Chapter Forty Eight

39.7K 1K 47
                                    

Chapter Forty Eight

Past

"Nasa zoo kami kanina," kwento ni Apa kay Sean.

"Pake ko? Ba't ka tumawag? Busy ako." Busy naman talaga si Sean dahil alam na niya kung nasaan sila Apple.

"Nakita ko si Lizzie kanina."

"Nakita ko nanay ni Kyrel," sabi ni Marcus. "Bakit ba sabay-sabay silang nagpapakita? Ano 'to, pinagplanuhan?!"

"Tingin mo?"

"Pwede rin. Wait, nagda-drive ako."

"Be ready, Sean." They had planned it. Buti na lang, parehas silang madiskarte at advanced mag-isip. Prepared na sila sa kahit anong mangyayari.

"Make sure Ags and Kyrel are safe."

Before they hang up, Apa thanked Sean for everything. Sean said he wasn't doing it for him. Concerned lang talaga siya kila Ags at sa bata. Pag naayos yung gulo, hindi na talaga siya makikielam.

"Nga pala, Lexter."

"Ano?"

"Alam kong masyado kang mabait, pero utang na loob-"

"Hindi ako mamamatay. Nababakla ka na ba sa'kin?"

"Gago, tangina mo. Sasabihin ko sanang mag-ingat ka dahil deliks ka kila Apple, pero mamatay ka na lang pala." Binabaan na siya ng phone ni Sean.

Natawa lang si Apa. Kinakabahan siya, pero pinaghandaan na niya na lahat. Besides, God wouldn't leave them. He had so much faith in Him. Naniniwala siyang magiging okay rin ang lahat.

"Sister." Tinawagan niya si Doms.

"Oh bakit Lexter? Anong nangyayari?"

"Dadalin ko sa'yo si Kyrel," he said. "Make sure he's safe."

Tinanong ni Doms kung anong nangyayari at kinwento naman ni Apa lahat-lahat. Doms told him not to worry anymore. Hindi niya papabayaan si Kyrel. "Mag-iingat kayo, Lexter. Don't forget to pray, okay?"

"Thanks, sister!" chill niyang sinabi.

Ayaw niyang mag worry si Ags kaya tuwing may kakausapin siya sa phone, magpapaalam siya para mag CR kaso noong pupunta na talaga siya sa CR para umihi, naiwan naman niya phone niya.

Pagbalik niya sa table nila, cold na si Ags. She looked nervous and at the same time, annoyed. He kissed her temple. "Is everything alright?"

"Check your phone."

He did and there he saw the message.

Knowing Ags, she wouldn't let it pass. She was brave as fck. Kahit na takot siya, hindi siya magpapatalo. Hahanapin niya ang may gawa 'nun hanggang siya na ang mapahamak.

Noong nasa sasakyan na sila at pupuntahan na nila si Kyrel, he texted Sean.

Him: Last favor

Sean: Sobra na

Him: Sundan mo si Ags kahitanong mangyari 

Sean: Noted

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon