Chapter Thirty Seven

52.1K 1.5K 272
                                    

Chapter Thirty Seven

Present

Refulgent

It had been a really, really rough day for me. Three nurses kept on shooting me death glares. They paged me even when I wasn't really needed. Paano kasi, sinisisi nila ako dahil napagalitan sila ng attending.

Yung isang nurse naman na medyo matanda na, papagalitan sana ako, pero pinagtanggol naman ako ni Sean. Iniisip tuloy nila, ako ang favorite. Iniisip na naman nila, I was a slut.

I didn't know how it happened, but Marcus escaped the hospital. Gusto ko man siyang hanapin, pero hindi pwede dahil may duty pa ako. The nurses were blaming me when I wasn't even there.

Feeling ko, narinig kasi nilang tinatawag ni Marcus pangalan ko.

"Wala kang kasalanan," sabi ni Kirk. "Mahahanap din siya ng mga pulis. Pag hindi, tutulungan ka na lang namin ni Anthony mag-hanap mamaya. Kalma lang." He tapped my back.

"Paano ako kakalma kung galit na galit sa'kin mga nurses?" Pinakita ko yung pager. "See? They're paging me again."

Kaya noong lunch break na, sinulit ko na at kumain ng marami. "Everything's a disaster," I told Zoe.

"Mukha nga, eh." She was still smiling.

I raised a brow. "Ano na naman nangyari?"

She winked. "Nothing."

Appparently, Zoe and Ygona's relationship had been improving since a week ago when Ygona insisted he'd drive me home dahil gabi na at drained pa ako dahil sa mga nangyari sa hotel.

Alam ni Zoe na dadating kami dahil inabangan niya kami sa labas. Ygona didn't go home that night. Instead, sa unit namin siya natulog. We didn't mind anyway since kilala naman namin siya.

He slept beside Zoe. The next day, she was so giddy. She told us it was the first time Ygona slept with her and nothing even happened. Ygona had been a complete gentleman with her that night.

Ever since then, hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Apa. Kahit isang text, wala. Bri texted me, though. 'Mahal ka nun. Naaawa lang siya kay Liz.' Alam ko naman. Siguro, hindi na rin niya alam ang gagawin niya.

Kahit si Ygona, 'yun ang sabi sa'kin, "Mahal na mahal ka ng gagong 'yun kaso masyadong mabait ang puta. Hindi maiwan si Lizzie. Hindi mo rin naman siya masisisi dahil noong ka, si Liz ang nandiyan para sa kanya."

Buti na lang, sobrang busy sa hospital kaya wala akong panahon para isipin pa buhay ko. Wala akong ginawa kung hindi mag-asikaso ng pasyente, sumunod sa mga orders, at mag-aral.

After ng duty ko, nagbihis na ako. Pag labas ko sa locker room, nakita ko si Sean na mukhang inabangan ako sa labas.

"You don't look fine."

I raised a brow. "Sino ba may sabing okay ako?" Mabilis akong nag-lakad dahil kailangan ko pang puntahan sila Anthony at Kirk.

Napatigil lang ako dahil sinabi niyang alam niya kung nasaan si Marcus. "Follow me." Sinundan ko siya at nakita si Marcus sa gilid ng kwarto. Nakaupo siya sa sahig habang may yakap na malaking stuffed toy.

Marcus looked worried. "Kyrel, son, what's wrong? May masakit ba sa'yo? Sabihin mo lang ah. Nandito si Daddy." Tapos bigla siyang tumawa. "Yung mommy mo... Wag kang maingay, ha? Yung mommy mo..." He laughed again. "Nakita ko siya kanina."

He slowly gave me a creepy look and whispered, "Hi."

Sean locked the door. Nahanap na pala siya kanina pa at nilipat na sa private room. Oh God. Sobrang naaawa ako kay Kyrel. Sana hindi niya malaman kung anong nangyari sa daddy niya.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon