Chapter One

349K 5.4K 1K
                                    

A/N: This is the edited version of One of the Boys. Sorry, pero nakalimutan ko na mga nangyayari sa highschool kaya ginawa kong college mga characters. Madami rin akong iniba since feeling ko, ang lame ng ginawa ko dati. Anyway, hope you still read this. Thank you!

Chapter One

This is the worst day of my life so far.

I love my parents, but I don't think this is acceptable. Graduation ko, pero wala kahit isa sa kanila. Buti na lang, nandito si uncle Julius at apat niyang anak. Hindi na nga sila nakarating sa elementary graduation ko, pati ba naman dito? Abandoned child na ba talaga ako?

"Bach, dami mong awards ah. Magbigay ka naman," sabi ni Leighton, pinsan ko.

Bach tawag sa akin ng mga tao sa bahay dahil tabachoy daw ako noong baby. Sila Leighton lang naman talaga ang tumatawag sa akin nun hanggang sa lahat na ng family members at relatives ko, 'yun na ang tawag sa akin.

I glared at him. "Sarcastic ka ba?" Paano naman kasi, loyalty award lang naman ang nakuha ko. I deserve this award, though. Hello?! Simula grade 9, loyal ako sa kanya tapos bigla na lang siyang makikipagbreak. How could he, right? Ugh!

"Hindi ah. Achievement yan."

Hinatid nila ako sa venue kung saan gaganapin ang grad party. Sabi ko sa kanila, hindi na ako pupunta, pero hindi sila pumayag. Sabagay, sayang nga naman effort ng adviser namin magpa-reserve ng venue. For sure, hahanapin rin ako ng mga unggoy kong kaibigan.



"Bok, ba't ang tagal mo? Kanina ka pa namin hinihintay," reklamo ni AJ.

"Dapat nga hindi na ko pupunta eh." I sighed. "Mas gusto ko pang matulog sa bahay."

"Wala namang ganyanan," sabi naman ni Quintin. "Baka nga last day na natin na magkakasama."

"OA mo ah!" Tumawa ako.

Quintin, AJ, Luis, and BJ are my friends. They aren't the nicest, but they are the best. They don't treat me like how they treat other girls, but I never find it unfair. Dahil kahit ang kupal nila sa akin, pagdating sa ibang mga bagay, daig pa nila tatay ko sa pagiging protective.

Naging magkakaibigan kami dahil sa ex-boyfriend kong si Marcus na nakipag-break sa akin dahil bored na siya. Well, he didn't directly say it, pero 'yun ang dating sa akin. Anyway, they were team mates before. Grade 9 ako at grade 11 naman siya noong naging kami.

"Nasaan si Karen?" I asked then they started elbowing one another. Sabi nila, hindi daw nila alam kahit obvious naman na alam nila. Sinabi ko sa kanilang h'wag na magsinungaling, pero pinanindigan pa rin nila na hindi nila alam kung nasaan siya. Karen's my one and only girl friend so more than anyone, I treasure her the most.

Dahil ayaw nilang sabihin sa akin kung nasaan si Karen, lumabas ako at tiningnan yung hall na katabi namin pero mukhang may event din. Buti na lang, busy sila kaya hindi nila ako napansin. Bumaba ako ng stairs at pumunta sa CR ng girls.

I stiffened when I heard someone moaning. Tumatawa pa 'yung babae na parang kinikiliti. Seryoso, wala na bang ibang momol place? Sa women's comfort room pa talaga? Sumandal ako sa may sink at hinintay lumabas yung malanding couple.

Alam ko naman na wala dapat akong pakielam, pero masama talaga ang pakiramdam ko. Paglabas ng babae, my instinct was right. Gulat na gulat siya noong nakita ako. Sinara niya agad yung pinto at sinandalan ito para hindi ko makita yung lalaki.

"Karen? Bakit hindi mo sinabing may boyfriend ka na?" Tanong ko. Hindi ko pinahalata sa kanyang nagulat ako dahil mahihiya lang siya.

"A-Ags."

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon