Fate 18

13.5K 299 34
                                    

Since napostponed ang title defense namin, so here's the update. Aherm, enjoy~

...

"Ano ba. Nasasaktan ako!" Sa pagsinghal nyang iyon ay mas lalong humigpit ang paghawak ni Rick sa kanyang pulsuhan habang hila hila sya nito. Mabuti nalang ay walang nakakakita sa kanila ngayon dito sa second floor kasi maaga pa at busy naman yong iba sa loob ng opisina nila.

"Ang sabi ko nasasak---"

"Can you please shut the fuck up?!" Nanggagalaiti nitong sigaw sa kanya kaya sa inis ay malakas nyang hinablot ang kanyang kamay sa pagkakahawak nito at pinukulan nya ito ng matatalim na tingin. Napupuno na talaga sya! Sya itong gumawa ng iksena sa harap nila ni Cade kanina, pagkatapos ngayon ito pa ang galit?

"Bakit ka ba naninigaw?!" Inis na nyang sabi. Napansin nya namang medyo huminahon ito subalit hindi parin ma-spelling ang mukha.

"Eh bakit ka ba nakikipag-usap sa Degama na'yon?!" Napanga nga nalang sya sa ganting tanong nito. Ano ba ang gusto nitong i-pin-point?

Huminga muna sya ng malalim bago sumagot. She needs to control herself, kasi kung makikipagtalo sya dito ay baka hindi na nya maabutan ang activity ng kambal.

"Sir, Nagkataon lang po na nakita ako ni Sir Cade at nagtatanong lang naman sya kaya---"

"I don't care with your lame explanations Sandoval. My point here is, pag hindi ko sinasabing makipag-usap ka sa Degama na iyon ay huwag kang makipag-usap." Hindi sya makapaniwala sa sinabi nito. Dinaig pa nito ang nag-aalburutong ama. Ano ba ang masama sa pakikipag-usap kay Cade? Hindi na talaga nya maintindihan ang tumatakbo sa isipan nito. Minsan ay napipikon na talaga sya dito. Gusto man nya itong sumbatan ay pinilit nya nalang tumahimik.

Hanggang ngayon ba ay ayaw nya parin pakinggan ang mga paliwanag ko?

"Look.. I'm sorry.. " maya maya ay sambit nito. Napansin siguro nitong hindi sya kumikibo. Tinitigan nya ito. Pinipilit nyang basahin kung ano ang nasa isipan nito.

"I just.. I just don't like him getting near you. Shit!" Sabay hilamos ng kanang kamay nito sa kanyang mukha.

"Just forget what I've said. Pwedi ka ng umalis." Pagkatapos ay iniwan na sya nito. Hindi nya alam kong ano ba ang dapat maramdaman sa mga oras na iyon. Nalilito na sya sa istilo ng pakikitungo nito sa kanya. Minsan ay okey ito. Minsan naman ay napakalamig nito sa kanya. Tapos ngayon...

Bakit mo ba ako pinapahirapan Rick?

-----

Papara na sana sya ng taxi nang biglang nagring ang phone nya kaya sinagot nya ito ng hindi tumitingin sa caller.

"Hello?"

"Kendra!"

"Adrian. Bat ka napatawag?" Si Adrian pala iyon at nagtataka naman sya kung bakit ito napatawag.

"Lumingon ka sa likuran mo." Nagtataka naman syang humarap sa likuran. Namilog naman ang kanyang mga mata nang makita si Adrian sa loob ng kotse nito na may hawak na cellphone sa kanang kamay nito na nakadikit sa tenga at kumakaway naman sa kanya ang kaliwang kamay nito.

"Come on, male-late na tayo sa Family Day activity." Nakangiting sabi nito na nasa kabilang linya parin.

"Huh? P-paano mo nalaman?"

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon