Chapter 19

8.5K 145 0
                                    

Pauwi kami ngayon. Pero di ko mapigilan kabahin sa sasabihin ni daddy. Kailangan pa harapan bago niyang sabihin. Napansin ni ako ni Jeremy.

"May problema ba, Allie?" tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya.
"Si daddy kasi. Ayaw pa niyang sabihin kung ano problema. Nagiisip tuloy ako." Hinawakan kamay ko.

"Wag ka na kakabahin. Baka hindi naman ganun ka-seryoso. Kaya hinintay nalang pag-uwi natin. Malay mo, good news ito."
"Gusto ko sana isipin pero bakit ang cold-cold niya?" Pinatong ulo ko sa shoulder niya. "Don't worry about it."



Mamaya nakarating na kami sa bahay. Doon nakita namin nakaabang na si daddy. Nakasimangot siya. 

"Albert, hay naku. Di ka tumuloy. Nagalala pa kami sayo. Baka ano nangyari." Hinalikan niya si daddy sa pisngi. Pagtapos tumakbo si Jenny sa kanya at niyakap. Pero binaba niya agad si Jenny at pinapasok niya ito sa bahay.

Lumapit kami ni Jeremy sa kanya at biglang sinuntok ni daddy si Jeremy. Lahat kami nagulat at napasigaw. Inawat ni mommy si daddy at lumuhod ako kay Jeremy. Tiningnan ko mukha kung may galos at napasigaw ako kay daddy.

"Daddy! Ano ba?! Ano problema mo at sinuntok mo si Jeremy?!"

Galit nakatingin si daddy at sa akin naman humarap, "Hanggang ngayon! Hindi pa nagbabago ang hayop na yan!" habang naka-duro siya kay Jeremy. Naguluhan ako sa sinabi niya.

"Ano? Ano ba sinasabi mo?! Kailangan ba daddy umabot sa suntukan?!" tanong ko sa kanya.
"Wag kang magmamaang-maangan pa, Jeremy! Matagal mo kaming niloloko! Matagal mo niloloko ang anak ko!" Napatingin ako kay Jeremy na kita din sa mukha niya naguguluhan siya sa sinasabi ni daddy.

"Hindi ko po alam ano sinasabi niyo," sabi ni Jeremy.
"Wag mong sabihin di mo alam!" sigaw naman ni daddy.
"Hindi ko po talaga alam!"

"Daddy! Ano ba?! Sabihin mo na kasi! Ano ba nangyayari?! Ano ba nangyari nung umalis kami?!" sinigaw ko. Nakikita ko may mga lumalabas na chismosong kapitbahay sa nangyayari sa amin. Pati si Jenny nakatingin sa bintana.

"Itong lalaki ito, binigyan mo pa ng isang pagkakataon pa para pumasok sa buhay niyo ni Jenny. Yun pala, may iba pala siyang pamilya!" sigaw ni daddy. Biglang bumagsak puso ko sa narinig ko. Napatingin ako ulit kay Jeremy. Hindi. Hindi ako naniniwala. Hindi yun gagawin ni Jeremy.

"Ano may iba akong pamilya?" tanong ni Jeremy kay daddy. "Hindi mo ba alam?! May nabuntisan ka! Pumunta dito bago ako umalis at sinabi ang lahat ng nangyari! Wag mong ideny hayop ka!" Susugurin ulit ni daddy pero pinigilan ni mommy.

Hindi ako makahinga. Ayoko maniwala sa sinasabi ni daddy. I trust Jeremy. He wouldn't do something to hurt me this much again.

"Hindi po totoo yun!" sigaw ni Jeremy.
"Chelsea. Yan ang pangalan niya! Kilala mo di ba?!" sabi ni daddy.

Si Chelsea.

"Hindi nga po totoo! Sinisiraan lang ako nun!" Tumingin si Jeremy sa akin. "Please, sabihin mo hindi ka naniniwala sa sinasabi nila." 

Naluluha na ako sa mga nangyayari. Sumasakit dibdib ko. Ayoko ng ganito. Pagod na ako.

"May nangyari ba sa inyo?" tanong ko sa kanya.
"Alam ko hindi kasi lasing ako--" napatayo ako sa sagot niya.

"Ang 'alam' mo?! Yes or no lang naman Jeremy!" sigaw ko. "Paano?! Kailan ito nangyari?!"

Tumayo din siya, "Nung araw iniwan mo ko kasama si Chelsea at si mama sa park. Uminom ako nung gabing yun. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nun. Pero paggising ko naka-hubad ako. Kasama si Chelsea sa kama. Pero alam ko sa sarili ko wala nangyari. Kaya kung buntis man si Chelsea hindi sa akin yun."

Napailing ako. "Ngayon mo lang talaga sinasabi ito sa akin?! Pinaniwala mo sa akin hindi mo ulit ako iiwan, sasaktan. Eh ano ito?! Tama na, Jeremy!" Pumasok ako sa loob ng bahay at di ko na ulit humarap kay Jeremy.

Hindi niya maalala paano siya naka-uwi nung gabing yun. Pero sigurado siya wala nangyari sa kanila ni Chelsea? Anong kalokohan yan? Masakit yung ginawa niya. Mas masakit kesa yung mang-iwan siya. Pero alam ko kakayanin ko ito. Nakaya ko anim na taon. 

