Chapter Thirty Five

69.3K 2.1K 259
                                    

We lost. Surprisingly, they were not as sad as I expected them to be. Mas malungkot pa nga kami ni Bianca sa kanila. Nagsisigawan sila, nagbubuhatan, nagsasayawan, nagchachant, at nagyayakapan.


After the awarding, hinila ako ni Apa papunta sa gitna ng field. Binuhat pa niya ako at inikot. "Cheer up, Fig!" Hindi ko kinakaya pagiging optimistic nila. Si Tigs, yinakap si Bianca.


Nakakatuwa nga dahil si Tinder girl pa ang nagpunta kay Briones para hindi ma-left out. Siya naman daw ang date ni Bri. Oo, first date nila mamaya, pero hindi naman talaga date kasi kasama kami. Ang bakla naman kasi nitong si Briones! Kaya siya di nagkakagirlfriend dahil ubod sa torpe eh.


"Natalo ba talaga tayo?" Tanong ko kay Bianca. Mas masaya pa nga team namin sa East eh.


Akala ko noong una, nagpapanggap lang sila na masaya, pero masaya pala talaga sila. Yung iba sa kanila, kakagaling lang sa iyak dahil last game na nila, pero masaya pa din. They did their best anyway.


"Confused na din ako, Ags," Bianca replied.


Nag post pa nga si Apa sa instagram ng picture ng buong team kasama kami ni Bianca. Forever epal talaga kami sa soccer team. Ang cute lang dahil sa picture, pawis at namumula sila. Yung iba, nakahubad pa. Lahat kami, may paint na green and blue sa mukha and Apa's arms were wrapped around me.


Caption niya?


yukicone: Couldn't ask for more.


Kaya hindi ako nagpatalo at nagpost din ako ng picture ng buong soccer team kasama ang coaching staff. Syempre, hindi ko na sinama sarili ko dahil hindi naman ako member. Si Apa yung may hawak ng trophy.


Caption:


Kudos to this team who played their hearts out. You the real MVPs!


My whole family also praised Apa and the rest of the team. Nakita nila Mommy and Daddy ginawa ni Marcus dahil katabi lang sila ni Arvin kaya sobrang disappointed nila sa kanya.


"Anak, go with them first. Pupuntahan lang namin si Julius," sabi ni mommy. Ang supportive talaga nila. "Basta umuwi ka agad on or before 10 PM ha." Bukas pa namin kami uuwi dahil may volunteer kami. Last volunteer ko na ngayong December.


"Apa, yung usapan natin ah. Alagaan mo 'tong batang 'to," Sabi ni Daddy sabay gulo ng buhok ko. Grr! "Congrats. You deserve to be the MVP."


"Naman, Dad. Mana sa'yo eh."


Alam niyo na kung bakit gusto siya ng parents ko. Puro pambobola at paninipsip kasi lumalabas sa bibig niya. And yes, mom, dad, and bayaw na ang tawag niya sa pamilya ko. Hindi ko carry!


-


Win or lose, may party na talaga for the soccer players. Sponsored naman kaya wala silang gastos. Habang nagsasayaw sila sa dance floor, nakaupo lang kami ni Bianca kasama sila Dela Paz, Ygona, girlfriend niya, Briones, at Joyce. Nagsasayaw rin girlfriend ni Dela Paz kaya hindi namin kasama.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon