Chapter 10

11.4K 190 0
                                    

Hindi ako masyado nakatulog kagabi. Naalala ko yung pagkikita namin ni Jeremy kahapon at mula nun hindi ako makaisip ng tama. Sabi ni mommy na dapat kong sabihin kay Jenny ang totoo tungkol sa ama niya. Anim na taon na nakalipas eh. Pero hindi ko alam kung matatanggap niya.

May kumatok sa pinto namin. Maaga palang. Lumapit ako at tinanong ko kung sino.

"Allie si Jeremy ito." Alam parin niya dito parin kami nakatira. Lumapit si mommy sa akin. "Sino daw yun?" tanong niya. Sinabi ko si Jeremy. Turo niya ipagbuksan na siya ng pinto. Gusto niya siguro malaman bakit ngayon lang siya dumating. Sinunod ko. 

When I opened the door a rush of emotions hit me. Of course he looks older. But he was still handsome. Although I can't feel any other emotion except anger. But I kept my cool. Baka gumising si Jenny.

"Ano ginagawa mo dito? At naalala mo pa rin pala saan kami nakatira," sabi ko sa kanya. Hindi ko siya kayang tingnan. Pero nagsalita parin ako, "Di ba sabi ko tapos na usapan?"
"Alam ko Allie pero hindi ako mapakali. Kagabi pa ako pupunta pero hinayaan ko muna lumamig ulo mo sa akin. Gusto ko lang kita makausap. Makita ang anak ko," sagot niya.

Napailing ako. "Anak NATIN. Kahit kailan hindi lalamig ulo ko sayo dahil galit pa rin ako sa ginawa mo! Ano? Basta ganun-ganun lang kita hahayaan pumasok sa buhay ng anak ko? Kung nagkapalit tayo? Ikaw babae at ako lalaki nangiwan. Matutuwa ka ba? Papatawarin mo ba ako ng basta-basta? Di ba hindi? Kaya wag kang umasta na wala kang kasalanan!" Hinawakan ako ni mommy. "Anak kumalma ka lang. Baka magising si Jenny."

Napapikit si Jeremy tapos tumingin siya sa akin, "Alam ko masama ako. Alam ko yung ginawa ko walang kapatawaran. Alam ko matagal ang anim na taon. Pero ito lang hinihiling ko sa ngayon. Hayaan mo ko mag-explain ano nangyari sa akin at bakit ako nawala."

Lumabas si daddy at nakita niya si Jeremy. Kitang kita sa mukha niya ang galit. Pero alam niya wala mararating kung uunahin ang galit. Hindi na siya nagsalita at pumunta siya sa living room.

"Halika Jeremy," yaya ni mommy. "Pasok ka."

Nasa living room kami nagkaharap harap na. Ang pasok ni Jenny tanghali. Kaya mamaya-maya gigising na siya.

"Magsalita ka na. Di ba kaya ka pumunta dito? Dahil gusto mo magsalita? Kaya magsalita ka na!" sabi ko kay Jeremy. Napatingin si daddy sa akin at nagsabi, "Allie, tama na. Baka gumising ang bata. Isipin mo siya."

Nagsalita na si Jeremy.

"Ganito po nangyari. Bago sinabi ni Allie buntis siya magkausap kami sa phone. Nakikining pala si mama sa kabilang linya. Paguwi ko inalam kung saan ako talaga pumunta. Nung una ayoko sabihin tapos nag-threat siya. Ang sabi niya alam ko daw ano kaya niya gawin kay Allie kaya sinabi ko buntis siya at ako ang ama. Ayaw niya maniwala at gusto niya ilayo ako kay Allie. Pero kung ako nasunod nandun ako para kay Allie. Pinilit niya ako. Hindi ako nakatakas sa kanya. Lalo nung nasa Hong Kong na ako. Nakakulong ako sa bahay ng mga kapatid niya kasi yun ang utos niya. Maniwala ka. Sinubukan kong kontakin si Allie isang beses pero sinaktan ako. Mula noon natakot ako. Pero gusto ko talaga puntahan si Allie. Gusto ko makita siya at anak namin. Kaya tinapos ko pagaaral ko para makalaya ako sa nanay ko. Kaya ngayon, kaya ko na ipaglaban mag-ina ko."

"Alam mo, gusto namin maniwala kasi bata pa kayo noon. Madali lang magpaliwanag, pero hindi lang ito basta-basta. Sinaktan mo anak ko. Mabuti na lang hindi ikaw ang sinaktan ko," sabi ni daddy sa kanya.

Napatungo lang si Jeremy. "Alam ko mahirap patawarin ako. Pero papatunayin ko totoo gusto ko maging parte ng buhay ni Jenny. Wala isang araw hindi ko sila naisip."

Napaiyak ako. Syempre gusto ko isang buong pamilya. Pero sa ngayon di ko pa rin kaya tanggapin ulit si Jeremy.

"Nung isang araw tinatanong ni Jenny sino papa niya. Binully siya sa school dahil isa akong single mother. Pero sinubukan ko maging matatag para sa kanya. Kahit ang hirap-hirap. Kinaya ko pa rin. Gusto mo makilala kang ama ni Jenny. Pero isipin mo muna siya. Paano niya tatanggapin agad? Mabibibigla siya."

"I understand. Kaya ko maghintay. Pero pwede ko ba siya makasama? O mayakap man lang? Kahit isang beses," sabi ni Jeremy.

Aware ako terror nanay niya at posible nga nangyari yung sinabi niya. Hindi naman ako sadista. Ayoko mawalan ng privilege makilala ni Jenny ang tunay niyang ama. Pero ang nanay niya. Takot ako. Hindi lang dahil dun. Pero baka mas piliin niya si Jeremy kesa sa akin.

"Pagusapan muna natin paano natin sasabihin kay Jenny yung totoo. Step-by-step para hindi siya mabigla. Alam ko gusto din niya makilala ang papa niya," sagot ko kay Jeremy. Umoo siya tapos may narinig kaming boses. Si Jenny.

"Ano yun mama? Ano po tungkol sa papa ko?" tanong niya. Lahat kami nabigla. Nandyan lang si Jenny buong paguusap namin.

Giving My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now