Chapter 8

10.3K 206 5
                                    

Taranta ko hinahanap si Jenny. Lahat ng pwede pag tanungin nilapitan ko. How could I be so careless? Nawawala ang anak ko dahil di ako nakatutok sa kanya! Biglang naalala ko sinabi sa akin ng nanay ng kaklase ni Jenny. Pati yung mga tao humusga sa akin na di ko kaya maging nanay kasi bata pa ako. Sumakit dibdib ko. Kailangan kong makita ang anak ko.

"Allie, wala siya sa kabilang playground. Pinuntahan namin ni Inggo," sabi sa akin ni Dianne na kita din sa mukha niya natataranta.

"Paano ko to hinayaan mangyari ito? Napakasama kong ina!" iyak ko. Nararamdaman ko mahihimatay na ako na marinig akong maliit na boses tumatawag sa akin.

"Mama! Mama! Tingnan mo oh!" tawag sa akin ni Jenny. Tumakbo siya papunta sa akin at may hawak siyang ice cream. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit. May halong saya dahil hindi nawawala ang anak ko. Pero disappointed ako. Ilang beses ko siyang pinaalala wag siyang lalayo sa akin. Pero ginawa parin niya.

"Jenny! Hindi ba sabi ko sayo wag na wag kang lalayo sa akin? Bakit ka lumayo, huh?! Halos na ako namatay sa kakahanap sayo!" Pinagalitan ko siya. Bihira kong gawin yun pero paano kung may nangyari sa kanya na hindi maganda? Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring ganyan. Napaiyak ako.

"Sorry po, mama. Nakita ko kasi yung mabait na lalaki tumulong sa akin kahapon. Nagpasalamat lang po ako sa kanya. Tapos may binigay siyang ice cream!" Pinakita niya ang ice cream sa akin.

Kinuha ko ice cream. Paano kung masama yung lalaki? At ito modus nila? Tinapon ko sa basurahan. "Anak, di ba sabi ko din sayo na wag kang tatanggap ng kahit ano sa taong di mo kilala?"

"Pero, mama. Mabait po siya talaga. Sabi din niya sa akin kaedad ko lang din anak niya."

Napailing lang ako. Matanda na ang lalaki. Masama kutob ko. Ayoko na pagalitan si Jenny. Nadala lang siya siguro sa bait ng lalaki. Kausapin ko na lang ulit siya mamaya. Basta nagpapasalamat ako wala nangyari sa kanya. 

"Wag mo na lang ulit gawin yun ha? Pinaaalala mo ko. Next time pakilala mo sa akin yung lalaki. Para makita ko kung mabait talaga siya."

"Opo mama. Mabait po talaga si Kuya Jeremy!"

Nagulat si Dianne at Inggo sa binanggit na pangalan ni Jenny. Kahit ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Jeremy? Ayoko magisip. Malamang hindi siya yung Jeremy nangiwan sa akin six years ago. Masyado maliit ang mundo kung nangyari yun. Di ko nalang pinahalata kay Jenny ang gulat ko.

"Sige, anak. Pag nakita mo si Kuya Jeremy mo, pakilala mo agad sa akin." Umoo siya.

Palakad kami sa parking lot at pumunta na si Dianne at Inggo sa kotse nila. Sa bahay na lang kami magkikita. Nung binuksan ko pinto ng kotse sa side ni Jenny napatingin siya sa labas sa sumigaw, "Mama! Ayan oh!" Nabigla ako sa sigaw ni Jenny.

"Ano sinabi mo, Jenny?" tanong ko. "Ayan!" Lumabas siya sa kotse at may nilapitan siyang lalaki. Hinila niya palapit sa akin at hindi ko inaasahan na siya nga.

Si... Si...

"Ito si Kuya Jeremy! Kuya! Ito po mama ko!" Tuwang-tuwa sinabi ni Jenny. Napaluha lang ako. Hindi ako makapaniwala. Napatulala din siya.

"Allie?"

Giving My Love (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu