Fate 15

14.1K 354 28
                                    

Dedicated to @DannieDoneDan  :)) Thank you for appreciating the story! 

"Can you bring these papers to Mr. Sandiego? At paki edit nalang din ng proposal nato." Isa isang inabot ni Rick sa kanya ang mga papers. Seryoso ang mukha nito habang nagsasalita. Kahit naiinis na sya ay inabot nya parin ito ng may pagtitimpi.

Tatalikod na sana sya upang lumabas nang muling magsalita si Rick.

"Tsaka pakitimpla mo na rin ako ng coffee." Pagkatapos nitong saad ay bumaling ito sa computer na nasa table nya. She silently rolled her eyes bago sya lumabas. Kanina pa talaga sya napipikon dito. Simula pagdating nya kanina ay utos na ito ng utos sa kanya. Halos wala ng break kung utusan sya nito. Para bang sinasadya nito na pagurin sya ng todo.

"Oh, may inutos na naman ba si Sir Ty?" Tanong ni Jessica, isa sa mga naging close nya dito sa MTV's Sanctuary. Dalawang linggo narin simula nong una nyang trabaho sa kompanyang ito. At so far ay nakakasurvive naman sya kahit puro kasungitan ang pinaggagawa nito sa kanya. Wala naman syang choice kundi pakitunguhan ito ng maayos kahit minsan ay napupuno na talaga sya rito. At kagaya ng sinabi nya, she will act as if nothing was happened. Masakit man dahil sa tuwing nakikita nya si Rick ay naaalala na naman nya ang mga nangyari dati pero pinipilit nya parin itong kalimutan para hindi madamay ang trabaho nya. Nagpapasalamat nga sya dahil mukhang wala narin itong balak ungkatin ang nakaraan. Marahil ay masaya na ito sa buhay nya.

Marahil ay masaya na sya sa piling ni Charlotte...

"As usual. Wala namang ginawa iyan kundi utusan ako ng utusan eh. Kulang nalang gawin nya akong personal maid." Nakasimangot na sagot nya.

"Naku, ganyan ata pagtumatanda na. Hihihi."

"No chit-chatting during office hours." Parehas silang nagulat sa narinig nila. Nasa likod pala nila si Rick!

"I-I'm sorry Sir." Nakayukong sabi ni Jessica bago umalis. Kinabahan naman sya. Marahil ay narinig ni Rick yong sinabi nya kanina.

"I did not tell you na makipagkwentuhan ka. I told you to submit that papers." Seryoso nitong saad.

"I'm sorry Sir." Mahinang sambit nya.

"I don't accept sorry, Sandoval. Just bring that papers to Mr. Sandiego." Seryoso parin nitong saad bago sya nito talikuran. Subalit hindi pa ito nakakahakbang ay humarap ulit ito sa kanya...

"And one more thing, stop complaining because you are just my secretary." Matigas nitong sabi bago tuluyang umalis. Naiwan sya doong tulala. Nasasaktan na naman sya. Sa araw araw na pagtratrabaho nya sa kompanyang ito ay mas lalong pinipiraso ang kanyang puso. Hindi pa ba sapat ang limang taong sakit na dinanas nya? Kulang pa ba iyon?

Huminga sya ng malalim sabay punas sa isang butil ng luha na nagbadyang lumabas sa kanyang mata bago naglakad at pumasok sa elevator.

-----

"Inay? Family Day po namin sa school next week. Ang sabi ni Teacher dapat daw po nandon ang nanay at tatay." Malungkot na paliwanag ni Madison habang naka-kandong ito sa kanya.

"Talaga anak? Wag kang mag-alala pupunta si nanay." Pilit nyang pinapasigla ang boses nya.

"Pano po iyan, wala kaming tatay." Nakasimangot na ito. Sa tuwing ganito si Madison ay parang pinipiga ang puso nya. Hindi kasi sya sanay na malungkot ito. Kasi despite of their status in life ay masayahin parin ito na hindi mo makikitaan ng lungkot.

"Ano ka ba Madi. Pwedi namang maging tatay nalang din natin si nanay. Maiintindihan din nila iyon." Seryosong paliwanag naman ni Daze na nakatayo lang ito sa harapan nila.

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Where stories live. Discover now