Chapter 5

12.4K 208 2
                                    

Lahat kami umiiyak dito. Napailing ng paulit-ulit si daddy at muntik na mahimatay si mommy sa sobrang sakit dinulot ko sa kanila. Pero sinong magulang matutuwa na ang anak nila maaga nabuntis?

"Alam ba niya?" tinanong ni daddy sa akin. Alam ko si Jeremy tinutukoy niya. "Opo, kaya po nagkita kami."
"Gaano katagal alam mo na buntis ka?"
"Ngayon lang po. Ngayon ko nahalata mga sinyales."

Umiyak ulit si mommy. "Allie, bakit ginawa mo ito sa amin? May mali ba kami? Hindi ka ba namin minahal ng husto? Masyado ba ako mahigpit sayo? Bakit?"

"Hindi po. Wala kayong kasalanan. Kasalanan namin ito ni Jeremy. I'm sorry."
"Sorry won't do anything Allie. Nandyan na. May dinadala ka nang bata. We had plans for you pero sinira niyo," sigaw ni daddy.

"Alam ko po."

"Ano na plano? Nagusap kayo di ba? Paninindigan ka ba?" Umoo ako. "Sabi po ni Jeremy magtatrabaho siya tapos pag nakaipon na siya papaksalan niya ako."

"Eh anong trabaho makukuha niya? Eh 16 lang siya! dapat yun ang naisip niya bago ka niya binuntis!" sigaw ulit ni Daddy.
"Albert! Huminahon ka! Walang mararating kung uunahin mo init ng ulo mo!" sagot ni mommy.

Naiintindihan ko ang frustration ni daddy at di ko siya masisisi.

"Umakyat ka na sa kwarto mo, Allie. Maguusap muna kami ng daddy mo."

Umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi ko alam paano ko to nagawa sa mga magulang ko. Yung dalawang tao tunay nagmahal at nag alaga sa akin. I was selfish. I am selfish.

Mga 20 minutes na nakalipas kumatok si mommy sa pinto ko.

"Pasok po."

Pumasok si mommy sa kwarto at umupo sa tabi ko.

"Allie, we are so disappointed in you. We had plans, dreams para sa ikabubuti mo. Pero sinira niyo lahat yan. Hindi ka lang nagsinugaling na boyfriend mo pa rin si Jeremy. Buntis ka pa. Bakit? Ano ba mali sa pagpapalaki namin sayo?" At umiyak siya.

"Mommy, I'm sorry. Hindi ako nagiisip. Isang beses lang may nangyari  at hindi namin naisip na mabubuntis ako."

"Yun nga, hindi kayo nagiisip! 16 lang kayo Allie! Napakabata niyo pa magkaroon ng anak!" She shook her head in disbelief. "Pinagusapan namin ng daddy mo hindi ka muna magaaral ngayong taon. Oo, nasa early stage ka pa lang pero mas mabuti itugon mo na pagbubuntis mo. Intindihan mo ba?" Umoo ako.

"At napagisip din namin hindi ka na namin ipaghihiwalay kay Jeremy, dahil may pananagutan din siya sa nangyari sayo at ama siya sa magiging anak niyo. Pero hindi kayo magsasama. Pag nanganak ka isang sem ka lang magpapahinga at magaaral ka na. Pag nasa tamang edad na kayo at settled na pwede niyo na ituloy kung ano gusto niyo. Pero sa ngayon hindi kayo pwede magsama sa isang bahay. Dalaw lang pwede. Paguusapan natin yan bukas kasama magulang ni Jeremy."

Hindi na ako sumagot. "Oh tulog ka na. Maaga tayo bukas at bawal ka magpuyat. Night." At umalis na si mommy sa kwarto ko.


The next day umalis na kami para pumunta na kami sa bahay ni Jeremy. Hindi ko siya na-contact pero tinawagan na ni daddy kagabi pa na pupunta kami. Speaking of daddy, hindi pa rin niya ako kinakausap. Pero hindi ko siya masisisi.

"Eto na, baba na tayo," sabi ni daddy.

Bumaba kami sa kotse ka naglakad kami sa front gate ng bahay ni Jeremy. Nag-doorbell kami at sumalubong sa amin yung kasambahay nila.

"Sige po, tawagin ko muna si madam," sabi niya. Pero hindi man lang kami pinapasok sa loob. Mukhang galit parin sa akin si Eula. Hay naku. Dapat isantabi na ang galit at magkakaapo na rin siya.

Giving My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now