Chapter Four

56.4K 1.7K 137
                                    

Past

6 years ago...

"Congrats, Yuki. Daddy ka na!" Agatha kissed Yuki on his head. She then turned to Twinkle and rubbed her back. "I'm so proud of you, Twinkle. You're finally a mother!"

Masaya si Ags dahil may anak na sila Yuki at Twinkle. Nadagdagan na ng apat ang miyembro ng pamilya nila. After their summer vacation, dinala na niya mga aso niya sa bahay nila. May katulong naman na sila kaya kahit walang tao sa bahay, may mag-aalaga sa apat niyang 'anak'.

Normal delivery si Twinkle at mabait na nanay kaya sobrang proud ni Ags. Pakiramdam niya, anak niya talaga ang nanganak. Feeling niya, may apo na siya.

"You're getting really emotional lately." Ygona was always there for her. Tumawa lang siya dahil alam niyang totoo ang sinasabi ng kaibigan. Pati sarili niya, hindi na rin niya maintindihan.

"Thank you for putting up with your emotional friend. I know you hate emotions." Ags meant that as a joke, but Ygona took it seriously, as always.

"Who says I'm only putting up with you?"

She didn't know how to respond. Punung puno ng newspapers yung floor ng living room nila para sa panganganak ni Twinkle. Sobrang dumi rin at baho dahil sa placenta. Ang gugulo pa ng nila Yuki, Brittle, at Sprinkle. Daig pa sila ni Twinkle na binabantayan lang at dinidilaan mga anak niya.

Hindi niya talaga alam sasabihin niya. Buti na lang, dumating na sila Bianca, Karen, Joyce, Briones at Luis. Hindi makakapunta yung iba dahil may ginagawa sila.

"Cute, ang liliit nila," bulong ni Bianca.

"Kailan mo sila dadalin sa vet?" Tanong ni Luis kay Ags.

"Sabi ni Ygona, may kilala siyang vet malapit dito. Dapat ngayon pupunta yung vet, pero nag out of town kaya tomorrow na lang."

Halos magkasunod naman dumating sila Leighton at Luke. Galing si Leighton sa bahay ng group mate niya para tapusin na ang final project nila. Si Luke naman, galing sa basketball. Nabalitaan nilang nanganak na si Twinkle kaya nagmadali silang umuwi. Akala kasi nila, mag-isa lang si Ags sa bahay. Nag bakasyon kasi katulong nila para bisitahin ang pamilya hanggang matapos ang pasko.

Nasa province sila Lynne, Louie, at Logan dahil wala na silang pasok. Wala na rin kailangan alagaan si Lynne. In fact, sa province na ulit siya titira next year para sa business. Naaawa na rin siya kay Luke. Kukuha na lang ulit sila ng isa pang katulong para kay Louie.

"Bach, kamusta?" Hingal na tanong ni Luke, habang pinupunasan ang pawis sa leeg. Tatakbo sana siya papunta sa kanila, pero natigilan siya noong nakita niya si Bianca.

Nagkatinginan sila ng matagal. "Uy," they said in unison. Ilang buwan din pinagtaguan ni Bianca si Luke kaya ngayon lang sila nagkita.

"Bagay kayo," biglang sinabi ni Joyce. Nagtinginan kaming lahat sa kanya. "Biruin niyo, parehas kayong sinaktan tapos first love ni Kuya Luke si B-" Tinakpan ni Bri bibig ni Joyce at bumulong, "Stop talking." Hindi niya talaga mapigilan pagiging madaldal.

Luke suddenly looked confused. "Really?"

Bianca shook her head. "Not anymore." Luke just stared at her.

"But you did?"

Nakatingin lang si B sa mga puppies. "Matagal na."

Pag-alis nila ng bahay, hinila agad ni Briones si Joyce sa sasakyan niya. "Lagot na naman ba ko?" Tanong niya, habang nagdadrive si Bri.

He brushed his hair out of frustration. "Joyce..."

"Sorry na agad. Hindi ko na naman na-control bibig ko. Geez! Pag sila nagkatuluyan, they'll thank me for-"

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon