Fate 24

19.1K 347 31
                                    

"Hi." Nakangiti nyang sabi kay Madison sabay wave ng kanang kamay sa ere. Nakita nya namang ngumiti si Madison at kumislap ang mga mata nito.

"Itay." Ngayon naman ay umiiyak na ito kaya agad nya itong nilapitan at ikinandong sa kanya.

"Sshh. Wag ng umiyak ang magandang anghel ni tatay." Mas lalong lumakas naman ang iyak nito at mas sumiksik sa kanya. Niyakap nya ito habang hinaplos haplos ang may kahabaan nitong buhok.

"Sige, iiwan ko muna kayo dito. Sa labas lang ako. And by the way Rick, mahirap iyang patahanin." Natatawang sabi sa kanya ni Kendra bago ito lumabas ng silid..

Napahinga sya ng malalim bago muling magsalita..

"Ano ba ang gusto mong gawin ni tatay para tumahan na ang maganda nyang anghel?" Napansin naman nyang huminto ito sa kakaiyak at pinakatitigan sya nito.

"Bat po ang pogi pogi nyo itay?" Seryoso nitong tanong sa kanya kaya pati si Daze ay natawa sa tanong nito. Napatingin naman sya kay Daze. Huminto ito sa kakatawa nong mapansin nitong nakatingin sya sa kanya na nakangiti.

"Hi Little Buddy." Nakangiti nyang sambit dito ngunit sumeryoso lang ang mukha nito.

"Kuya, hindi mo ba na miss si itay?" Biglang tanong ni Madison.

"Ewan." Pagkatapos ay agad itong lumabas ng silid. Napabuntong hininga nalang sya. Ito na marahil ang inaasahan nya.

"Malungkot ka po itay?" Napatingin naman sya sa seryosong mukha ni Madison. Umiling sya at nginitian ito.

"Hindi na. Nandiyan na kayo eh." Nakangiti nya paring sabi ngunit alam nyang nalulungkot sya. Nalulungkot sya sa kadahilanang wala sya nong mga panahong kailangan sya ng mga anak nya. Lalong lalo na si Madison. Hindi nya pa alam kung ano ba talaga ang kondisyon nito ngunit alam nyang hindi lang ito ordinaryong sakit lang. Gusto nyang tanungin si Kendra subalit parang may pumipigil sa kanya. Alam nya kasing baka mas lalo nya pang kamuhian ang sarili nya dahil kung sana ay pinakinggan nya ito dati ay hindi sana sila hahantong sa ganito. Hindi sana magkakaganito ang kanyang anak. Tatanungin nya nalang mamaya ang mismong doktor ni Madison.

"Hindi naman po kayo nakikinig itay eh." Nakasimangot nitong maktol kaya marahan nyang pinisil ang maumbok nitong pisngi.

"Sorry na. May iniisip lang kasi si tatay." Tumango tango naman ito bago ngumiti sa kanya.

"Si inay po iyan ano? Hihi." Bungisngis nito.

"Sshh. Wag kang maingay kay nanay ok? Sekreto lang natin to." Natatawa nyang sabay dito.

"Mahal nyo pa po ba si inay, itay?" Medyo nagulat naman sya sa tanong nito ngunit ayaw nyang madisappoint ang bata kaya...

"Kung sasabihin ko bang Oo, magiging masaya kana?" Malambing nyang tanong rito.

"Oo naman po itay! Mahal na mahal parin po kasi kayo ni inay hanggang ngayon." Inosente nitong sambit na syang ikinagulat nya. Hindi nya inaasahan iyon. Totoo nga ba na mahal pa sya ni Kendra?

"Sinong nagsabi sayo nyan?"

"Si inay po. Dati kasi palagi ko syang tinatanong kung mahal nya po ba ang tatay namin.. Ang palagi nya pong sinasagot ay mahal na mahal daw po. Tapos bigla nalang po syang magiging malungkot." Munting paliwanag nito na mapapansin mong hindi talaga ito nagsisinungaling.

Hindi sya nakapagsalita. Tahimik na tinitigan nya lang si Madison. Ngayon ay mas dumoble ang pagkamuhi at galit nya sa kanyang sarili.

You are nothing but an asshole, Maverick!

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Where stories live. Discover now