Fate 27

20.3K 358 44
                                    

Note: May BS. So kung open minded ka, you can read it but if not, just skip it. Don't expect too much. Hindi talaga ako marunong gumawa nyan ehh. Haha! Here's your request @Mr_Hot 😂

Alas dos na ng madaling araw ay hindi parin umuuwi si Rick.. Kinakabahan na sya dahil kanina pa sya tawag ng tawag at tinadtad narin nya ito ng mga texts ay hindi parin sumasagot.

"Shit! Pick up, pick up." Paulit ulit nyang sambit habang nakadial sa number ni Rick..

She tried for the 20th time ngunit wala paring sumasagot kaya si Adrian ang tinawagan nya.

"Kendra?" Bakas sa boses nito na kakagising lang.

"Adrian.." naiiyak na nyang sambit.

"Hey, what's wrong?" Medyo nagpapanick na nitong tanong.

"Si Rick. Hindi pa umuuwi." Pagpipigil nya na hindi mabasag ang boses nya.

"Look, stay calm ok? Uuwi rin yon. Baka may tinapos lang sa opisina." Napapikit naman sya ng mariin. Ang sabi kasi nito sa kanya ay mga alas onse ng gabi ay makakauwi na ito. Nag-aalala na tuloy sya dahil pasado alas dos na ng madaling araw.

Hindi nya rin kasi alam ang mga nangyayari sa kompanya ni Rick dito sa Manila dahil matagal na syang pinahinto ni Rick. Pababalikin lang daw sya nito sa pagtatrabaho pagnakapanganak na ito. And yes, wala na sila sa Cebu. Paminsan minsan naman ay dumadalaw din sila doon. Dito narin sa Maynila nag-aaral ang kambal. When they were in Chicago ay kinausap sya ni Rick kung pupwedi bang bumalik sila sa kanya. Kung pupwedi bang magsimula silang muli. Hindi sya agad pumayag noon. It took her 1 month to accept Rick's proposal. Kahit naman mahal na mahal nya ito ay ayaw parin nyang magpadalos dalos ng desisyon pero alang alang sa kinabukasan ng kambal at sige na nga, para narin sa puso nya ay pumayag narin sya.

"Sige Adrian. I'm sorry kung nadistorbo ko ang pagtulog mo."

"It's okey. Just don't stress yourself. Makakasama yan sa bata." Napangiti naman sya doon. Ito yong isang bagay na gusto nya kay Adrian. Ang pagiging caring nito sa kanya kahit paminsan minsan ay inaaway na ito ni Rick.

"I will. Thanks Drei."

"So Bienvinido, Le Hermosa." Natatawa nitong sambit. Isa rin ito sa mga bagay na pinagseselosan ni Rick. Ang endearment nito sa kanya.

"Alright, ibababa ko na ito."

"Right." At yun, ibinaba na nya. Napahinga sya ng malalim. Muli nyang tinawagan ang numero ni Rick at after 4 rings ay sumagot na ito.

"Jusko Rick! Where are you?!" Naiinis na nagpapanick nyang tanong.

"I'm so sorry Baby. Nakasilent kasi ang phone ko. Katatapos lang ng meeting namin with the Korean investors. I'm tired." Napalitan naman ng awa ang inis na nararamdaman nya.

"Just drive home safely. Igagawa kita ng soup."

"Okey. I'm on my way home. I love you."

"I love you too." pagkatapos ay pinatay na nya ang tawag at pumunta sa kusina.

Makalipas ang sampung minuto ay narinig nya ang busina ng sasakyan ni Rick kaya agad nya itong pinagbuksan ng pinto.

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Where stories live. Discover now