Fate 16

14K 346 26
                                    

Busy sa exams kaya isiningit ko lang talaga ito. anw, dedicated po ito kay @jessiejung2 thanks sa flooded likes and comments. Enjoy reading!

Pasado alas otso na ng gabi nang makauwi sa bahay si Kendra. Dagsa kasi ang trabaho sa kompanya sa araw na ito kaya lahat sila ay abala sa kani kanilang mga trabaho na hindi nila namamalayang gabi na pala. But Rick told them na may bonus for the extended work hours.

Marahan nyang pinihit ang siradura ng pinto bago pumasok. Bukas pa ang ilaw pero alam nyang tulog na ang mga bata. Tinext nya kanina si Colline na pakibantayan muna ang kambal dahil male-late sya ng uwi.

Nagtungo sya sa kusina para uminom ng tubig at bumungad sa kanya ang nakayukong si Colline. Rinig nyang medyo humihilik pa ito. Marahil ay napagod ito kakabantay sa kambal kaya nakatulog ito dito. Marahan nyang tinampal ang balikat nito.

"Colline..." Mahina nyang sambit subalit mukhang tulog parin ito.

"Colline..." Ulit nya. Nakita naman nyang dahan dahan itong nag-angat ng mukha.

"Kendra?" Paninigurado nitong tanong subalit nang maka-adjust na ito ay nginitian sya nito.

"Kanina ka pa?" Tanong nito sa kanya.

"Kakarating ko lang. Pasensya kana talaga Colline ha? Napagod ka pa tuloy." Malungkot nyang sabi. Ngumiti ito bago nito hinawakan ang kamay nya at pinisil iyon.

"Ano ka ba. Ayos lang iyon. Tsaka nga pala, tulog na ang kambal. Pinakain ko narin sila." Ginawaran nya ito ng ngiti.

"Ganun ba? Marami talagang salamat Colline." Niyakap nya ito. Kung hindi dahil dito ay malamang hindi sya nakapag overtime. Hindi nya pweding iwan ang kambal dito sa bahay ng mag-isa lalo na't gabi.

"Walang anuman Kendra. Oh pano ba yan, kailangan ko ng umalis. Baka hinahanap na ako ni Breeze." She is referring to her husband. Dalawang taon na itong kasal at hanggang ngayon ay wala parin silang anak kaya nga napamahal na sa kanya ang kambal dahil gusto talaga nyang magka-anak.

"Sige, mag-iingat ka." Tinanguan sya nito bago lumabas ng bahay.

Inilapag nya muna sa mesa ang kanyang shoulder bag bago inilocked ang pinto at pumasok sa kwarto nila. Nasa iisang kwarto lang sya kasama ang kambal subalit iba lang yong kama nya sa kama ng kambal. Magkatabi naman yong dalawa matulog.

Napangiti sya sa nakikita nya. Nakadagan ang kanang kamay ni Madison sa leeg ni Daze habang ang kanang binti nya naman ay nakatanday sa tiyan nito. Halata naman sa mukha ni Daze ang pangungunot ang noo. Teka, pangungunot ang noo?

"Daze?" Mahina nyang tanong. Nagtataka kasi sya kung bakit nakakunot ang noo nito kung gayong tulog na ito. Gusto nya lang makompirma kung gising pa ba talaga ito.

Nakita nyang bumukas ang dalawang mata nito. Nakakunot parin ang noo. Kompirmado ngang gising pa ito.

"Bakit gising ka pa anak?" Malambing nyang tanong dito.

"Eh kasi inay... aray!" Napangiwi ito nang masagi ni Madison ang mukha nya nang mag-iba ito ng posisyon. This time ay napausod na ito pababa habang ang dalawang kamay nito ay nasa magkabilang gilid na nakabuka.

Napapangiti si Kendra. Mukhang alam na nya kung bakit gising pa si Daze. No wonder, sadyang napakalikot lang talaga matulog ni Madison. A total opposite to his brother.

"Gusto mo bang sa tabi ko nalang ikaw matulog?" Nakangiti nyang sabi rito. Napansin nya namang medyo lumiwanag ang mukha nito.

"Pero paano po si Madi?"

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Where stories live. Discover now