Chapter Seventeen

91.8K 2.6K 441
                                    

Nag sorry ako sa family ni Apa dahil muntik ko ng masira yung party. Akala ko nga, galit sila dahil umiiling iling sila. Buti na lang, nakita ko yung kindat ni Apa sa kanila. Tinawanan lang nila ako at niloko. Lahat talaga sila, makulit.


Kinausap nga rin pala ako ni ate Gillian. Sabi niya sa akin, wag daw akong magalala dahil nakamove on na siya. Kinwento niya sa akin na friends talaga sila Apa at Marcus dati kaya hanggang ngayon, hindi niya alam kung bakit nagawa yun ni Marcus sa kanya at kung bakit galit si Marcus kay Apa. 


Sabi kasi ni Marcus sa kanya, ginamit lang siya nito dahil galit siya kay Apa. Hinding hindi rin siya magugustuhan ni Marcus dahil nga kapatid ni ate Gillian si Apa. Sobrang mean nun. Tinanong ni ate Gillian si Apa kung bakit, pero hindi rin alam ni Apa. 


Apa blamed himself. Simula noon, nagalit na rin si Apa kay Marcus. 


"Ate, is it okay if I ask another question?" Tanong ko.


She smiled, "Oo naman."


"Uhmm kasi... Depressed ba talaga siya dati?" 


She looked surprised, "He told you that? Whoa. He must really like you! Kahit mga friends niya, hindi alam yan eh. Ang alam ko, si Doms lang sinabihan niya niyan. Kaso..." Nag kwento siya about sa love story nila Apa at Doms.


Ngumiti lang ako. Nagulat ako, pero hindi ko pinahalata. Does the poodle trusts me that much? Hindi ko na tinanong kung bakit dahil ayoko ng makielam pa. Alam ko naman na nagsasabi ng totoo si Apa, pero iba pa rin pala pag cinonfirm na ng kamag-anak niya.


I still couldn't believe he battled depression.


Ang mysterious talaga ng ice cream cone na yun. The more I get to know him, the more I want to know more about him. Akala ko noong una, he's an open book. Akala ko lang pala dahil sobrang dami ko pang hindi alam,.


I won't force him, though. I just want to go with the flow. Kung ano man yung sabihin niya sa akin, tatanggapin ko. Kung hindi naman niya sabihin, ayos lang rin. Kahit ano naman mangyari, hindi magbabago tingin ko sa kanya. 


Pagbalik namin sa school, napansin kong malungkot si Bianca. Tinanong ko siya kung bakit, pero hindi siya sumasagot. Pati nga sila Briones at Apa, nagaalala na. Noong break time namin, tinanong ko ulit siya tapos bigla siyang humagulgol.


"Yung ate ko na at kuya mo. Sila na. Sila na!" Iyak siya nang iyak. "Alam ko naman na una pa lang, wala na akong pag-asa. Ako lang naman yung loka lokang umasa kasi ang perfect ng pinsan mo eh, tapos..." She bit her lower lip sabay tulo ng luha.


"Bianca, lalaki lang yan," Sabi ni Briones. Kaming apat lang nila Apa yung magkakasama dahil umiyak agad si Bianca kaya hindi namin nameet sila Ygona, Dela Paz, at Tigs.


"Alam ko naman na lalaki lang siya. Alam ko naman na kapatid lang tingin niya sa akin dahil ako yung kapatid ng mahal niya, pero... pero umasa pa din ako!" 


Tiningnan ko si Apa. Tiningnan naman niya ako na parang nagtataka kung bakit niya ako tinitinginan. Siya 'tong magaling mag comfort eh. Ilang beses na ba niya akong nacomfort? Bakit ngayon, hindi niya macomfort si Bianca? Hindi rin ako magaling mag comfort.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon