Fate 11

11.2K 265 20
                                    

Daplis ng isang kamay ang gumising kay Kendra mula sa kanyang mahimbing na pagkatulog. Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata. Halos lumuwa naman ang kanyang mga mata sa lalagyan nito nang dahil sa gulat. Natutop nya ang kanyang bibig.

"Mygod..." nanginginig na saad nya habang lantarang nakatingin sa lalaking ngayon ay nakangiti na tumititig sa kanya. Butil ng mga luha ang nag-uunahang bumutawi sa kanyang mga mata.

"A-anong ginawa mo sakin?" Mahina ngunit puno ng emosyong tanong nya kay Drake. Ngumiti naman ang kaharap bago ito magsalita...

"Wala ng makakapaghiwalay sa atin Kendra." Nakangiti ngunit madiin nitong sagot... Umiiyak na napapailing si Kendra dahil sa mga pangyayaring hindi nya inaasahan. Muling bumalik sa kanyang ala ala ang mga nangyari bago sya humantong sa ganitong sitwasyon. Pinainom sya ni Drake ng wine na may pampatulog! Nag-igting ang kanyang mga ngipin. Marahas syang tumayo na di alintanang wala syang ni isang saplot sa katawan.

"Walanghiya ka! Bakit mo nagawa sakin ito! Ang buong akala ko ay ayos na tayo at tanggap mo ng hanggang kaibigan nalang tayo! Demonyo ka!" Walang pakundangang pinaghahampas niya si Drake habang nanlalabo narin ang kanyang mata dahil sa kanyang mga luha. Subalit bigla syang niyakap ni Drake kaya mas lalong nandiri at umigting ang galit nya rito.

"Mahal kita Kendra. Hindi kana nya maaagaw sa akin." Turan nito habang mahigpit itong nakayakap sa kanya. Pinilit nya itong itulak at nagtagumpay naman sya. Marahas nyang pinunasan ang kanyang mga luha bago pulutin ang kanyang mga damit na nasa sahig at mabilis nya itong isinuot. Wala na syang pakialam kong nakikita man ni Drake ngayon ang kahubaran nya ang importante ay makaalis sya dito at makauwi sa kanila. Natatakot syang baka labis ng nag-aalala ang kanyang asawa dahil hindi pa sya nakakauwi. Magpapaliwanag sya sa lahat lahat para mawala na sa puso nya ang konsensya at guilt.

Humarap sya kay Drake na ngayon ay nakatayo na ito at pakiwari nya ay lalapitan sya nito subalit isang nakakamatay na tingin ang ipinukol nya rito.

"Wag na wag mo akong lalapitan Drake! Nandidiri ako sayo. Pagbabayaran mo ang ginawa mo! Papatayin ka ng asawa ko pag nalaman nya ang pambabababoy mo sa akin!" Nanginginig man ay pinilit nyang maging matapang sa harapan nito. Sari saring emosyon ang nararamdaman nya sa oras nato. Sana ay bangungot nalang ang lahat ng ito!

"Tignan natin kung paniniwalaan ka ng magaling mong asawa." Naka-smirk na saad ni Drake sa kanya kaya sumibol ang takot sa kanyang puso. Pano kong alam ito no Rick?! Shit!

"Demonyo! Kampon ni satanas!" Sigaw nya rito bago sya patakbong nagtungo sa pintuan para lumabas ngunit narinig nya parin ang huling sinabi ni Drake.

"Mahal kita kaya ko nagawa ito. Bumalik kalang sa akin kung ayaw na nya sayo."

Fuck him! Nag-iigting na mura nya sa kanyang isipan bago pumara ng taxi at sumakay rito...

"Sa Forbes Park po." Tumango naman ang driver bago nito pinaandar ang sasakyan. Nang medyo makalayo na ang sinasakyan nya sa kubo house na iyon ay doon na muling bumutawi ang kanyang mga luha. Nandidiri, natatakot at kinakabahan sya dahil sa mga nangyaring hindi naman nya alam kung ano ba talaga ang ginawa sakanya ni Drake. Napapikit sya at pinapakiramdaman ang kanyang sarili kung may kakaiba ba rito subalit parang wala namang nagbago. Hindi rin masakit ang kanyang pagkababae kaya imposibleng may nangyari sa kanila ni Drake pero bakit sya nakahubad kanina at magkatabi sila sa kama?

Ahhhhh! Sigaw nya habang hawak hawak ang ulo. Pilit nya kasing inaalala ang mga posibleng nangyari kagabi.

"Ayos lang ho kayo ma'am?" Lingon sa kanya ng driver. Marahil ay nagtaka ito sa biglaan nyang pagsigaw.

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Where stories live. Discover now