Chapter 4

11.9K 197 6
                                    

Hindi.. Hindi ito pwede mangyari. Papasok na ako ng kolehiyo, makakasama ko si na Jeremy, lahat magiging okay na! Napaupo ako sa sulok ng banyo at napaiyak. Hindi ako sigurado pero posible buntis nga ako. Lahat ng sinyales nandiyan. Nagsusuka, nahihilo, nababahuan sa mga iba't ibang bagay, hindi ako nagkakaroon dalawang buwan na. Hindi ko alam ano gagawin ko.

Kinuha ko cellphone ko at dinial ko number ni Jeremy.

"Baby, tumawag ka. Okay ka na ba? Masama pa rin ba pakiramdam mo?" tanong agad sa akin.

"Kailangan natin mag-usap. Magkita tayo mamayang gabi."
"Huh? Bakit may problema ba tayo?" tanong niya. "Explain ko na lang pag nakalabas ako dito," sagot ko. Narinig ko napabuntong hiniga siya. Kinabahan ako bigla.

"Sige, babe. Hintayin kita sa lugar natin."


Nung dumating na ang gabi nakalabas ako. Paalam ko may kukunin si Dianne sa akin. Bago kami nagkita sa park dumaan muna ako sa pharmacy at bumili ako ng ept. Dun sa CR nila ako nag-test. Naghintay ako ng limang minuto at sa limang minuto yan ang pinaka nakakabang pangyayari sa buong buhay ko.

1 minute has passed..

2 minutes..

3 minutes..

4 minutes..

And 5 minutes has passed..

Unti-unti ko tiningnan at lumabas nga yung kinatatakutan ko.

Two dark red lines. Positive.

Buntis nga ako.

Sa isang pangyayari magbabago bigla takbo ng buhay mo. Naging mapusok sa pag ibig. Hindi iniisip ano pwede maging kalabasan. Kung ito ay magiging positive o negative.

Hindi ko alam kung matatanggap ito ni Jeremy. Kung pananagutan niya ako. Oo, alam ko mahal niya ako. But is his love enough for him to support me and our future baby? Is giving my love worth all these changes? Bata pa kaming pareho.

Nakita ko siya nakaupo sa bench. Kung saan kami laging nag-se-stay nung bago pa lang kami.

"Kanina ka pa naghihintay diyan?" tanong ko.
"Hindi naman. Kakadating ko lang. Tinatanong ni mommy saan ako pupunta."
"Ano sabi mo?"
"Wala, may ibibigay lang akong libro sa kaklase ko. Kaya eto, may libro ako. Padala na lang sa inyo pag-uwi natin."
"Sige. Yun din paalam ko." At tumungo ako. Ashamed of what I'm going to tell him next.

"Baby," hinawakan niya kamay ko. "Ano ba paguusapan natin?"

Bigla akong napaiyak. Kita ang gulat sa mukha niya. "Allie, may problema ba?" Pinunansan luha ko.

"Hindi ko alam paano kong sasabihin sayo. Hindi ko alam kung magagalit ka o baka iwanan mo ko pagkatapos kong sabihin."

"Baby. Ano ba yun? Kinakabahan na ako. May nangyari ba? Nalaman ba ng mga magulang mo tungkol sa atin? Bakit?"

Hindi ako makapagsalita.

"Kung akala mo iiwanan kita, hindi ko yun magagawa. Promise. Kaya tahan na."

Inipon ko yung lakas ko at kinuha ko yung ept sa bulsa ko. "Eto. Nag-take na ako bago ako pumunta dito."

Kinuha niya at tiningnan niya mabuti. Nanlaki mga mata niya. "Ito ba- ito ba yung ginagamit kung gusto mong malaman kung bu-buntis ka?" He stuttered.

Umoo ako.

"Two red lines. Ano ibig itong sabihin?"

"Ibig sabihin buntis ako."

Hindi siya nakapagsalita. Dahil dun mas lalo ako napaiyak. "Gusto ko lang malaman, kung iiwanan mo ko, gawin mo na! Alam ko masyado tayong bata! Hindi natin kaya palakihin itong baby na ito. Dahil tayo mismo bata pa! Save me the hurt, Jeremy! And just go! I'll understand!" sigaw ko. Tumingin siya at napayakap sa akin.

"Bakit mo naisip iiwanan kita? Di ba sabi ko di ko yun magagawa?"

Niyakap ko rin siya, "Hindi ka kasi nagsasalita eh," sabi ko.
"Syempre, nagulat ako pero hindi iyon ibig sabihin na ayoko na sayo." Tiningnan niya ako sa mata.

"Hindi lang ikaw may dinadala. Pati ako. Mahal kita, Allie. Mahal na mahal. Oo, bata pa tayo para maging magulang. Pero makakaya natin ito. Magtatrabaho ako, magsisikap. Para sa atin dalawa at sa magiging baby natin. Pangako ko yun sayo."

Naging panatag na loob ko. Hindi ko kailangan maranasan ito magisa. "Talaga? Hindi mo ko iiwan?"

"Hindi! Hindi ko yun magagawa. Lumaki ako walang tatay kaya ayoko mangyari ito sa baby natin."

Hinalikan ako sa noo. "Pag nakaipon ako, magpapakasal tayo. Kakausapin ko mga magulang mo. Magiging okay ang lahat. Wag kang matakot. Dahil nandito ako para sayo."

I felt good hearing these words coming out from his mouth. Assurance that he will be here for me and our baby. I don't regret one bit loving this guy.

We are only 16. Walang wala sa isip namin magiging magulang na kami sa ganitong edad. Pero nandyan na. Kaialangan na nami panindigan. Mahirap na pagsubok ito, pero naniniwala ako malalampasan namin ito.

Naglalakad na kami pauwi, magkaakbay.

"Ano gusto mo? Babae o lalaki?"
"Ano ka ba Jeremy. Masyado pang maaga. Basta healthy siya, yan ang mahalaga."

Niyakap ako ng mahigpit. "Oo naman. Basta healthy. Pero kung babae siya, sana kamukha mo. For sure magandang maganda siya."

Hinampas ko siya, pero hindi naman malakas. "Ikaw talaga. Bolero pa rin!"
"Totoo naman eh." Napangiti lang ako. Nakadating na ako sa bahay at nagpaalam na kami sa isa't isa.

"Allie, kailan pa ba natin sasabihin sa mga magulang natin?"
"Bahala na. Basta bago mahalata na malaki tiyan ko."

Umoo siya at hinalikan niya ako bago umalis.

Pagpasok ko sa bahay nakahintay na sina mommy at daddy sa akin.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni mommy.
"Hinintay ko lang si Dianne. Natagalan kasi siya," sagot ko.
"Sabihin mo yung totoo."
"Po?"

"Nakausap na namin si Dianne at sinabi sa amin hindi kayo nagkita. Kaya yung totoo. Saan ka nanggaling?"

Natakot ako sa tono ng boses ni daddy. "Kay Inggo po," sabi ko.

"Talaga? Kay Inggo? Sige tatawagin ko siya ngayon. Allison, malalaman at malalaman din namin kung nagsasabi ka ng totoo."

"Wag na po." I surrendered. Tumingin sila sa akin. "Kasama ko po si Jeremy."

Kita sa mukha nila ang disappointed nila sa akin. "Sabi nga ba hindi pa kayo break. How can you do this to us Allie?" malungkot sinabi ni mommy.

I looked down, feeling ashamed for what I've done.

"Akin na cellphone mo. Last two weeks mo bago kang pumasok nawala na lahat ng privileges mo. Hindi ka pwede gumamit ng phone, computer, t.v. Wala. Hindi ka pwede lumabas at mas lalo di mo pwede kausapin si Jeremy. You lost our trust, young lady. At mas lalo tatagal bago mo ma-e-earn back ulit yan."

Kinuha ko cellphone ko sa bulsa pero may isang bagay nahulog. Nagmadali ako kunin pero napansin na agad ni mommy.

"Ano yan, Allison?" Pilit kong itago pero nakuha din ni mommy. Nakita niya yung positive ept. Hindi siya makapaniwala. Kinuha din ni daddy at tiningnan. Alam ko na alam nila ano ibig sabihin nun.

"Allison," tawag sa akin ni daddy, "kanino ito?" Na-pipi ako. At malapit na ako umiyak.

"Kanino ito?! Sumagot ka!" Umiyak na rin si mommy. Hindi ko pa dapat sasabihin. Dapat kasama din si Jeremy.

"Ano Allie! Sumagot ka! Kanino ito?!"
"Akin po."

Nanlaki mga mata nila. "Sayo?" tanong ni daddy. Kitang kita sa mukha niya hindi siya makapaniwala. Napahawak si mommy sa dibdib niya at naluluha na siya.

"Buntis po ako." At hindi ko rin napigilan umiyak.

Giving My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now