahuli ata ako. Palapit si mommy sa akin. "Sino kinakawayan mo?"
"Kaibigan ko lang po mommy."
"Oh, sige. Proud kami ng daddy mo sayo. Dumating na araw gagraduate ka na ng high school. Parang kailan lang ayaw na ayaw mo bumitaw ng kamay ko nung papasok ka palang ng elementary. Eto ka na ngayon. Papasok na ng college. Ang bilis ng panahon no?"
"Oo nga po."
"Alam ko na hindi ka na bata, at makaka-meet ka ng iba't ibang tao. Hindi ka lang matalino, maganda ka rin. Kaya hindi ako magtataka kung may manliligaw sayo."

Naku, parang alam ko na saan pupunta ang usapan na ito.

"Pero sana, wag ka muna pumasok sa isang relasyon. Focus muna sa pagaaral mo. Pwede crush crush. Pero hanggang dun lang muna okay?" Tumango ako.

"Nakaka-distract ang pag-ibig na yan. At mas maganda kung mas mature at settled ka na sa buhay mo bago mag-relasyon. Intindi mo ba ako, anak?" Lagot ako. "Opo, intindi ko."

"Oh, siya Allie. Punta ka kami sa upuan. Good luck baby." At hinalikan at niyakap ako bago siya umupo. Mas nahirapan ako sa situation ko ngayon. Hays.

~

Isa-isa tinawag mga pangalan namin para kunin mga medals at diploma. May iyakan, konting tukso, trips down memory lane. At sa wakas naka-graduate na kami ng high school. Habang busy lahat sa pictures nilapitan ako ni Jeremy.

"Congrats sa atin, babe. I love you."
"I love you too. Sayang di tayo masyado nagkausap. Graduation pa naman natin."
"Oo nga eh. Di bale, may party si Gregory mamaya. Punta ka ba?"
"Kung papayagan ako."

Lumapit si mommy at daddy. "Uy, Jeremy! Ikaw na ba yan?!" tawag ni daddy. Kilala na siya ni daddy at mommy dahil alam mo na, sikat siya at nasa varsity ng school namin. "Opo. Tito Albert." ngiti ni Jeremy. Kung alam lang nila boyfriend ko siya. Pero hindi nila alam. At hindi nila pwede malaman. Sa ngayon.

"Isang picture muna!"
"Mommy naman.. Nakakahiya.." Char lang. Para di mahalata. "Sige na Allie. Graduation mo na. May picture ka lang ng mga kaibigan mo. Sama mo naman sa ibang kaklase mo." At pinicturan kami ni Jeremy.

"Uhh, tita. Meron pala grad party yung isang kaklase namin. Pwede ba si Allie? Lahat nandun. Parang despidida bago maghiwalay-hiwalay."
"Oo naman, bakit naman hindi? Magiingat lang kayo ah."
"Opo mommy." At nagkangitian kami ni Jeremy. "Sige, nice seeing you po tita Cindy at tito Albert.. Pupunta na ako sa mommy ko. Baka naghyhysterical na yun."

~

Dumating na ako sa party ni Gregory. Medyo madami ng tao. Pero hindi ko makita si Jeremy. Itetext ko sana siya kaso naiwan ko sa bahay yung cellphone ko. Nabati ko na yung ibang kaklase namin pati si Dianne at Inggo pero si Jeremy wala parin.

Biglang may nagtakip sa mata ko.

"Jeremy..." Tinanggal kamay niya sabay halik sa pisngi ko. "Sorry baby ah. Na-late ako. Kailangan tumakas kay mommy eh. Daming tanong. Nakakarindi."

"Tungkol sa akin no?"
"Babe, wag kang magaalala. Di ko siya hinayaan magsalita against sayo."
"Alam ko yun." At niyakap ko siya. Sana ganito na lang lagi. Yung hindi kami nagtatago. Free kami magmahalan, walang nakakapigil sa amin.

"Ingay dito," sabi niya.
"Malamang! Party kasi eh."

May bumangga sa akin. "Hoy! Tumingin ka nga sa dinadaan mo!" sigaw ni Jeremy. "Baby, ano ka ba. Hindi naman masakit eh."

"Sorry, masyado ko kinareer pag-protect sayo." Natawa lang ako. "Halika, maghanap tayo ng lugar na mas tahimik. Para makapag-usap tayo."

Wala kaming makitang open room na tahimik ka dun kami sa guestroom tumuloy.

"Sana, wala kang makitang gwapo sa university papasukan mo."
"Sus, wala naman mas popogi sayo," bola ko. "At sana hindi ka makakita ng maganda. Ako lang ha?" lambing ko. "Syempre ikaw lang talaga. Beb, gusto ko lang ulit mag-sorry. Alam mo na sa nanay ko. Sana hindi ko hinayaan magsalita siya sayo ng ganun. Dapat napigilan ko."

"Babe, wla kang kasalanan. Mangyayari ng mangyayari yun. Pero papatunayan natin sa kanya, sa kanila. Pati sa mommy at daddy ko na mag-wo-work itong relasyon natin."

"Mahal talaga kita, Allie," sabi ni Jeremy sa akin. "Mahal na mahal din kita, Jeremy."

Hinalikan ako sa labi. Una, mabagal at soft ang halik niya. Habang tumatagal lumalalim na hanggang hindi na namin mapigalan ang mga sumunod ng pangyayari.

Pagkatapos hindi ko akalain na magagawa ko yun. Magagawa namin. Tulala lang ako at napansin ito ni Jeremy.

"Baby, okay ka lang?" tanong sa akin. "Ha? Oo-- oo naman. Bakit hindi?"
"Baby, sorry. Hindi ko dapat pinilit kung hindi ka pala ready napaka-gago ko--"
"Jeremy, ano ka ba? Ginusto ko din to. Hindi mo ito kasalanan. Tsaka mahal naman natin ang isa't-isa di ba?"

Umoo siya at hinalikan ko ulit siya sa labi. "I love you," sabi ko sa kanya. "I love you too. Halika na. Late na pala. Dapat nasa bahay ka na."

Hinatid na ako ni Jeremy hanggang sa kanto lang. Baka makita pa ni mommy at daddy. Pero iba pala madadatnan ko sa bahay...

"Allie." Ano ito?" Salubong sa akin ni daddy. Habang hawak-hawak ang cellphone ko.

"Boyfriend mo si Jeremy?"

Nalaman na nila.....

~

A/n
Hay naku, ang babata ninyo! Hahahaha

Giving My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon