Chapter 14

9K 186 8
                                    

Lumipas ang isang araw mula nagkaharapan kami ni Eula at babae ni Jeremy. Hanggang ngayon nangigil ako sa dalawang yan. 

Tinanong ako ni daddy kung ano dapat gawin. Magsasampa ba ako ng kaso? Gusto ko, para maparusahan sila sa pananakit nila kay Jenny. Pero naalala ko wala kaming financial capability para dun.

I rubbed my forehead. So much stress has happened ever since Jeremy came back in our lives. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Kaya naisip ko wag muna sila magkita ni Jenny. Sabi ko nga ba mali ito eh.

Pumasok ako sa kwarto ni Jenny at tiningnan ko mga binili ni Jeremy para sa kanya. May isa kumuha ng atensyon ko. Yung teddy bear.

Biglang bumalik lahat ng alaala ko nung mga panahon kami pa ni Jeremy.


"Babe! Wait lang!" Inikot niya ako. "Ano ba nangyari babe? Sinaktan ka ba ng mommy ko? Sabihin mo na totoo."

"Jeremy, mommy mo yun. Intindi ko naman kung siya kakampihan mo. Pinaglaban ko lang sarili ko sa kanya. Sobra na kasi siya eh. I'm sorry."

Niyakap ako ni Jeremy. "I understand baby. I understand." Tumingin siya sa akin. "I'm sorry pinilit kita ma-meet mo siya ngayon. Siguro hindi pa niya tanggap na may girlfriend na ako. Na hindi lang siya mahal ko. Pero gusto ko lang malaman mo na kaya kitang ipaglaban. Hanggang sa huli."

"Pero Jeremy, sabi niya hindi niya ako tanggap na maging girlfriend mo. Hindi ako kasing yaman niyo-"
"Wala akong pakielam kung hindi kayo mayaman. I love you for you. Wala yang yaman na yan sa akin."

Tinitigan ko siya at niyakap ko siya ng mahigpit. Mahal ko si Jeremy talaga. At hindi ko kaya i-let go siya.

"Promise me, ipaglalaban natin pagmamahalan natin?"
"Pangako ko yan sayo. I love you."
"I love you too.."

Madali lang sabihin mga pangako hindi naman kaya tuparin. Madali lang din mahulog sa mga sugar-coated words. Dati pa, hindi niya kaya ipaglaban ako sa nanay niya. Kaya bakit ko inexpect gagawin yun sa anak namin?

Naputol lahat na may kumatok sa pintuhan. Lumabas ako sa kwarto ni Jenny at tumingin ako sa bintana para makita sino nasa labas.

Si Jeremy.

Hindi talaga ito titigil. Pinagbuksan ko na siya. "Ano sadya mo dito? Di ba kagabi na huling pagkikita niyo ng anak ko?" sabi ko sa kanya. Halata sa mukha niya na may hangover siya. Mukhang nakainom siya kagabi.

"Please, Allie. Hayaan muna ako magpaliwanag--" 
"Paliwanag? Sawa na ako sa mga paliwanag mo Jeremy! Di bale kung ako ang sinaktan eh! Pero anak ko ang na perwisyo! Siya yung nasaktan sa nanay mo at jowa mo! At hindi mo man lang napigilan? So ano iniexpect mo? Mapapatawad lang ako ng basta-basta? Hindi ako tanga," sabi ko sa kanya. Nagpunas siya ng luha at tumingin siya sa akin.

"Gago ako! Alam ko! I messed up this time! Pero maniwala ka sa akin! Hindi ko alam gagawin nila yun kay Jenny! Wag mong isipin ginusto ko yung nangyari kasi hindi! Ngayon ko lang nakilala ang anak ko at gusto ko bumawi sa kanya. Kahit kailan ayoko siyang masaktan! Kagabi lang ako umalis at sabi ni mama iwanan ko muna si Jenny sa kanila para makilala pa siya. Hindi ko namalayan sinet up lang ako para gawin yun sa kanya. Kung alam ko hindi ko iiwan sa kanila ang anak natin. Last week maganda pinakita nila sa kanya. Please believe me when I say this. Mahal ko si Jenny, Allie. Gagawin ko lahat para sa kanya. Please, wag mo na siya ilayo sa akin. Nagmamakaawa na ako sayo bigyan mo ko ng isa pang pagkakataon para maging ama sa kanya. Please.." Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan niya kamay ko.

As much as I want to believe him, it still hurts. I cannot allow this to happen to her again.

Nakita ko dumating na si mommy at Jenny galing sa palengke. Nakita ni Jenny si Jeremy at tumakbo sa kanya ito.

"Papa!" sigaw niya at niyakap niya si Jeremy.
"I'm so sorry, anak. Hindi ko dapat iniwan ka sa lola mo." Tumingin si Jenny sa kanya at hinwakan niya mukha ni Jeremy,. Ganyan din ginagawa niya sa akin pag malungkot ako. "Okay lang yun, papa. Hindi mo naman kasalanan eh. Siguro nakulitan lang sila sa akin. Kaya nagalit."

Even when it wasn't Jenny's fault, she still takes the blame.

"Jenny, pasok ka muna. Maguusap muna kami ng papa mo." Binuhat ni mommy si Jenny at pumasok sila sa bahay.

Tumingin ulit ako sa Jeremy na nakatingin parin kay Jenny.

"Mahal ka din ni Jenny. Pero Jeremy, intindihan mo ko bakit ako nagagalit. Sarili niyang lola, kaya gawin sa apo niya yun? Kung may galit siya sa akin, fine! Pero hindi niya dapat dinadamay ang bata. Anong klaseng tao siya?"

"Masama. Alam ko. Mula tayo pa noon hanggang ngayon. Kaya umalis na ako sa bahay na yan." Nagulat ako sa sinabi ni Jeremy. Iniwan niya nanay niya?

"Oo, umalis na ako sa bahay niya. Mas mahalaga relasyon ko sa anak ko kesa sa nanay ko walang ginawa kundi diktahan bawat kilos ko."

Nakita ko sincerity sa mata ni Jeremy na gusto niya maayos lahat. "Sige, pwede mo ulit mahiram si Jenny. Pero uuwi siya dito pagkatapos. At hindi na pwede kasama yung girlfriend mo," sabi ko sa kanya.

"Sabi ko sayo, hindi ko girlfriend si Chelsea. Kahit kaibigan hindi rin," sagot niya sa akin. "Oh eh di hindi. Hindi mo girlfriend. Pero wag na wag siyang lalapit kay Jenny kung ayaw niya makalbo."

"Promise. Huling beses na namin magkikita nun. Allie, salamat binigyan mo ko isang pang pagkakataon." Tumango ako.

"Sana tayo din. May chance pa," sabi ni Jeremy sa akin. Nanlaki mata ko. "Ano ibig mong sabihin?"

"Wala. Basta yun na yun. Daan ako dito bukas. Pasyal tayo. Kasama ka. Para sumaya si Jenny. Okay ba?" Umoo lang ako. 

Giving My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon