Chapter 15

9.8K 168 0
                                    

Namasyal kaming tatlo sa mall. Nakakapanibago kasama ko ulit si Jeremy, pero masaya si Jenny na kasama ang mga magulang niya. Mas mahalaga ang nararamdaman niya kesa sa mga issues ko sa ama niya. Pag naging nanay ka na, mas inuuna mo yung pangangailangan ng anak mo.

Kumain kami sa isang fast food chain at naglaro si Jenny sa play area. Naiwan kami ni Jeremy sa table.

"Nakakatuwa  si Jenny. Sobrang saya ngayon. Mabuti hindi nakaapekto yung nangyari sa kanya nung isang gabi," sabi ko kay Jeremy. Ayoko naman i-bring up ulit pero hindi naman maiiwasan pagusapan yun.

"Oo nga. Kaya naiintindihan ko kung gusto mo sumampa ka ng kaso sa nanay ko at kay Chelsea," sagot naman ni Jeremy. Napatingin lang ako sa kanya at sabi ko, "Baka ma-trauma lang si Jenny kung gagawin ko yun. Oo, galit pa rin ako pero mas mabuti wag nalang sila magkita ulit. Mas okay ito." I will never forget that moment they hurt my daughter.

"So musta na tayo?" Napatingin ako bigla kay Jeremy. "Anong musta na tayo?" Yun lang kaya kong tanungin.
"Okay ba tayo? Hindi ka na galit sa akin?" he asked a question to my question. Great.

"Sa tingin mo kung hindi tayo okay, sasama ako sa inyo ni Jenny ngayon?" tanong ko nanaman.
"May point ka." Napatawa lang siya. Pinagmamasdan niya ako. Sa totoo lang nakakailang ginagawa niya. "Anong tinitingnan mo?" 

Ngumiti siya sa akin, "wala naman. Hindi ka parin nagbago. Maganda ka pa rin." 

Naramdaman ko uminit mga pisngi ko. Bakit ba kasi kailangan magsalita ng ganyan? "Alam mo Jeremy. Wag mo na akong idaan sa ganyan na salita. Immune na ako. Kaya tigilan mo ko." Tumingin na lang ako kay Jenny na naglalaro parin sa play area.

"Hindi ka ba nag-boyfriend pagkatapos ng-- alam mo na," sabi niya sa akin. Di parin ako tumitingin sa kanya.

"Hindi. Wala akong panahon para diyan. Nag-aral lang ako ng dalawang taon para makakuha ng degree. Nagtrabaho na ako, para buhayin si Jenny. Sa tingin mo may panahon pa ako sa love life na yan?" Nakita ko tumingin sa baba si Jeremy. Guilty siguro.

"Sana maayos pa rin yung tayo no?" 

Did he just go there? 'Sana maayos parin tayo?' Oo, maayos kami. Para sa anak namin. Pero yung magkakabalikan? Hindi pa ako handa sa ganyan. Syempre. Gusto ko mabuo pamilya namin pero masyado mainit ang mga pangyayari. Mga issues kailangan ayusin.

"Jeremy--" Bago pa ako nagsalita pa bumalik si Jenny sa table at nagsabi gutom na siya. Hindi na kami nagsalita tungkol sa pagaayos namin.

~

Hinatid na kami sa bahay pagkatapos namin namasyal. Hindi na niya binanggit pa yun sinabi niya kanina.

"See you next week ulit," sabi ni Jeremy sa akin. Umoo ako.
"Saan ka ba tumutuloy ngayon? Since, umalis ka na sa bahay ng mama mo?" tanong ko sa kanya.
"Sa kaibigan ko. Naghahanap ako pwede ako umupa muna pansamantala."

Hindi ko alam bakit ko ito sinugest pa sa kanya. "May bakante kaming pinto. Wala pa umuupa. Kung gusto mo dun ka muna. Para din malapit ka kay Jenny," sabi ko sa kanya.

Natuwa siya sa sinabi ko, "talaga? Pwede ba ako dun? Hindi ba galit mommy at daddy mo?"
"Hindi na. Wag ka na maginarte. Kunin mo na." Pilit ko sa kanya. Napangiti kaming dalawa sa isa't isa.



"Jeremy, pasensya ka na ha? Maliit lang ito. Studio type lang kasi. Pero malapit lang mga tindahan kung nagugutom ka," sabi ni mommy kay Jeremy.
"Opo, salamat po pinayagan niyo ko umupa dito," sagot naman niya.
"Syempre. Ama ka sa apo namin. Sige. Pasok na ako," at pumasok na si mommy sa bahay.

"Malapit na ako kay Jenny," sabi ni Jeremy sa akin. Ngumiti lang ako. "Allie? Yun pala sinabi ko sayo kanina. Na sana maayos ulit tayo." 

Umaasa ako na nakalimutan na niya yun. "Bakit? Ano ba ibig sabihin yun?" tanong ko naman.
"Alam ko hindi basta-basta babalik yung 'tayo' noon. Pero ikaw pa rin Allie. Mula teenagers pa tayo ikaw pa rin nasa isip ko. Alam ko kahit maayos tayo ngayon, gusto ko tayo sa huli."

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. 

"Right now you might not want me but I will fight for you now. I was young, I couldn't stand up for myself but now that I'm older, I will do everything for us to be together again. Even if it will take forever." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Jeremy--"
"Hayaan mo ko, Allie. Alam ko sinira ko promise ko sayo noon pero ngayon ipaglalaban kita. Wala akong naging girlfriend dahil ikaw pa rin nasa puso ko."

"Sige, Jeremy. Gabi na kasi." Yun lang naisagot ko dahil naguguluhan parin ako sa nangyayari. "Good night," at iniwan ko siya sa kwarto niya.


Pumasok ako sa kwarto at napaisip ako sa sinabi ni Jeremy. May naramdaman ako sa dibdib. Tulad yung nararamdaman mo pag kinikilig ka. Sinabi ko wala akong feelings para kay Jeremy pero pag tinitingnan ko siya, iba. Ngayon sa sarili ako naguguluhan.

Oo, gusto kong maniwala. May part na gusto ko ipaglaban niya ako. Kami magkatuluyan. Pero natatakot ako masaktan ulit. 

Bahala na ano man mangyari.

Giving My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon