Chapter 17

9.1K 154 1
                                    

Lumipas na ang araw wala na ako narinig pa kay Jeremy. Gusto ko nga sana maayos yung relasyon namin pero mukhang malabo mangyayari yung habang nandiyan parin si Chelsea na sobrang baliw sa kanya at syempre, ang mama niya.

Nag-ring ang phone ko at pagtingin ko si Jeremy na tumatawag. Hindi ko sana sasagutin pero naalala ko nakainom pala siya kagabi baka may nangyari sa kanya. So sinagot ko.

"Hello? Bakit Jeremy?"
"Pwede ba ako pumunta diyan? Gusto ko mag usap tayo. Yung harapan. Please," sabi niya sa akin.

Sinabi ko sa kanya na okay na mag usap kami.

Ilang minuto lang dumating na agad siya sa amin at lumabas ako ng bahay para mag usap kami.

"Nakainom ka pala kagabi. Tumawag yung kaibigan mo sa akin." Yun ang una kong sinabi sa kanya.
"Pasensya ka na kung nagiging pala-inom ako pag may problema. Sinusubukan ko na tigilan," sagot niya sa akin.
"Saan ka pala natulog kagabi?" tanong ko kasi hindi rin siya tumigil sa kwarto niya dito.
"Dinala ako ni Lucas sa bahay ni mama." 

Tumingin ako sa kanya at nakita ko medyo maputla mukha niya. Halata nakainom nga. Tinitigan ko parin siya at nakita ko gusto niya talaga makipagayos. Naalala yung nangyari kahapon. Tinulak niya palayo si Chelsea at sinagot-sagot pa niya ang mama niya. I can see the sincerity in his face. 

"I really want to fix 'us'. I really mean what I said yesterday that I still love you and I never stopped loving you. Mahal kita, Allie. Oo, nandiyan yung mga hahadlang sa relasyon natin pero hindi ako ba-back out. Ipaglalaban parin kita hanggang sa huli." He looked in my eyes at nilapit niya mukha niya sa akin.

"It's always been you, Allie Reyes. Wala nang iba." Hinawakan niya kamay ko at hindi ko namalayan hinawakan ko din kamay niya. Nagsalita na ako.

"Dahil sa nakita ko tungkol sa nanay mo, alam ko hindi mo ko talaga iniwan. Pinilit ka niya. Pero habang nandiyan siya parang pipigilan na pipigilan pa rin tayo magkatuluyan. Deep in my heart I do want you back in my life. I do. Pero--" Hinawakan niya mukha ko.

"Please Allie. Hindi ko hahayaan sirain pa tayo. Kahit gamitin pa niya si Chelsea wala pa rin mangyayari. Hindi ko hahayaan matuloy kung ano gusto niya." I closed my eyes.
"She's still your mother. She won't leave your life kahit ano pang gawin mo."

Nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan ang noo ko.
"Let's just take this slow, Jeremy." 

Umoo siya at niyakap niya ako. Lumabas si Jenny at hinahanap ako.

"Mama? Bakit nasa labas ka?" Napatingin siya at nakita niya si Jeremy. Hindi sila nakapagusap pa kahapon kaya tuwang tuwa si Jenny na makita niya papa niya.

"Papa!" takbo siya kay Jeremy at niyakap niya, "Hindi ka umuwi kahapon!"
"Pasensya ka na anak. May ginawa kasi ako kahapon. Pero hindi na ako aalis pa." Ngumiti si Jen Jen sa kanya, "dito ka na ulit?!" tanong niya.

Umoo si Jeremy at nag yehey si Jenny. "Nakita ko magkayakap kayo ni mama. Partners na ulit kayo?" tuwang tuwa niya tinanong sa amin. Natawa lang ako sa tanong niya.

"Hay naku, ang anak ko talaga. Halika na. Bago ka magtanong pa, maghilamos ka muna." Pumasok na kami sa bahay.



Nakapasok na sa school si Jenny at paguwi ko nasa kusina si mommy, daddy, pati si Jeremy.

"Nagkabalikan na kayo?" bungad agad sa akin ni mommy.
"Mommy, we're taking it slow." Ngumiti lang siya. "Sige. Buti inaayos niyo na relasyon niyo. Para din kay Jenny. Kitang kita ang saya ng bata pag magkasama kayo."

"Pero Jeremy, hindi parin nakakaligtas yung nanay mo at ang babaeng yun sa ginawa sa apo ko. Sana hindi na sila makalapit pa sa amin," sabi naman ni daddy kay Jeremy.
"Wag po kayo magalala. Hindi na siguro lalapit pa. Hindi ko na hahayaan gawin yun ulit kay Jenny. Kahit kay Allie pa. Ako na makakalaban nila."
"Talaga ha? Off the hook nung una pero hindi lang ikaw makakalaban nila kundi ako din." 

"Daddy talaga. Hindi ako magpapaapi. Promise." Niyakap ko siya.
"Sige anak. Diyan muna kayo. Didilig ko lang mga halaman. Halika na Albert." Hila-hila ni mommy si daddy palabas para kaming dalawa nalang naiwan sa kusina.

Nagkatinginan lang kami ni Jeremy. Medyo awkward kasi di ko alam ano sasabihin ko sa kanya.

"Labas tayo isang gabi?" biglang tinanong ni Jeremy sa akin. "Ha?" napasagot ko. Nagulat lang kasi ako.
"Para magkausap tayo ng matagal. Yung tayong dalawa lang. Pwede ka?"
"Uh, di kasi pwede ngayon gabi. May project kasi si Jenny na due bukas. Tutulungan ko siya. Pwede bukas nalang? Friday. Wala akong trabaho."
"Sige!" ngiti niya. "Bukas ng gabi." Tumakbo siya sa kwarto niya. Ano binabalak nito?

---

Friday ng gabi na. Nakaayos na susuotin ko. Simple lang naman hindi ko naman inall out ang suot baka isipin date night ito. Which is not. Lumabas ako ng kwarto at nakaabang na si Jeremy sa akin.

"Magiingat kayo ha? Kami na bahala kay Jenny," sabi ni mommy sa akin. Hinalikan ko si Jenny sa pisngi. Pati si Jeremy at lumabas na kami sa bahay.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nasa loob kami ng kotse.
"Secret," sabi niya sa akin habang naka-ngiti.

Dumating na kami sa lugar. Biglang naalala ko ito. Dito niya ako una dinala nung bago palang kami. Hirap na hirap siya maka-kuha ng reservation dahil hindi niya alam paano niya gagawin dahil 16 palang kami noon. Nag-ipon pa siya ng baon para kumain kami dito.

"Dito mo pala ako daldalhin," sabi ko kay Jeremy.
"At least di na ako mahihirapan kumuha ng reservation at di ko na kailangan mag-ipon at di kumain ng ilang linggo para makakain dito." 

Natawa lang ako sa sinabi ni Jeremy at dinala na kami ng waitress sa table namin. Nakakain na kami at medyo nag-usap. Tungkol lang kay Jenny at yung na-miss niya anim na taon.

Sinabi ko yung unang words niya, kailan siya una gumapang, lumakad, na-potty train, etc. Biglang nalungkot mukha ni Jeremy.

"I missed a lot of milestones," sabi niya sa akin. Hinawakan ko kamay niya, "Pero bata pa siya. Madami ka pa makikita habang lumalaki siya." Ngumiti siya sa akin, "Sana di na lang ako nadala sa mama ko. Eh di dapat kasama kita mula umpisa."

Nagbuntong hininga ako. Kahit ako nahihinayang din ako sa mga panahon hindi siya kasama. Ilang linggo ko na nakasama si Jeremy naalala ko kung bakit ako nainlove sa kanya. Ngayon lang nag-sink in mama niya sumira lahat sa amin.

Pero yung nakaraan na yun. Tapos na at hindi na pwede balikan. Mas halaga ngayon.

"Halika, labas tayo," tumayo siya at hinawakan kamay ko at lumabas na kami ng resto.

"Salamat sa isa pang pagkakataon makabawi sa inyo. Sayo," sabi niya sa akin.
"Syempre. Ikaw lang naman lalaki minahal ko. Kahit baliktaran natin ang mundo, ikaw parin." Hinawakan niya pisngi ko.

"Promise ko sayo, hindi na kita iiwan pa."
"Tama na pangako. Baka hindi mo matupad," sabi ko lang sa kanya. Okay kami, pero hindi natin alam ano mangyayari sa susunod.
"Totoo na ito. Gagawin ko lahat, para hindi ka masaktan. Lalo kay mama at Chelsea. Mahal kita, Allie." Lumapit mukha niya sa akin pinikit niya mga mata niya at hinalikan ako.

Pagkahiwalay namin sinabi ko din yung nararamdaman ko.

"Mahal din kita, Jeremy."

Giving My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now