Chapter Thirty Four

68.7K 1.7K 297
                                    

Chapter Thirty Four


Hahabulin ko na sana si Apa, pero hinawakan ni Marcus wrist ko at pinigilan umalis. Kinausap ko naman siya at sinabihan siyang kausapin ako pag wala na siyang nararamdaman para sa akin at ayaw na niya akong balikan.


Tinawagan ko si Apa, pero nakapatay na phone niya. I looked for him almost everywhere, but he was nowhere to be found. I even had a conversation with his mom and apologized to her.


"Apa told me everything, iha. It wasn't like that and you're definitely not at fault. Kasalanan 'to ni Marcus kasi niloko ka niya."


Parehas sila ni Apa, sobrang bait at understanding. No wonder why he loves her a lot. Yun nga lang, hindi ko pa rin makita si Apa. I didn't want his mom to worry so I decided not to tell her I couldn't contact her son.


Hindi ko na alam gagawin ko. Sa sobrang gulo ng mga nangyayari, pumunta na lang ako kay uncle. Baka pag labas ko ng hospital, makita o macontact ko na si Apa. For now, gusto ko munang mag pahinga. I find peace whenever I'm with my favorite uncle, no kidding.


Noong dumating ako, tulog na sila ni auntie Lynne. Hinalikan ko na lang si uncle sa noo. Aalis na sana ako, pero tinawag niya pangalan ko.


"Bach." Kumpara last week, mas okay yung kalagayan niya ngayon.


I tried to smile. "Sorry, uncle. Nagising ata kita." Pinalapit niya ako sa kanya so I obeyed him. Tinanong niya ako kung umiyak ba ako kasi namumula mukha ko. Hindi ko sinagot tanong niya, pero pinahiga niya ako sa tabi niya. Pag nakita kami ni auntie or ng staff ng hospital, sure ako, papagalitan kami.


"Anong nangyari?" Mahina niyang tanong, yung kamay niya nasa cheek ko. Ayoko sanang sabihin kay uncle, pero hindi naman siya titigil pag hindi ako nagsabi ng totoo so I told him everything.


He smiled slightly. "Wag mong sisihin sarili mo, Bach. You just wanted to comfort him. Makonsensya ka kung mahal mo pa si Marcus. Mahal mo pa ba?"


I shook my head. Magkatabi lang kami sa bed ni uncle, pero as much as possible, ayokong mahawakan siya dahil natatakot akong masaktan siya. Ang payat na nga niya eh.


"Yun naman pala eh. Bach, anak, Lexter loves you and if he really does, he will understand. Mag explain ka na lang, mag sorry, at h'wag mo ng uulitin. Maaayos niyo din yan."


I looked at him. "But I hurt him."


"Sa relasyon naman, hindi maiiwasan magkasakitan. H'wag lang sobra. Sinabi ko naman na sa'yo 'to, diba?"


Tumango ako. "Love you, uncle."


Tumawa siya. "Ikaw talagang bata ka. Gabi na, umuwi ka na."


As he wished, umalis ako ng hospital. Tiningnan ko phone ko, pero hindi pa rin nagpaparamdam si Apa. I called him for the nth time, pero wala pa rin. Pumunta na ako sa bahay nila, burger resto, church, at pati na rin sa function hall ng village bago ako pumunta sa hospital kanina, pero wala rin. Tinawagan ko na rin mga friends niya, pero hindi rin nila alam.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon