Fate 13

13.8K 359 37
                                    


After 5 years..


"Hala Sorry Miss! Sorry tala--- Kendra?!" Gulat na gulat na reaksyon ng lalaking nakabunggo kay Kendra. Pati man sya ay nagulat din nang mapagtanto kung sino iyong nakabunggo sa kanya na naging sanhi ng pagkahulog ng mga pinamili nyang mga gulay sa palengke kanina.

"A-Adrian?" Nagdadalawang isip nyang tanong. Ginawaran naman sya nito ng ngiti bago magsalitang muli.

"Mabuti naman at nakikilala mo pa ako. Kumusta kana Kenz? Mahigit limang taon na tayong hindi nagkita." Parang nagtatampo nitong saad. Totoo iyon, simula noong ikasal sina Rick at Kendra ay hindi na sila gaanong nagkikita. Nalaman din ni Kendra na bumalik ito ng San Francisco para i-manage ang family business nila doon at tumiwalag narin ito bilang isa sa mga board members ng Sandoval Black Pearl Society dati at bukod pa doon ay wala narin syang balita tungkol dito.

Ngumiti ng tipid si Kendra. "Ayos lang ako Adrian." tipid ding sagot nya dito. Subalit halos mahigit sampung minuto syang tinitigan ni Adrian sa mukha at pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa suot nyang damit. Sa madaling salita ay tinignan nito ang buong ayos ni Kendra kaya medyo nakaramdam sya ng hiya at pagka-asiwa. Kasi tanging plain black t-shirt lang at pinaglumaang jeans ang suot nya. Malayong malayo sa Kendrang kilala nito dati. Marahil ay nagtataka ito ngunit wala na syang oras para doon. She needs to go home. Malapit ng magtakip silim.

Tumikhim sya bago muling magsalita.

"Ahh. Adrian, kailangan ko ng umalis. If you will excuse me."

"Ganun ba? Osige, but can I get your phone number? Para naman next time ay baka sakaling pwedi tayong magkita ulit pag hindi ka busy." Nakangiti nitong sabi.

"Kasi..." Nagdadalawang isip sya kung ipagpapatuloy ba nya ang sasabihin. Nahihiya kasi sya.

Napansin nyang medyo lumungkot ang mukha ni Adrian. Marahil akala nito ay ayaw nyang ibigay ang kanyang phone number.

"Kung ayaw mo wag---"

"I don't have cellphone." Sa wakas ay nasabi nya rin. Nagtatakang napatitig sakanya si Adrian.

"Huh?" Ang tanging nasambit nito. Napangiti ng mapakla si Kendra. Ito na nga ba ang sinasabi nya kaya ayaw nyang may nakakikita o nakakakilala sa kanya dahil nahihiya lamang siya. Hindi na kasi sya tulad ng dati. Sa paglipas ng panahon ay marami ng mga nagbago. Bumuntong hininga muna sya bago muling magsalita.

"Seryoso ako Adrian. Wala na akong Cellphone. I sold it last month. Osige aalis na ako. Kung gusto mo akong kausapin ulit magkita nalang tayo dito sa linggo pagkatapos ng simba. Pero teka, bakit ka ba napadpad dito?" Nagtataka kasi sya kung bakit nandito sa Bukawe Cebu si Adrian. As far as she know ay wala itong kamag-anak dito.

Naguguluhan man si Adrian ay sumagot nalang ito. Next time nalang nya tatanungin si Kendra.

"May seminar kami dito for 3 weeks. Teka, bat hindi mo kasama ngayon si Rick? Matagal na ba kayo ditong naninirahan?" Biglang dumagundong ang kaba sa puso nya pagkarinig nya sa pangalang iyon. Limang taon na subalit nandun parin ang mga ala ala na pilit nyang kinakalimutan subalit hanggang ngayon ay napakasariwa parin para sa kanya. She composed herself. Ayaw nyang mag-break down sa harap ni Adrian.

"Can we talk about these next time? Kailangan ko na talagang umalis." Napatango nalang si Adrian. Nang makapagpaalam sya dito ay pumara sya ng tricycle at nagmadaling nagpahatid sa bahay nila.

-----

Nang makarating sya sa kanila ay kumatok muna sya ng tatlong beses.

"Sino po iyan?" Tanong ng munting marikit na tinig mula sa loob kaya napangiti sya ng malapad.

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin