Chapter 18

8.2K 138 0
                                    

"Sabi ko nga ba magkakabalikan kayo eh!" tuwang tuwa sinabi sa akin ni Dianne.
"Kita naman sa mga mata niyo ang init ng pag-ibig. Charot," biro ni Inggo.

Hindi ko akalain dadating yung araw magkakabalikan kami. Mula nagkita kami hindi ko akalain na magiging kami ulit. Akala ko, habang buhay galit ko sa kanya. Pero hindi. The past few months he has proved he deserves a second chance. At mabuti din ito para sa anak namin. 


Lumipas na isang buwan at kalahati at maayos naman pagsasama namin. Hindi naman kami literal magkasama sa bahay, nandun pa rin siya sa kwarto inuupahan niya. Wala kami narinig sa nanay niya o kahit kay Chelsea. Naging tahimik na buhay namin, at mabuti nga naging tahimik na.

Medyo naging busy pa rin kami sa trabaho pero nag-set kami ng weekend luluwas kami sa Laguna at mag-su-swimming kaming maganak. Excited na excited si Jenny may maliit na gathering dahil mula batang maliit pa siya, ako at si mommy't daddy lang kasama niya.

"Daddy, bakit di ka sasabay? Sayang ang gas at mag-relax ka naman ng konti. Puro trabaho nasa isip mo," sabi ko kay daddy.
"Allie, ayos lang yun ma-late ako ng konti. Kailangan ko kasi  ayusin itong kotse bago dumating ang customer. Sige na. Okay lang ako dito, promise. Susunod ako." Hinayaan ko na lang siya. Medyo matigas din ulo ni dad. 

Sumakay kami ng kotse at bumiyahe na kami papuntang Laguna.

~

Ilang oras na nakalipas mula sabi ni daddy na on the way na siya pupunta (meaning naghahanda palang siya umalis) pero hindi pa siya dumadating. Medyo kinakabahan ako baka ano na nangyari sa kanya. Hindi pa siya hilig sumagot ng phone pag nasa biyahe dahil 'texting/talking on your cellphone while driving can kill.' Sinabi ni mommy sa akin tumawag ulit ako kay dad para alamin nasaan na siya. Kahit siya, nagaalala na rin. Sana kasi sumama nalang siya eh.

Nakita ko si Jeremy at Jenny nagsasaya sa pool. Tinuturo pa ni Jeremy si Jenny mag-langoy.  Nakakatuwang tingnan.

Tumawag ulit ako kay daddy at sumagot na rin siya sa wakas.

"Dad? Nasan ka na? Ilang oras na nakalipas, di ka dumadating. Nagaalala na kami dito," sabi ko sa kanya.
"Hindi na ako pupunta diyan," he said coldly. Hala, may problema ba?
"Bakit? May problema ba? Bakit di mo man lang kami tinawagan para sabihin di ka na tutuloy? Si mommy nagaalala na."
"May pumunta kasi dito at kinausap ako. Saka na lang natin pagusapan pag uwi niyo dito bukas."
"Ano yun at bukas pa natin paguusapan? Bakit di mo na lang sabihin ngayon?" tanong ko sa kanya. Ngayon napaparanoid ako.
"Sige na Allie, enjoy mo na lang ngayon itong araw na ito." Binaba na niya telepono.

Lumapit ako kay mommy at sinabi ko yung sinabi ni daddy sa akin.

"Kahit kailan yang daddy mo KJ. Sino naman pupunta at kakausapin siya? Customer ba?" tanong niya sa akin.
"Di niya sinabi sa akin eh. Sabi lang niya i-enjoy ko lang araw na ito. Eh paano ako mag-e-enjoy na may iniisip?"

Hinimas ni mommy likod ko, "Wag mo na masyado isipin anak. Sige na. Sundin mo na daddy mo at samahan mo na mag-ama mo." Ngiti niya sa akin. At ginawa ko nga yun.

At least it will keep my mind off whatever dad has to say to me for the next 24hrs.

Giving My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now