Fate 8

12.8K 292 17
                                    


Isang mabigat na bagay ang nakadagan sa tiyan ni Kendra kaya naalimpungatan ito...

Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata at laking gulat nya ng mapagtantong hindi pala ito bagay sapagkat ang mukha ni Rick na prenteng nakasubsob sa tiyan nya.

"R-Rick?!" Napabalikwas siya ng tayo na sya ring dahilan ng pagkahulog ng asawa.

Sapu sapo ni Rick ang tila nabukulan nyang ulo. Medyo malakas ang impact ng pagkakahulog nya mula sa higaan kaya napangiwi sya sa sakit. Agad namang nataranta si Kendra.

"Mygod! Ayos ka lang ba Rick?!" Marahan nyang tinulungang mapaupo si Rick at chineck nya ang parteng nauntog sa lapag..

"Jesus Kendra. Are you going to kill me?" Medyo yamot na reklamo ni Rick na sya namang ikinainis nya. Aysus! Ang OA. Nauntog lang, patay agad?!

"Hoy Vergara, ang layo nyan sa bituka. Wag ka ngang OA!" Imbes na patulan nito ni Rick ay niyakap nya ito ng mahigpit. Medyo napapitlag si Kendra subalit napayakap narin sya. Muli na namang naglakbay sa kanyang ala-ala ang mga pangyayari kagabi.

"Thank you wife. Thank you for giving me the chance to show you how much I love you.." para namang hinaplos ang puso nya sa mga sinabi ni Rick.

"P-Patawarin mo'ko sa lahat ng mga panahong nasayang, sa lahat ng mga efforts mo na binabalewala ko lang dati. I'm sorry Rick. At salamat dahil hindi ka nagsawang intindihin ako." Muli na namang namulitawi ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas. Hinawakan naman ni Rick ang magkabila nyang pisngi at pinunasan ang kanyang mga luha.

"Sssh. Lets forget the past. Ang importante ay ayos na tayo ok? Magsimula tayong muli mahal." Nakangiting tumango sya at muli ay niyakap ng mahigpit si Rick...

"Thank you Rick. And.. Belated Happy Anniversary."

------

Hindi alintana ni Kendra ang mga matang kanina pang nakapukol sa kanya. Marahil ay nagtataka sila kung bakit maganda ang mood nya nong ihatid sya ni Rick sa kompanya. Niyakap at hinalikan pa nya ito sa pisngi bago umalis..

Sa isang taon nilang pagsasama ngayon pa sya naging masaya ulit. Para bang nagbalik sya sa kanyang pagka teenager na kinikilig pa sa tuwing nakikita nya ang crush nya. Ganon ang impact ngayon ni Rick sa kanya. Ngitian lang sya nito ay para ng sinusundot ang tagiliran nya..

"Hoy Bruha! Naku naku. What was the meaning of that kissing scene nyo kanina ni fafa Rick, ha?" Pang-aasar agad sa kanya ni Rocky ng makasalubong nya ito sa hallway.

"Maka-kissing scene naman to. Excuse me, sa pisngi lang yon ano!" Kunyari ay maktol nya.

"Whatever Kendra Marie. A kiss is a kiss. Now, care to share what is really happenin'?"

"Well.." hindi makabuo ng salitang pasimula ni Kendra. Alam naman kasi nyang lolokohin at kakantyawan na naman sya ng kaibigan.

Umangat naman ang isang kilay ni Rocky at nagcross arms ito..

"You fell for him. Don't you?" Amuse na tanong nito.. Nahihiya sya kay Rocky kaya napayuko nalang sya. Naaalala nya kasi lahat ng mga sinsabi nya rito tungkol kay Rick..

"Oemgee! Dalaga kana Gurr! Sabi na nga ba eh. Maypa 'Never Rocks, Never' kapang linya dati ha." Pang-aalaska ni Rocky sa kanya. Kaya pinukulan nya ito ng nakakamatay na tingin..

"Aba Inday Maria! Hindi mo madadala ang beauty ko sa mga ganyan ganyan mo. Librehin mo nalang ako sa salon mamaya, maappreciate ko pa!" This time sya naman ang nagtaas ng kilay...

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Where stories live. Discover now