Chapter 9

10.2K 188 1
                                    

Kinurot ko muna sarili ko. Baka kasi masamang panaginip lang ito. Kaso masakit eh. Hindi ito panaginip.

Hindi ako makapagsalita. Parang nawala akong boses. Hindi ko nga alam ano nararamdaman ko. Kaba, galit, lungkot. Pero ngayon, mas nararamdaman ko yung galit. Yung galit nung iniwan akong buntis. Nung tinakasan niya responsibilidad niya sa sariling dugo at laman. Hindi na alam kung sindya niya itong lahat.

"Allie. Ikaw nga yan. Kaya pala ang gana ng loob ko kay Jenny," sabi sa akin ni Jeremy. Pero hindi ko masyado iniintindi. Nakita ko hawak niya kamay ni Jenny. Ang ANAK KO. Hindi ko siya sinagot at hinila ko si Jenny palayo sa kanya.

"Mama! Bakit?" tanong ni Jenny sa akin. Confused ang bata. Pero wala akong gana mag-explain sa kanya. At paano ko naman ma-e-explain nandito yung tatay niya nangiwan sa amin?
"Basta pumasok ka sa kotse! Wag ka na lalapit sa kanya! Bad guy yan!" Halata di ko iniisip mga sinasabi ko. Pero para sa akin, yan lang tama pwede kong gawin.

Sinarado ko pinto ng kotse at lumakad ako sa side ng driver. Ayoko makita si Jeremy at mas lalo ayokong makausap.

Pinigilan niya ako pumasok sa kotse. "Allie, magusap naman tayo!" Nagmamakaawa sa akin ni Jeremy.

"Pwede ba?! Bitawan mo ko! Wala tayong paguusapan. Tapos na yun SIX YEARS AGO. Masaya kami ng anak ko at hindi ka niya kailangan pa. Kaya iwanan mo na kami!" Hinila ko braso ko sa kanya.

Pinigil niya ulit ako pumasok sa kotse, "Alam ko, nagulat ka. Nagulat din ako pero umuwi ako dito para maayos ang lahat! Nandito ako para i-explain bakit nawala ako bigla."

Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Umuwi siya para maayos ang lahat? Nagpapatawa ba siya? Nung una palang dapat nagawa na niya ito! Bakit naghintay pa ng anim na taon pa? Sino ginagago niya?

"Wala akong panahon para pakinggan ka pa. At akala mo maniniwala ako? Na gusto mo maayos tayo? Hindi ito maayos. Dahil sa pa lang umpisa sinira mo na. Hindi na ako bata para mahulog sa mga salita mo."

"Jenny is my daughter too! She deserves to know who I am! Gets ko galit ka. Pero--"
"Hindi lang galit. Sobrang galit na galit ako sayo, Jeremy. Hindi mo siya anak. Ako lang magulang niya. Kaya wag kang umasta na nawalan ka. Ikaw ang nangiwan! Kaya bitawan mo ko! Tapos na usapan!"

Pumasok ako sa kotse. Pinipigilan parin niya ako pero di ko pinansin at tuloy ako nag drive ng palayo.

~

Umiiyak si Jenny paguwi namin. Alam ko naguguluhan siya pero di ko parin mahanap sa puso ko sabihin sa kanya na si Jeremy papa niya.

Nakita ni daddy umiiyak siya, "Oh bakit umiiyak ang pinakamaganda kong apo?"

Hindi makapagsalita si Jenny at tumingin siya sa akin. Sinabi ko sa kanya pumasok muna siya sa kwarto. Agad siyang sumunod at si daddy na nagtanong sa akin.

"Bakit umiiyak ang bata? Pinagalitan mo nanaman ba?" ganyan si daddy pagdating kay Jenny. Automatically sinisisi niya ako. Kahit wala akong ginagawa. Pumasok na rin si mommy.

"Bakit umiiyak ang apo ko Allie? May nangyari ba? Tungkol ba sa nakaaway niya sa school kanina?" tanong ni mommy. Umiling ako. Mas mabuti sinabi ko na lang sa kanila muna.

"Meron nagpakita sa amin kanina sa park. Si Jeremy."

Nagulat sila sa sinabi ko.

"Ano nangyari?" tanong ni daddy.

"Wala. Hindi ko kayang kausapin eh." Napaiyak na rin ako. "Ni hindi ko nga ini-expect makikita ko siya. Nakilala ni Jenny kahapon. Mabait sa kanya. Nung nalaman ko si Jeremy tinutukoy niya. Bumalik lahat ng sakit binigay niya sa akin. Hindi ko alam paano sasabihin sa anak ko. Baka magalit siya sa akin. Baka mas piliin niya siya kesa sa akin. Baka kunin lang ni Jeremy anak ko!"

Napayakap sa akin si mommy, "Wag ka na umiyak. Malalampasan natin ito."
"Ayoko mawala sa akin ang anak ko."
"Hindi siya mawawala sayo."



Nung gabi kinausap ko si Jenny. Naghingi ako ng tawad sa ginawa ko kanina at tinanggap niya. Nung tinanong kung bakit ako galit kay Jeremy. Sinabi ko sa kanya may sinabi siya sa akin nung bata pa kami na masakit. Kaya galit pa rin ako. Hindi na siya nagtanong pa at niyakap niya ako.

Oo, alam ko isang araw kailangan kong sabihin sa kanya siya ang papa niya. Pero di ko pa kaya ngayon.

Giving My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon