Fate 2

16K 317 21
                                    

This is just a short update.

Dalawang buwan nalang ay kasal na nila Kendra at Rick. At habang tumatagal ay mas lalong nadadagdagan ang inis ni Kendra sakanya kahit pa halos lahat na ata ng kabutihan ay ipinakita na nito sa kanya. Hindi kasi matutumbasan ng kabutihan na ipinapakita ng binata ang sakit na nararamdaman nya. Hindi lang kay Rick kundi pati narin sa mga magulang nya. Only child lang sya kaya tutok na tutok ang mga magulang nya sa kanya simula palang pagkabata. And she hates the fact na parang kinokontrol na nila ang buhay nya.

"Kendra?" Tawag sa kanya ng mommy Cynthia nya na ngayon ay abala sa pagdedecorate ng bahay nila dahil bukas ay darating ang kapatid nitong galing Amsterdam.

"Yes mom?" Tumayo sya at lumapit dito.

"Tumawag ang tita Mhel mo at pinapapunta ka nya sa bahay nila." She rolled her eyes upon hearing those words from her mom. Mhel is her soon to be mother-in-law. Ang mommy ni Rick.

"Bakit na naman ba?" Di maiwasang mainis sya sa sinabi ng mommy nya. Malamang may ipapakiusap na naman ang mama ni Rick sa kanya.

"Kendra! Bat ba ganyan ang ugali mo? Hindi ka naman namin pinalaking ganyan ah!" Bakas sa tuno ng boses ng mommy nya na galit ito. Marahil dahil sa pagrereklamong tanong nya rito kanina.

"Mom, i'm 23 at hindi na po ako bata para kayo ang magdesisyon kung kanino ako magpapakasal. I can't believe na ipapakasal nyo ako sa taong ni hindi ko man lang gusto!" Sa unang pagkakataon ay ngayon nya palang nasagot ng ganito ang kanyang ina. Napupuno na kasi sya. Buong buhay nya ay sinusunod nya ang mga gusto ng magulang nya. Pero pati ba naman ang pagpapakasal nya ay kontrolado parin nila?

*slap*

"Whether you like it or not, matutuloy ang kasal nyo ni Rick!" Napahawak sya sa pisnging sinampal ng kanyang ina. She can't believe na nagawa syang sampalin nito. Ni kurot nga nong bata sya ay hindi nya natikman sa kanila pero ngayon ay pinagbuhatan sya ng kamay ng mommy nya!

Akala nya ay magsosorry ang mommy nya sa pananampal nito sa kanya subalit padabog na iniwan sya nito at nagtungo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. She was left dumbfounded. Fuck you Rick! Kung hindi dahil sayo hindi magkakaganito ang buhay ko!

----

"Oh hija, mabuti naman at nakarating ka." Bati sa kanya ng mama ni Rick at hinalikan ito sa pisngi. She has no choice. Kahit anong gawin nya ay hindi nya na mababago ang pasya ng mga magulang nito.

"Bakit nyo po pala ako ipinatawag tita?" Kahit naman ayaw nya sa kasalang ito ay hindi maipagkakailang napakabait ng pamilya ni Rick sa kanya kaya sinusuklian lang nya ang mga kabutihan ng mga ito. Pero hindi parin maiaalis nito ang inis nya kay Rick.

"May ipapakita kasi ako sayo Hija. Halika sa sala tayo." Nagtataka man ay sumunod nalang sya rito.

"I want you to see these. Childhood photos ni Rick." Sabay lahad nito sa kanya ng malaking photo album. Gusto man sana nya itong sumbatan na ito lang pala ang ipinapunta nya rito ay pinilit nalang nya ang sarili na uminahon at buksan nalang ang album.

"He was 3 sa larawang iyan. Napagkatuwaan sya ng ate Cassy at ate Brianna nya. Pinagsuot nila sya ng gown kaya naman sobrang iyak nya pagkatapos." Natatawang kwento ng mama nito sa kanya. Kaya pati sya ay napapangiti parin. Ang cute rin kasi ni Rick sa larawang iyon. Halatang naiiyak na ito.

"Yan naman nong 10 years old sya. Birthday nya nong araw na yan pero imbes na magcelebrate kami dito sa bahay ay hiniling nyang magpakain nalang sa mga batang nasa evacuation center." Hindi maipagkakaila ni Kendra na lumambot ang puso nya sa kwento ng ina ni Rick. Di nya akalaing sa murang edad nyang yon ay matulungin na sya sa kapwa.

Nang nasa ikasunod na pahina na sila ay may isang larawan doon na may kasamang babae si Rick at nakaakbay sya rito. Hindi nya alam pero parang nainis sya sa nakita nya.

"They were best of friends na akala ng iba ay may relasyon sila. Magkaibigan na silang dalawa simula first year high school. Kaya nong nagmigrate sa Ibang bansa sila Charlotte ay nagsimulang maging seryoso si Rick. Ni hindi na ito masyadong tumatawa at nakikisabay sa mga ate nya. Pero nag-iba ang lahat nong pagtungtong nya ng college. Naging palangiti at masayahin ulit ito na para bang bumalik ang dating Rick na kilala namin. Hindi man nya sinasabi sa amin kung bakit sya naging masigla ulit ay masaya na kami dahil bumalik sya sa dati nyang nakagawian."

"Saan ba nagcollege si Rick tita---"

"Mom?" Hindi natapos ni Kendra ang tanong nya dahil biglang dumating si Rick.

"Kendra?" Di makapaniwalang tanong ni Maverick nong mapagtanto nyang si Kendra nga yong kasama ng mommy nya sa sala na may hawak na photo album. Teka, album?

"Mom? Bat nyo naman ipinakita kay Kendra ang mga yan! Nakakahiya." Natawa nalang si Mrs. Vergara sa reklamo ng anak na sinabayan nya ito ng pagdambot ng album mula kay Kendra at ibinalik sa shelf. Pagkatapos ay hinila nya si Kendra at dinala palabas ng bahay at pinasakay sa kotse nya.

"Hey! Bitawan mo nga ako! Bat ba ang OA mo!" Inis na bulyaw sa kanya ni Kendra. Hindi nalang nya pinakinggang ang pagtataray na naman nito. Pinaharurot nalang nya ang sasakyan.

"Teka nga! San mo ba ako dadalhin?!"

"Lunch? Gutom ako eh kain tayo." Tumaas naman ang kanang kilay ni Kendra sa narinig.

"Ano ako chaperone mo?! Hoy Maverick hindi mo ako personal assistant para samahan ka kahit saan!" nakacrossed arms na bwelta nya..

Napangiti nalang si Rick. Kahit kasi anong ekspresyon nito ay maganda parin ito.

"Bat ka ngingiti-ngiti jan?! kung ina akala mong gusto na kita ay nagkakamali ka! Wag ka ng umasa Rick. Kahit kailan hinding hindi mangyayari yon!" Iritableng sabi nya at pagkatapos ay nilagay nya sa tenga nya ang earbuds nya.

Ang mga ngiting kanina lang ay umukit sa labi ni Rick, ngayon ay napalitan ito ng lungkot. Ilang ulit na ba nyang narinig ang mga salitang iyon kay Kendra? Ilang ulit na bang pinipiga ang puso nya sa tuwing ipinaparamdam nitong ayaw na ayaw nya sa kanya?

~Sensya, babawi aq next chapter. Wala akong maisip na matino dahil kakaproblema sa mga major quizzes namin. Alright, stay tune Faters. LoveLots! ♡~

-RuRu

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Where stories live. Discover now