Chapter Forty Seven

45K 1K 60
                                    

Chapter Forty Seven

Present

Waggish

"Can you please be honest with me?" I asked, my arms folded. Nasa loob na kami ng kotse, pero hindi pa siya nagdadrive. Nandito pa rin kami sa parking lot dahil kailangan ko siyang kausapin. "May nabasa akong message sa phone mo. Kilala mo ba kung sino 'yun?"

He cupped my cheeks and smiled. "My wife's too worried about her husband." He chuckled, kissing my forehead. "H'wag kang mag-alala, okay? Wala lang 'yun. Maaayos din 'to."

I removed his hands from my face. "Anong wala lang? Naririnig mo ba sarili mo? Someone just threatened you tapos sasabihin mo sa'king h'wag mag-alala? Baliw ka ba? Mukhang kilala mo naman kung sino 'yun."

"Kyrel's step father and biological mother." He was trying to smile so I wouldn't get worried, but I knew my husband very well. "You shouldn't worry. I'll be fine." He even pressed my hand.

I hugged him. "Please... Please be safe."

He hugged me back, biting my ear. "Love you." Ugh, so random.

"Nireport mo na sa police?"

"Matagal na simula noong nahanap ko sila." Inayos niya yung seatbelt ko. "Pero hindi mo na kailangan mag-alala kasi hinahanap na sila ng mga pulis." Marami pa kaya akong hindi alam? "I only need you and Kyrel to be safe."

"Apa, I also need you to be safe. Umaatake na naman Messiah Complex mo. Kung may problema, sabihin mo. Hindi yung sinosolo mo."

"I'm not alone. Ayoko lang sabihin dahil ayokong madamay ka, pero hindi ako nag-iisa. Sean's helping." Alam din ni Sean?! "We both want to protect you."

"Ang tigas ng ulo niyong dalawa." Nakakagigil!

He slapped his forehead. "Bakit ko ba kasi iniwan phone ko?"

"Whatever, mag drive ka na."

Habang nagdadrive siya, nag vibrate na naman phone niya. May respeto naman ako sa privacy niya, pero may limitations. If it was about his safety, I'd be willing to invade his privacy.

So, I was the one who answered the phone.

"Bach, ano ba!" Tinry niya kunin yung phone sa'kin, pero too late, nasagot ko na. Wala na siyang nagawa.

"Lexter." Doms?! I waited for her to speak. "Lexter..." she was sobbing. "Lexter, s-si Kyrel nawawala. Pag tingin ko sa kwarto, hinanap ko, wala na siya. Hinanap namin siya nila sister sa labas, pero wala." I heard her sobbing and panting. "Lex, anong gagawin ko? Paano pag kinuha siya ni Apple?"

Alam ni Doms? Alam ni Doms, pero hindi ko alam?

"Papunta na kami diyan," sabi ko.

Sinabi ko kay Apa na mag u-turn dahil kailangan namin pumunta sa simbahan. Sabi ni Apa, hindi na kailangan dahil may locator siyang dinikit kay Kyrel kanina just in case.

Kinuha niya phone niya at binuksan GPS niya. He also called Sean. Pagkatapos ng ilang oras, nakarating kami sa ospital kung saan ako nagiintern. Fak. Tumingin ako sa taas at may mga tao. Baka sila na 'yun!

"Call for help," sabi ni Apa. "Aakyat ako."

Hinawakan ko kamay niya. "Will you be safe?"

He nodded. "Will you?"

Tumango rin ako. Umakyat na siya sa taas, habang humingi naman ako ng tulong. As I was running, I bumped into someone. I didn't know him, but he looked scary. May kasama siyang sexy na babaeng medyo hawig ko.

Apple?

"Ikaw si Ags?" tanong ng lalaki.

"Hindi."

Tatakbo na sana ako, pero hinila niya ako at sinakay sa bulok na truck. "Diyan ka lang." Yung babae naman, pumasok sa loob ng truck at kinuha yung phone ko sa bulsa ko. They both went out and locked me inside.

My mind couldn't process everything. Nanginginig ako.

I screamed. "Let me out!" Sinipa ko yung pinto, pero biglang umandar yung sasakyan kaya napahiga ako. Naunang tumama yung elbow ko kaya napasigaw talaga ako ng malakas sa sakit, and then I cried. I cried terribly.

I slowly stood up, supporting my hurt elbow with my other hand. I kicked the doors again, but they wouldn't open. Pawis na pawis na ako. Umupo ako sa corner. I needed to think clearly.

It was getting harder and harder to breathe. Ang dilim, init, at kahit ako lang yung tao sa loob, pakiramdam ko, ang sikip. Pakiramdam ko, mahihimatay na ako. It was suffocating.

I heard police cars at lalong bumilis yung takbo ng truck. Siniksik ko pa yung sarili ko sa gilid. I was so nervous and at the same time, hopeful. Makakaalis din ako rito, pero paano kung maaksidente kami? Ang bilis magpatakbo ng lalaking 'yun.

The truck stopped and the doors opened. Akala ko makakaalis na ako, pero nakita ko na naman yung dalawa. I tried to stand up. "Bullsht. Who are you trying to scare? Me?" I laughed. "Idiots." Mukha akong tanga. My voice was weak and it was shaking. I should stop fighting back, but I was so mad.

Lumapit sa akin yung babae, pero tinulak ko siya. Tumayo siya at hinila buhok ko. "Nagtatapang-tapangan ka pa?" Tiningnan niya yung lalaki. "Ikaw na ang bahala diyan." Tinulak niya ako kaya tumama yung ulo ko. Ang sakit na. Ang sakit sakit na.

Naaawa ako kay Kyrel. Ganito ba ang ginagawa niya sa anak niya o mas malala pa? To think that he was just a kid? Whoa. Hindi ako makapaniwala!

Hinila ako ng lalaki at sinakal saka tinutok yung kutsilyo sa leeg ko. Naglakad kami papunta sa pinto. Yung kutsilyo nasa leeg ko pa rin. I saw Sean. I saw police officers. I saw police cars.

The next thing I knew, I couldn't see anything.

(A/N: X, PAST, Y, PRESENT, Z, AND EPILOGUE LEFT. )

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon