Chapter 1

28K 322 11
                                    

Chapter One

"Akala ko nasa akin ang lahat. Honor student, mababait na magulang, trustworthy friends, at higit sa lahat, ang lalaki nagmamahal sa'kin ng tunay. Kala ko forever na siya. Yun pala manloloko. Kung iiwanan lang niya ako dapat 'di niya ko pinaasa. Kung iiwanan lang niya ako dapat hindi siya nagbigay kung hindi niya papanagutan. Masakit pala. Sobrang sakit pala.."

"Bakit ginawa mo ito sa amin? May mali ba pagpalaki sayo?!" sigaw ni Daddy sa akin habang umiiyak si mommy.

"Sorry po. 'Di ko po sinasadya. Hindi ko alam bakit ko to nagawa." At napaiyak na rin ako.

What love does to you. Be sure kilala mo ng husto ang taong binigay mo ang lahat. Pinagaksayan ng panahon, yung binigay mo lahat ng tiwala mo. At higit sa lahat ang pamamahal mo.

(One year ago)

It was a typical morning dito sa bahay namin. Pumasok na si daddy sa trabaho habang kumakain kami ni mommy ng amusal. Maya't maya narinig ko ang akin mga kaibigan sa labas ng bahay namin.

"Allison Reyes! Bilis! Malelate tayo no!" sigaw ni Inggo. "Oo, wait lang! Mommy, alis na ko ha?" paalam ko kay mommy.

"Sige, ingat ka. Uwi ka agad! Wag kang maglalaboy!" sabi niya sa akin.

"Opo ma'am!" sagot ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na ako sa kanya.

Nalalakad lang kami ni Dianne at Inggo papasok sa school at pinagusapan na namin ang nalalapit na graduation. "Kaloka girl! Dalawang linggo na lang gagraduate na tayo! Parang kailan lang first year pa tayo, walang kamuang-muang sa mundo!" biro ni Inggo.

"Oo nga noh? Hay, excited na nga ako eh. Walang pasok!" sagot naman ni Dianne. At nag-agree ako sa kanila. Dahil napasarap kwentuhan namin, di namin inakala nakarating agad kami sa school. Well, medyo malapit naman school sa bahay namin so keri lang.

Nung dumating kami sa school una kong hinanap si Jeremy. Kaso di ko nakita. "Nakita niyo ba si Jeremy?"

"Hindi pa eh," sabi ni Dianne. Bago pa nakapagsalita eto na si Inggo sumisigaw na dumating na si Jeremy. "Bakla ka talaga!" Bato naman ni Dianne kay Inggo. "Wala masama no!"

Natawa lang ako sa pikunan ng dalawang kaibigan nang dumating na si Jeremy. "Saan ka galing ha? Kanina pa kita hinahanap."

"Wala man lang hi? Good morning?" sagot ni Jeremy. Ningitian lang niya ko at hinawakan kamay ko. "Halika na." Tumungo lang ako at sabay-sabay kami umalis.

Habang naglalakad na kami biglang nagtanong si Jeremy sa akin.

"Alam na ba ng mommy at daddy mo tungkol sa atin?"
"Hindi pa... Hindi nila pwede malaman. magagalit sila. Alam mo naman bawal pa ako magka-boyfriend di ba?"
"Pero six months na tayo ah."
"Bakit? Alam ba ng mama mo? Di ba hindi rin? Kaya bakit pinipressure mo ko na sabihin sa kanila?" mataray kong sinagot. Natawa lang siya sa akin. Para bang joke lang sinasabi ko.

"Ano ka ba? Di kita pinipressure. Para legal na tayo. Kasi matagal din tayo. Eh, plano Ipakilala na kita. Para hindi na nagtatago."

Napaisip ako pero bago ako nagsalita sumingit si Jeremy.

"Sige, wag na lang.." sagot niya.
"Hay naku.. Wag mong sabihin nagtatampo ka na?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman. Naiintindihan ko di talaga pwede. Baka tayo paghiwalayan pa. Pero gusto ko pakilala ka sa mama ko."

Hindi ko alam bakit ako nagulat. Parang biglaan lang. "Huh? Bakit naman?"
"Para makilala nila un pinaka mamahal kong babae sa buhay ko."
"Wow, sweet naman. Binobola mo lang ako eh."
"Hindi ah. Totoo yun," sagot ni Jeremy. Napangiti lang ako.

Giving My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now