~

"Tahan na, Allie." sabi ni mommy sa akin habang umiyak ako. 

"The whole time. Tinago niya sa akin yung nangyari. Kung sure na sure siya wala nangyari dapat sinabi na sa akin nung una pa! Sa tingin ba niya maniniwala ako na hindi siya naka-buntis kay Chelsea?!"
"Buti nalaman mo na agad. Kesa maloko ka ng lalaking yun."

Nagpadesisyon ko na ito. Napaisip ako at sure ako dito.

"Hinding-hindi niya makikita si Jenny. Meron pala siya magiging anak sa ibang babae. Eh di  dun nalang siya. He better leave me and my daughter alone."

~

Nakita ko tumatawag si Jeremy sa phone ko pero di ko sinagot. Nakita ni Jenny.

"Mama si papa yun?" tanong niya sa akin. Umoo ako. "Bakit di mo sagutin tawag ni papa?" "Anak, sinaktan ulit ako ng papa mo. Di ko na kaya bigyan ng isa pang chance. Pagod na ako, nak." Hinaplos-haplos ko buhok ni Jenny.
"Pero mama. Nararamdaman ko walang kasalanan si papa." Napangiti lang ako sa kanya. My innocent daughter. Napaiyak ulit ako. Di ko rin masisisi si Jenny kung hindi niya kaya magalit kay Jeremy. Mahal na mahal niya ito. Napayakap lang ako ng mahigpit sa kanya.

"Ikaw na lang kakampi ko, anak. Wag mo kong iiwan ha? Kahit lumaki ka na at nagkaroon ng sariling pamilya." Naisip ko future ko mag-isa na lang ako.

Pinunas niya luha ko, "Opo mama. Hinding-hindi kita iiwan. Bad pala si papa. Pinaiyak ka. I love you, mama."
"I love you too, baby ko."

 Next day nasa labas kami ni Jenny ng bahay para mamitas ng bulaklak. Ilang beses din tumawag si Jeremy pero di ko pinansin at pinatay ko na rin phone ko.

"Mama! Tingnan mo, oh! Ang dami bagong bunga!" tuwang tuwa sinabi ni Jen Jen sa akin.
"Oo nga, baby. Alam mo ano maganda? Kumuha ka ng paso sa loob at lagyan mo ng tubig. Ilagay natin sa loob yung mga bulaklak." Umoo si Jen Jen at napatakbo siya sa loob ng bahay.

Pagkapasok sa loob ng bahay may dumating na kotse. Kotse ni Jeremy. Di ko alam ano kapal ng mukha meron itong lalaking ito at may gana pa puntahan pa ako dito.

Lumabas siya sa kotse at lumapit siya sa akin.

"Allie, pwede ba tayo mag-usap?" 
"Nagtanong ka pa. Hindi ba malinaw ayoko kitang kausapin? Pwede ba umalis ka na dito. Wag ka na mag-explain pa. Hindi mo ulit ako maloloko," sagot ko sa kanya.

"Allie! Oo, ang hirap maniwala sa sinabi ko sayo na wala nangyari sa amin. Pero sure talaga ako hindi ako ama ng dinadala ni Chelsea," sabi niya sa akin.

"Tumigil ka na! Una, di mo alam paano ka naka-uwi. Tapos sure ka wala nangyari? Paano ka nakakasiguro na wala talaga?! At sa sobrang habol ng babaeng yun sayo, hindi ka papakawalan pa. Jeremy, sign siguro ito na hindi tayo para sa isa't isa. Tama na. Pagod na ako sa paikot-ikot ng pangyayari na ito. Dun ka sa bagong pamilya mo. Kung kinaya ko wala ka sa loob ng anim na taon, kaya ko siguro wala ka sa tabi ko habang buhay."

Malungkot ang tingin niya sa akin, "Gi-give up ka na sa atin? Nangako ako sayo hindi ulit kita sasaktan, Allie. Please maniwala ka sa akin. Aayusin ko ito. Papatunayan ko hindi ako naka-buntis sa kanya. Pinipilit ako pakasalan siya pero hindi ako pumayag."
"Paano Jeremy?! Huh?! Wala na. Ngayon pinipilit ka pakasalan si Chelsea? Bakit siya pwede, ako hindi? Dahil di ako kasing yaman niyo? Hindi ako nakatapos ng pag-aaral? Ano?!"

Sasagot pa sana si Jeremy pero lumabas si Jenny at nakita niya siya. 

"Bakit ka nandito?! Para paiyakin ulit si mama?" galit sinabi ni Jenny sa papa niya.
"Anak hindi.. Gusto ko lang--" pinutol ni Jen Jen, "Bad ka! Pinaiyak mo si mama!"

Lalapitan niya si Jenny pero pinigilan ko siya, "Tigilan na natin ito. Please. Kitang kita naapektuhan ang anak ko sa mga pangyayari. Umalis ka na at wag ka na magpapakita ulit sa amin."

Pumasok kami ni Jenny sa loob ng bahay at sinarado ko ang gate. Hindi na ako tumingin pa sa kanya.

Giving My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now