Fate 23

17.5K 373 25
                                    

Kinakabahang pumasok si Kendra sa office ng doctor ni Madison. Kinakabahan sya na baka bumalik na naman ang dating sakit ng kanyang anak. 2 years old si Madison nong madiagnosed sya dahil sa kanyang Myocardial Infarction. Isa din iyon sa rason kung bakit mas lalo silang naghirap. Dahil lahat ng perang naipon nya noon ay naubos sa pagpapagamot dito. Ang sabi ng doctor ay maari pang maagapan iyon dahil bata pa si Madison. That's why she did everything just to save her daughter. Nalugmok din sila sa utang nong mga panahong iyon. Mabuti nalang at nandyan si Colline para tulungan sila.

"Good evening Doc." Bati nya sa may katandaan ng doctor na syang doctor din ni Madison dati.

"Maupo ka muna Hija." Nakangiti nitong sambit sa kanya. Tinanguan nya nalang ito bago umupo sa katapat nitong silya.

"D-Doc, kumusta po ang anak ko?" Tinignan muna sya nito ng ilang sandali bago may kinuhang envelope sa ilalim ng cabinet nito.

"Kailan pa ulit ito nangyari sa kanya?" Seryoso nitong tanong sa kanya.

"Nong mga nakaraang araw po Doc. Ang sabi nya ay bumibilis ang pagtibok ng puso nya. Nahihirapan din daw syang huminga at kaninang umaga medyo inuubo narin sya. Y-Yong sakit nya po ba dati Doc, bumalik na naman ba?" Halos mautal na nyang paliwanag at tanong dito.

"We do BNP testing earlier. It is a test to know if the heart failure develops or worsen. In Madison's case, ang dati nyang myocardial infarction ay naging isa sa mga factors para magkaroon sya ng tinatawag nating congestive heart failure." Malungkot nitong pahayag.

"A-Ano po ang ibig nyong sabihin Doc?"

"She has a left sided CHF. Her left ventricle doesn't properly pump blood out to her body. Kaya may namumuong fluid sa kanyang baga. Yan yong rason kung bakit sya nahihirapang huminga. Kung hindi ito maagapan ay maari syang magkaroon ng CHF sa kanang bahagi. At napakabata pa nya kung mangyari iyon. Maaring hindi kayanin ng katawan nya."

"M-May paraan pa po ba para maagapan agad?" Halos pumiyok na nyang tanong.. Nakita naman nyang huminga muna ng malalim ang doctor bago magsalitang muli.

"Kung macontinue ang medications nya ay maaagapan pa na hindi kumalat ang CHF sa kanang bahagi. Later we will again check her heart rhythm by ECG at MRI para makuhanan natin ng litrato ang kanyang puso. Kaninang umaga ay isinagawa namin ang echocardiogram sa kanya and there is an enlargement of her heart. At above normal ang ang kanyang heart beat. Sa nakikita ko ay mas malakas ang katawan ni Madison ngayon kumpara dati. She will be fine but for the meantime ay oobserbahan pa muna namin sya. May inireseta narin akong gamot para sa kanya." Doon pa sya nakahinga ng maluwag matapos iyon sabihin ng doctor.

"But we should expect the unexpected. Mas mabuti na iyong preparado tayo kaysa hindi tayo handa sa pupweding mangyari." Muli namang namuhay sa puso nya ang takot.

"What do you mean Doc?" Kinakabahan nyang tanong.

"If the medications are not effective to her anymore then our last option will be surgery. Gusto kong maging handa kayo kung saka sakaling mangyari iyon. There will be a 50/50 chances for Madison dahil na operahan na sya dati. But let's just pray na hindi na lumala pa ang kondisyon nya. Kagaya ng payo ko dati ay huwag nyo syang pagurin at bigyan ng sama ng loob. Dapat ding pagtuonan ng pansin ang kanyang kalusugan." She was stopped. Hindi lahat magsink in sa utak nya. Ang iniisip nya ngayon ay ang chances ni Madison kung saka sakaling ma operahan na naman ito.

"P-Please save my daughter. Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko pag mawala sya sa amin." Naiiyak na nyang sabi.

"We will do everything we can. As of now, medications muna tayo. Titignan natin kung kaya ba ng mga gamot ang kondisyon nya. As I can see, matapang na bata si Madison. Alam kong nilalabanan nya ang kondisyon nya. Kaya dapat ay ipakita at iparamdam din natin sa kanya na hindi sya nag-iisa na kaya nyang i-surpass ang sakit nato." This time ay napangiti na sya. Medyo gumaan narin ang pakiramdam nya.

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Where stories live. Discover now