Chapter Twelve

85.8K 2.3K 198
                                    

Nasa van kami ngayon nila Leighton, Logan, at Louie pauwing province. Hindi sumama si kuya Luke dahil may work na siya. Sa gitna nila Leighton at Logan si Louie dahil nga hindi naman naguusap sila Leighton at Logan. Katabi ko naman ngayon si Apa. Sa gilid namin nakaupo si Tigs. Yung nasa likod naman namin ni Apa, sila Ygona at Dela Paz.

Sasama sana si Briones, pero kailangan niyang i-babysit kapatid niya ngayon. Kinabukasan naman, may date siya with someone na hindi pa niya pinapakilala sa amin. Si Bianca naman, hindi pinayagan.

Si Apa lang naman talaga ang sasama, pero narinig ng mga kaibigan niya kaya sumama na rin sila. Mga walang magawa sa buhay! May girlfriend naman sana sila Ygona at Dela Paz!

"Nagugutom na ba kayo? 1 hr pa tayo makakakain eh," Sabi ni uncle Julius. Siya ang nasa shotgun seat katabi yung driver. Ang daldal nga nilang dalawa kaya hindi niya alam kung may nagaaway na dito sa likod katulad namin ni Apa.

"Konting space nga. Sikip sikip eh. Taba taba mo na," Sabi ko.

"Talaga, talaga? So kailangan, doble doble talaga yung mga sinasabi sabi mo?" 

Literal na nahampas ko yung noo ko, "Hay nako."

Tumawa siya at sinundot yung tagiliran ko, "Naiinis ka na ba?"

"Sa tingin mo?" Hindi ko pa rin inaalis kamay ko sa noo ko.

Pinisil niya cheek ko hanggang sa pumatong yung ulo ko sa shoulder niya. Itataas ko na sana yung ulo ko, pero inangat niya yung kamay niya at pinatong sa ulo ko para hindi ko maiangat.

"Dude, come on! Anong trip mo?" Tanong ko.

"Dude, gutom ka na, diba? Itulog mo muna yan. Hindi yung sa akin mo nilalabas pagkagutom mo. Kulang na lang kagatin mo ko eh," Sabi niya. Oo nga, totoong gutom na ako, pero hindi naman ako inaantok. 

Tinaas ko ulo ko at tiningnan siya, "Hoy, di ka na naman ba nakainom ng gamot mo? Inaatake ka na naman, eh. Kung ako sa'yo, ikaw na lang ang matulog. Mas kailangan mo-" Hindi niya pinatapos sasabihin ko at humiga sa balikat ko. Yung arms niya, nakafold pa. 

"Anong ginagawa mo?" I asked.

"Sabi mo matulog ako, diba?" So utang na loob ko pang matutulog na siya? Gusto ko lang naman na matahimik na kaluluwa niya kahit ilang oras lang. "Pasalamat ka, masunurin ako." See? Dapat ba akong magpasalamat sa kanya?

"Thank you ha," Sarcastic pagkakasabi ko, pero manhid talaga siya.

"Sure!" 

Dammit! Bakit ba sobrang weird niya? Oo nga, close na kami, pero utang na loob, wala siyang limitasyon. Sa soccer field nga, niloloko na kami ng mga tao, nagawa pa niyang tumawa at tulungan akong tumayo. 

Hindi lang 'yun! Siya pa yung nagpagpag ng alikabok sa gilid, likod, at binti ko sabay tanong kung ayos lang ako. Hindi naman ako nakasalita o nakareact dahil sa dami ng tao. Hindi ko na talaga alam gagawin ko. 

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon