Chapter Forty Five

56.3K 1.6K 231
                                    

Chapter Forty Five

Hindi man kami nagkikita ni Apa everyday, pero para sa mag-ex, masasabi kong lagi madalas kaming magkita dahil sa volunteer. Feeling ko, kaya okay kami ni Apa dahil noong kami pa, hindi kami nag-away ng malala. Isa pa, sobrang bait niya.

Noong Summer Camp nga, nilapitan niya ako dahil nahuli niya akong nakatulala.

"Naaalala mo si Jigger, no?"

I answered, "Mej."

"He's in a better place now. Mas masaya sa taas." Sabay turo sa sky. "Pero masaya rin 'to!" Hindi pa man nagsisink in yung sinabi niya sa akin, tinulak na niya ako sa pool. He was laughing so hard. Tinawanan rin ako ng mga bata tapos sabay-sabay nilang tinulak si Apa.

Last term na nga pala nila Apa at Bri. After graduating, pupunta ng Canada si Apa. Doon na siya mag-aaral and I doubt kung makakauwi pa siya dahil for sure, sobrang busy na niya.

Bukod kasi sa pagiging med student, magwowork din siya para hindi na siya manghingi ng baon sa parents niya. Hindi naman talaga siya nanghihingi ng baon dahil aside from scholar siya, model rin siya. Ewan ko ba. Ang dami niya talagang ginagawa.

"Gusto mo ba talaga ako pumuntang Canada? Paano ka?" Tanong niya sa aking isang beses.

"Ano meron sa'kin?"

"Mamimiss mo ako." Take note, he was serious when said that! "Totoo bang hindi si Marcus ang dahilan kung ba't tayo nag break?"

"Hindi nga!"

Noong nalaman ni Marcus na nag break kami ni Apa, he kept on calling. Hindi niya alam ginawa ng mommy niya. Noong nasa province kasi kami nila Bri tapos tumawag siya, tinanong lang niya ako kung totoong nag break ni kami ni Apa. What a douche.  

Example of our conversion would be...

"What now?" Mataray kong tanong.

"Ang sungit naman," Sabi niya. "Hindi mo pa rin ba ako mapapatawad?"

"You and your mom are annoying the hell out me."

Buti na lang, naniwala si Apa noong sinabi kong hindi ko alam kung ba't tumatawag si Marcus at hindi siya ang dahilan kung bakit kami nag break. I told him I hated Marcus.

"You're still an a-hole," I rolled my eyes.

"I just wanna know. Sorry," he said. I was tired of his apologies. "And sorry about your uncle. Gusto ko sanang pumunta, pero ayokong masira lalo mood mo."

"Buti alam mo."

Ayokong sabihin kila kuya Luke kung bakit kami nag break ni Apa dahil for sure, sobrang magagalit sila hindi lang sa mommy ni Marcus, pero pati na rin sa akin. 

Ayoko rin sabihin kay Apa. Siguro nga maiintindihan niya ako, pero sigurado akong makikiusap siya sa mommy ni Marcus o kaya naman sisisihin niya sarili niya. He would surely apologize to me and feel bad for me. He would take all the blame. Ganun siya kabait. 

Speaking of his family, magkausap pa rin kami ng mommy at mga kapatid niya lalo na si ate Gill since lagi kaming nagkikita sa hospital pag may volunteer. Until now, they still felt sorry for me. Hindi alam ni Apa na nag-uusap pa kami, though.

"Paano pag nalaman niya?" I asked ate Gill one time.

"When he finds out..." Nag-isip siya. "Hindi ko rin alam eh. He loves you so much. Hindi ko alam kung anong magagawa niya sa mommy ni Marcus... or maybe wala siyang gagawin dahil pag may ginawa siya, magagalit na naman yung witch. I really don't know. Truth is, I'm scared."

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon