Chapter 21

10K 164 13
                                    

Dahan-dahan ko binuksan ang pinto. Sa totoo lang natatakot ako sa mangyayari.

"Sino ka ba? At paano mo ko nakilala? At kung saan ako nakatira? Pina-puntahan ka ba ni Jeremy?" sunod-sunod ko tinanong.
"Nathan Santiago pangalan ko. Kahapon pa kita kakausapin pero tumakbo ka palayo sa akin. Hindi kita nahabulan. Eh gabi na kahapon. Kaya nagtanong ako ngayon kung saan ka nakatira. At hindi ako pina-puntahan ni Jeremy. Si Chelsea ang kilala ko." 

Nagulat ako sa sinabi niya. "Si Chelsea? Kilala mo ba siya?"

"Oo, ako ang boyfriend ni Chelsea. Or ex rather dahil sa panloloko ginagawa ng babaeng yun sa akin."

Hindi ko alam kung ano kailangan ni Nathan sa akin. Tulad lang ba niya ako? Niloko din siya ni Chelsea tulad ng panloloko ni Jeremy sa akin?

"Buntis si Chelsea ngayon, di ba?" tanong niya sa akin at umoo ako. "Magugulat ka sa sasabihin ko, pero ito ang totoo. Hindi si Jeremy ang ama ng dinadala ni Chelsea ngayon. Kundi ako."

Napanganga ako sa sinabi ni Nathan. Siya? Siya ang ama ng pinagbubuntis ni Chelsea ngayon? "Ikaw? Pa-paano? Eh patay na patay siya kay Jeremy!"

"That's the thing. Buntis siya, ang paalam lang niya sa akin ipapaalam lang niya kay Jeremy siya ang ama. Sige, okay fine. Binigyan niya akong bahay at 300,000. Para di ko sisirain mga plano niya. Pero di niya sinabi magpapakasal sila. Buong akala ko sasabihin lang niya kay Jeremy na siya ama. Wala na sa usapan magpapakasal sila. Ako naman, ayoko pumayag. Sobra sobra na pagkadesperada."

Medyo magulo sinabi ni Nathan. Paano ako nakakasigurado totooo mga sinasabi niya sa akin, "Sinabi ba niya sayo ikaw ama? Baka niloloko ka lang din niya."

"Sinabi niya sa akin wala talaga nangyari sa kanila ni Jeremy. Gusto lang niya mahawak sa leeg si Jeremy. Di ko alam bakit ako pumayag. Dahil siguro sa sobrang pagmamahal sa kanya. Ayoko siya mawala. Pero magpapakasal na sila. Kailangan natin pigilin."

Na-lightheaded ako sa mga pasabog binitaw ng ex ni Chelsea. Hindi ko alam kung dapat kong pigilan o hindi. Pero naisip ko buong buhay nakatali si Jeremy sa isang manloloko.

"May proof naman ako, may pictures na magkasama kami at may pagka-nsfw. May date pa kada litrato. Patunay na hindi si Jeremy ang ama," sabi ni Nathan sa akin.
"Anong oras ang kasal?" tanong ko.
"Maguumpisa na, kaya kailangan na natin umalis.

Sumama na ako kay Nathan papunta sa kasal ni Jeremy. Hindi ito pwede matuloy.


Medyo natraffic kami. Out of all days ito pa nangyari.

"Malapit na tayo?" tanong ko. Nararamdaman ko ang anxiety ko sa pwede mangyari.

"Oo, malapit na. Relaks ka lang diyan."

As if kaya ko mag-relax lang. Akala ko sa mga pelikula lang makikita may pipigil sa kasal. Mangyayari ngayon ito. Kung aabot kami.


Ilang minuto lang dumating na kami sa simbahan at walang tao nasa labas. Naguumpisa na ang kasal. Sana hindi pa huli.

"Go! Pigilin mo na!" push sa akin ni Nathan. Tumungo ako at tumakbo ako sa loob ng simbahan.

"Is no one against this marriage?" tanong ng pari. Umabot ako!

"I'm against this marriage!"

Biglang tahimik at napatingin ang lahat sa akin. Aaminin ko, nakakakaba gawin ito. Nakita ko si Chelsea nakanganga at Jeremy nakatingin sa akin. At nakangiti pa.

"I guess I have to stop the wedding," sabi ng pari agad. Natawa ako.
"No! Father! Loka-loka yang babaeng yan! Nagpapapansin lang yan!" sigaw ni Chelsea.

Giving My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon