Fate 21

15.4K 358 27
                                    

Mahigit sampung minuto ang kanilang tinahak bago sila nakarating sa hospital. At habang nasa sasakyan ay tahimik lang sya gayon din si Rick habang nagmamaneho ito. Kanina pa sya kinakabahan. Kinakabahan sa mga posibleng mangyari mamaya. Hindi nya lubos akalain na sa ganitong pagkakataon makikita ni Rick ang kanyang mga anak. Subalit wala na syang magagawa pa. Lahat ng sekreto ay may hangganan.

"Mauna kana sa loob. Tatawagan ko pa si Charlotte. Susunod lang ako." Sabi nito nang makarating sila sa parking lot ng hospital. Tinanguan nya nalang ito kahit ramdam nyang may kumirot na naman sa parteng iyon.

Mygod Kendra! Hindi ito ang oras para magdrama! Sita nya sa kanyang sarili.

Agad syang nagtungo sa information desk para magtanong kung saang room nakalagay si Madison.

"Sa room 201 sa third floor po ma'am." Sabi nong babae kaya tinanguan nya nalang iyon bago nagmadaling pumasok sa elevator.

Nang makarating sya sa 3rd floor ay hinanap nya muna yong room number ni Madison at nasa may bandang kanan pala iyon. Kinakabahan syang naglakad patungo don. Kumatok muna sya ng dalawang beses bago pinihit ang seradura ng pinto at binuksan iyon.

"Ms. Sandoval?" Tanong agad sa kanya nong principal ng kambal. Kilala nya ito dahil palagi itong present sa lahat ng activities sa school.

"Ako nga po." Sagot nya bago isinara ang pinto at lumapit sya sa hospital bed kung saan mahimbing na natutulog si Madison.

"Anak.." Halos maiyak na nyang sabi habang hinimas himas ang buhok ng anak. Maputla parin ito subalit maayos na ang paghinga nito.

"Ang sabi ng doktor ay ikaw nalang daw ang kakausapin nya tungkol sa sitwasyon ni Madison. Ang akala namin kanina ay hindi na sya magigising pa dahil pahina ng pahina ang pintig ng puso nya gayon din ang pulse rate nya. Ngunit nong pagkalabas nya sa emergency room ay ikaw agad ang hinanap nya." Umiiyak na sya habang pinakikinggan ang sinabi ng principal. Hindi nya rin alam kung papaano nya papasalamatan ito.

"Sinabihan ko ang class room advicer nila na bumalik na muna sa eskwelahan at ako na ang bahala dito para naman maexplain nya sa mga students don na okey na si Madison dahil halos lahat kanina ay nagpanicked at nag-alala sa kanya."

"Marami po talagang salamat ma'am sa pagdala kay Madi dito sa hospital." Sabi nya habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Walang anuman. Responsibilidad ng paaralan na panatilihing nasa maayos na kalagayan ang lahat ng mga studyante sa aming pamantasan."

"Nasan po pala si Daze, yong kakambal nya?"

"Kaaalis nya lang. Binigyan ko ng isang daan para ibili ng pagkain ang kapatid nya sa canteen ng hospital."

"Marami po talagang salamat Mrs. Dela Cruz." Ngumiti naman ito sa kanya bago tumayo mula sa kinauupuan nito.

"Oh papaano ba yan, kailangan ko ng umalis." Tumayo rin si Kendra at nilapitan ang principal at niyakap ito.

"Mag-iingat po kayo. Salamat po ulit."

"Walang anuman. Alagan mo ng mabuti si Madison ok? Napakabait ng batang iyan. Minsan ay pumupunta yan sa office ko kapag may ipinapautos sa kanya si Mrs. Decastro sa akin. Sa tuwing pumupunta iyan doon ay kinukwentuhan nya ako tungkol sayo. Hinahangaan ka raw nya at mahal na mahal." Muli na namang bumuhay ang mga luha sa kanyang mga mata.

Matapos magpaalam ni Mrs. Dela Cruz ay napansin nyang medyo bumubukas na ang mga mata ni Madison.

"Anak?" Sabay hawak sa kanang kamay nito.

"I-Inay.." Mahina nitong sambit.

"Sorry kung ngayon lang dumating si nanay. Okey na ba ang baby ko?" Napansin nyang medyo ngumiti ito at marahang tumango.

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon