Fate 9

11.9K 250 16
                                    


"May lakad ka wife?" Tanong sa kanya ni Rick nang mapansin nitong nakabihis sya ng panlakad gayong wala naman syang office work sa araw nato. Magkikita kasi sila ni Drake ngayon. Mag-uusap sila. It's been 3 days simula nong nagkaayos sila ni Rick at so far ay smooth naman ang relasyon nila. They now shared one bedroom at open narin sila sa isa't isa. Really Kendra? Kailan ka pa naging open kay Rick tungkol kay Drake? Pangongonsensya ng isipan nya..

"Magkikita kami ni Andi. Yong pinsan ko. Okey lang ba?" Pangiting sagot nya kay Rick ngunit may kalakip iyon ng konsensya at takot na baka mabuking sya ni Rick na nakikipagkita sya sa kanyang ex gayong hindi nya sinasabi rito.

"Ganun ba? Anong oras ka uuwi?" Dagdag pa nito habang nagbabasa ng dyaryo.

"Mga gabi na ata. Dadaan narin ako kina mommy mamaya." Tumango nalang si Rick. Nang matapos sya sa ginagawa nya ay kinuha na nya ang sling bag nya bago lumapit kay Rick at hinalikan ito sa pisngi.

"Alis na po ako pogi." Nag-angat naman ng mukha si Rick at lumapad ang ngiti nito. Marahil dahil sa pagbanggit ni Kendra sa word na 'pogi'. Aba, minsan lang kaya naglalambing yang asawa nya.

"Say it again." Nakangiting utos nya sabay palupot ng kanang kamay nya sa bewang ni Kendra.. Sumimangot naman ang huli.

"Eh sa narinig mo na eh! Sige na alis na ako." This time ay nakangiti na ito. He really loves seeing his wife smile. Nakakagaan ng araw.

"Ito naman di na mabiro. Sige mag-iingat ka sa pagmamaneho." Tumango naman ito tsaka naglakad palabas ng bahay.

Sasabihin ko rin naman sayo pag-ayos na ang lahat. Nasa isip ni Kendra.

Ayaw nyang biglain si Rick tungkol kay Drake kaya mas mabuting mag-usap muna sila ni Drake para maging maayos ang lahat. He will tell him na hanggang kaibigan nalang sila at mahal na nya ang asawa nya. Maiintindihan din naman nya siguro.

She texted Drake na on the way na sya sa meeting place nila. Sa dati nilang pinupuntahan nong sila pa..

Pagkaraan ng kalahating minuto ay nakarating din sya sa lugar na yon..

It's been 2 years.. bulong nya sa sarili nang makapasok sya luma ngunit malinis at matibay pa na kubo. She sighed when she saw Drake walking towards her. Nakangiti ito ng malapad..

"Salamat at nakapunta ka." Bungad nito sabay halik sa pisngi nya kaya medyo nailang sya sa ginawa nito subalit pinagsawalang bahala nya nalang iyon..

"Oo naman. After all we need to talk." Makahulugang pahayag nya kay Drake bago nilibot ng kanyang mata ang buong bahay. Kubo ito subalit fully furnished at napakalinis.. Medyo ipinilig nya ang kanyang ulo nong maalala nya ang ilan sa mga memories nila ni Drake sa bahay nato dati.

"I love you KenKen. Papayag kabang tumira sa kubong ito pag ikinasal na tayo?" Nakangiting tanong ni Drake kay Kendra habang nakahiga ito sa lap nya..

"Kahit sa kalsada pa ay payag akong tumira basta ikaw ang kasama ko." Nakangiti ring sagot sa kanya ni Kendra..

"Grabe naman. Hindi ako makakapayag na sa kalsada kita ititira. Sa gwapo kong to!" Pabiro nitong sabi na syang ikinatawa ng malakas ni Kendra..

"Conceited Handsome!" Tawa nito sabay pingot ng ilong ni Drake..

"Mahal na mahal kita Drake.. And I can't imagine my future without you." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay niyakap nya ng mahigpit si Drake..

"Ako rin Baby. Hinding hindi ako makakapayag na may sumira ng relasyon natin. Ipaglalaban kita kahit ikasira ko man iyon." Madiin at puno ng emosyong saad ni Drake...

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Where stories live. Discover now